١.Sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumabatak (sa kaluluwa ng mga walang pananampalataya at tampalasan) ng may matinding dahas
٢.Sa pamamagitan ng (mga anghel) na mabanayad na kumukuha (ng kaluluwa ng mga sumasampalataya at mapapalad)
٣.At sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumababa sa kalangitan na may dalang pag-uutos ng kanilang Panginoon (o ang mga lumilipad [na mga anghel] o lumalangoy [na mga planeta] sa kanilang daan o landas
٤.At sa pamamagitan nila na nagpapatuloy na nangunguna na katulad ng isang karera (alalaong baga, ang mga anghel, o mga bituin o mga kabayo, atbp)
٥.At sa pamamagitan ng mga anghel na nagsasaayos upang gawin ang Pag-uutos ng kanilang Panginoon, (kaya’t katunayang kayo na hindi sumasampalataya ay tatawagin upang magsulit)
٦.Sa Araw na (kung ang unang Pag-ihip ng Tambuli ay gawin), ang kalupaan at kabundukan ay mayayanig nang marahas (at ang lahat ay mamamatay)
١٠.Sa gayon , sila ay magtuturing: “Ano! Kami baga ay katotohanang ibabalik (na muli) sa aming dating anyo ng buhay
١٤.At pagmasdan! Natagpuan nila ang kanilang sarili sa ibabaw ng lupa na buhay matapos ang kanilang kamatayan
١٧.(Na nagsasabi): “Pumaroon ka kay Paraon. Katotohanang siya ay nagmalabis sa pagsuway at paglabag (sakanyangmgakasalanan, kawalanngpananalig, pagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.).”
١٨.At iyong sabihin (sa kanya): “Nais mo bang dalisayin ang iyong sarili (sa kasalanan ng kawalang pananalig, sa pagiging isang mananampalataya)
٢٥.Datapuwa’t sinakmal siya ni Allah ng kaparusahan, (at ginawa siya) na isang halimbawa, sa Kabilang Buhay , at sa buhay na ito
٢٦.Katotohanang naririto ang isang nagtuturong tagubilin (at aral) sa sinumang may pagkatakot kay Allah
٢٨.Sa kaitaasan ay Kanyang itinaas ang kulandong nito at Kanyang ginawaran yaon nang kaayusan at pagiging ganap
٢٩.Ang kanyang gabi ay nilukuban Niya ng kadiliman, at ang kanyang katanghalian ay ginawaran Niya ng liwanag
٣٧.At sa kanya na nag-Tagha (lumabag at sumuway sa lahat ng hangganan na itinakda ni Allah, kawalan ng paniniwala, pang-aapi, kasamaan, atbp)
٣٨.At minahalaga ang buhay sa mundong ito (sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang masamang hangarin at mga pagnanasa)
٤٠.Datapuwa’t siya na may pagkatakot sa kanyang pagharap (sa pagsusulit) sa kanyang Panginoon, at nagtimpi ng kanyang sarili sa marumi at maitim na hangarin at pagnanasa
٤٦.Sa Araw na ito ay kanilang mapagmamalas, (wari) bang sila ay umidlip lamang ng isang gabi sa mundong ito, (o ang pinakamatagal) ay hanggang sa pagdatal ng umaga