عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ha Mim (mga titik Ha, Ma)
٥.At sa pagpapalitan ng araw at gabi, at katotohanang si Allah ang nagpamalisbis ng panustos (na ulan) na (Kanyang) ipinanaog mula sa alapaap at nagbigay buhay sa tigang na lupa, at sa pagbabago ng direksyon ng ihip ng hangin (alalaong baga, kung minsan ay patungo sa silangan o hilaga, at kung minsan ay patungo sa timog o kanluran, at kung minsan ay nagdadala ng masayang balita ng ulan at kung minsan ay nagdadala ng kaparusahan [bagyo]), ito ay mga Tanda para sa mga tao na may kaalaman at pang-unawa
١٩.Katotohanang sila ay walang silbi sa iyo sa paningin ni Allah. Katotohanan, ang Zalimun (mga mapaggawa ng kasamaan, mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, atbp.) ay mga Auliya (tagapangalaga, tagapagtanggol, kawaksi, atbp.), at magkakabuklod sa isa’t isa. Datapuwa’t si Allah ang wali (Tagapangalaga, Tagapagtanggol, atbp.) ng Mutaqqun (mga matutuwid at matimtimang tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng mga mabubuting gawa na ipinag- utos ni Allah)