٢.Sapagkat may bulag na lalaki na lumapit sa kanya (at nang-aabala, alalaong baga, si Abdullah bin Umm-Maktum, na pumaroon sa Propeta habang siya ay nangangaral sa isa o ilang pinuno ng Quraish)
٣.Datapuwa’t ano ang makakapagsabi sa iyo na baka sakaling siya ay maging dalisay (sa mga kasalanan at umunladsaispiritwalnapang-unawa)
٥.At siya na nag-aakala sa kanyang sarili na siya 940 ay may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anuman)
٧.Ito ay hindi mo pananagutan kung siya ay hindi maging dalisay (sa pananalig at makinabang sa ispiritwal na biyaya; ikaw ay isa lamang Tagapagbalita at ang iyong tungkulin ay iparating ang Mensahe ni Allah)
١١.Hindi, (huwag mong gawin ito o Muhammad), katotohanan, ito (ang mga talata ng Qur’an) ay mga pagpapaala-ala at tagubilin
١٩.Siya ay nilikha Namin mula sa Nutfah (mga patak ng semilya ng lalaki at babae), at Aming binigyan siya ng ganap na sukat
٣٣.Hindi maglalaon, at kung sumapit na ang As-Sakhkhah (ang pangalawang pag-ihip ng Tambuli sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
٣٧.Sa Araw na ito, ang bawat tao ay mababahala lamang sa kanyang sarili at hindi makakapagbigay ng pansin sa iba
٣٨.Sa Araw na ito, ang ibang mga mukha ay magniningning na tulad ng bukang liwayway (bilang isang tunay na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
٤٢.Sila nga ang Kafarah (mga nagtatakwil kay Allah at sa Kanyang Kaisahan at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad, atbp.), ang Fajarah (mga mapaggawa ng katampalasanan, buktot, buhong, atbp)