٢.Tungkol ba sa Malaking Balita (alalaong baga, ang Islam, Kaisahan ni Allah, ang Qur’an na dinala ni Propeta Muhammad, ang Araw ng Muling Pagkabuhay, atbp)
١٨.Sa Araw na ang Tambuli ay hihipan at kayo ay magsisiparito ng langkay-langkay (at sa maraming pangkat)
٢٢.Bilang isang Tahanan sa Taghun (sila na lumalabag at sumusuway sa hangganan na itinakda ni Allah, katulad ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, mga mapagkunwari, mga makasalanan, mga kriminal, atbp)
٢٧.Sapagkat katotohanang sila ay hindi nagbigay pahalaga ( at nangamba) tungo sa (araw) ng pagsusulit (ng kanilang mga gawa)
٢٨.At ganap nilang itinuring na walang katotohanan ang Aming Ayat (kapahayagan, tanda, katibayan, aral, atbp)
٣٠.Kaya’t lasapin ninyo ang bunga (na inani) ng inyong masasamang gawa, at kayo ay hindi Namin bibigyan ng anuman maliban sa Kaparusahan
٣١.Katotohanan! Sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na sumusunod sa lahat ng ipinag-uutos ni Allah at umiiwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal) ay tagumpay, at katuparan ng kanilang inaasam (Paraiso)
٣٧.Mula sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan at anumang nasa pagitan nito, ang diyos na Lubos na Mapagbigay ng biyaya, at walang sinuman (ang may kapamahalaan) na makakasalansang sa Kanya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), malibang Kanyang pahintulutan
٣٨.SaAraw na ang ruh (si Gabriel o ibangAnghel) at iba pang anghel ay nakatindig (nang tuwid at maayos) sa mga hanay, at hindi makakapangusap malibang pahintulutan siya ng Lubos na Mapagbigay (Allah), at kanyang ipagsasaysay kung ano ang matuwid
٣٩.Ito ang Araw ng Katotohanan na walang alinlangan, kaya’t sinuman ang magnais, hayaang tahakin niya ang Pagbabalik, sa tuwid na landas ng kanyang Panginoon (sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya sa buhay sa mundong ito)
٤٠.Katotohanang Aming pinaaalalahanan kayo ng daratal na Kaparusahan. Sa Araw na ang tao ay makakapagmalas (sa gawa) ng kanyang kamay kung saan siya inihantong. Ang mga hindi sumasampalataya ay magsasabi: “ Kasawian sa akin! Sana ay naging alabok na lamang ako!”