٨.At kung ang sanggol na babae na inilibing ng buhay (na katulad nang ginawa ng mga paganong Arabo) ay tatanungin
١١.At kung ang kalangitan (sa kaitaasan) ay itambad (sa pagkabiyak) at mawala sa kanyang kinalalagyan
١٥.Katotohanang Ako ay sumusumpa sa pamamagitan ng mga buntala na umuurong (alalaong baga, nawawala sa araw at lumilitaw sa gabi)
١٦.At sa pamamagitan ng mga buntala na kumikilos nang mabilis at nagkukubli ng kanilang sarili (lumilitaw at naglalaho)
١٩.Katotohanan! Ito ang Salita (ang Qur’an) na dinala ng karangal-rangal na Tagapagbalita (Gabriel, mula kay Allah patungo kay Propeta Muhammad)
٢٠.Na ginawaran ng kapangyarihan, at may mataas na antas (at karangalan) kay Allah, ang Panginoon ng Luklukan
٢٢.o mga tao! Ang inyong Kasama (Muhammad) ay hindi isang baliw (at hindi inaalihan ng masamang bagay)
٢٣.At katotohanang kanyang (Muhammad) napagmalas siya (Gabriel) sa maliwanag na hangganan ng sangkalupaan at kalangitan (tungo sa Silangan)
٢٩.Datapuwa’t hindi ninyo ito magagawa malibang loobin ni Allah, ang Tagapagtangkilik at Tagapanustos ng lahat ng mga nilalang