١.Sa pamamagitan ng hangin (o mga anghel o mga Tagapagbalita ni Allah), na isinugo nang magkakasunod (sa kapakinabangan ng tao)
١٣.Sa Araw ng Pagbubukod-bukod (sa mga tao na nakatalaga sa Paraiso at sa mga tao na nakatalaga sa Impiyerno)
١٥.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
١٨.Kaya’t sa ganito Namin pinakikitunguhan ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus- diyosan, kriminal, atbp)
١٩.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
٢٤.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
٢٧.At nagtatag dito ng kabundukan na mataas at matibay at naggawad sa inyo (mula sa kalupaan) ng malinamnam na tubig
٢٨.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
٢٩.(Atsakanilanahindisumasampalatayaayipagbabadya): “Magsiparoon kayo (sa kaparusahan) na inyong itinatatwa
٣١.(Na hindi makakapagbigay) sa inyo ng lilim ng kaginhawahan, gayundin ng pananggalang sa Naglalagablab na Apoy.”
٣٢.Katotohanan! Ito (Impiyerno) ay naghahagis ng tilamsik (ng apoy) na (kasinglaki) ng Al Qasr (malaking pintuan o mahabang troso ng palasyo)
٣٤.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
٣٧.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
٣٨.Ito ang Araw ng Kapasiyahan (sa katarungan)! Kayo ay Aming titipunin nang sama-sama, gayundin ang inyong mga ninuno
٤٠.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
٤١.At katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid na tao na gumagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah at may pangangamba sa Kanya, at umiiwas sa lahat ng mga ipinagbabawal ni Allah), sila ay mananahan sa gitna (ng lamig) ng mga lilim at mga bukal (ng tubig)
٤٣.(At sa kanila ay ipagbabadya): “Halina kayo na mapapalad, kayo ay magsikain at uminom bilang kabayaran sa inyong pinagsumikapan (na kabutihan).”
٤٤.Katotohanang sa ganito Namin ginagantihan (ng biyaya) ang Muhsinun (mga matutuwid na tao na mapaggawa ng kabutihan)
٤٥.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
٤٦.(o kayong hindi sumasampalataya)! Magsikain kayo at magpakaligaya sa inyong sarili sa ilang sandali (sa buhay sa mundong ito). Katotohanang kayo ay Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp)
٤٧.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
٤٨.At kung sa kanila ay ipinagtuturing: “Magpatirapa kayo (sa pananalangin)!” Sila ay hindi nagpapatirapa (sa pag-aalay ng kanilang mga dasal)
٤٩.Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)