٣.Ipinanaog Namin ito (ang Qur’an) sa pinagpalang Gabi (alalaong baga, ang Gabi ng Qadr, [sa buwan ng ramadhan, ang pangsiyam na buwan ng kalendaryong Islamiko]). Katotohanang Kami ay lagi nang nagbababala (sa sangkatauhan, na ang Aming Kaparusahan ay sasapit sa kanila na hindi nananalig sa Aming Kaisahan at pagiging Panginoon at sa Kaisahan ng PagsambasaAmin)
٤.dito(sanatatanging Gabi) ayitinakda ang lahat ng mga (pag-uutos) sa mga pangyayari (alalaong baga, lahat ng mga bagay tungkol sa kamatayan, pagsilang, ikabubuhay, kapinsalaan, atbp. [sa susunod] na buong taon ayon sa itinalaga ni Allah
٥.“Amran” (alalaong baga, ang pag-uutos sa Qur’an o ang Katakdaan ng bawat bagay) sa pamamagitan ng Aming pag-uutos. Katotohanang Kami ay lagi nang nagsusugo (ng mga Tagapagbalita)
٦.(Bilang) Habag mula sa inyong Panginoon. Katotohanan! Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam
٧.Ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, kung kayo (lamang) ay may tiyak na pananalig
٨.La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Siya ang naggagawad ng buhay at gayundin ng kamatayan, ang inyong Panginoon (na nagkakandili sa inyo), at ang Panginoon ng nauna ninyong mga lahi (ninuno)
١٢.(At sila ay magsasabi): “o aming Panginoon! Pawiin Ninyo sa amin ang Kaparusahang ito, katiyakang kami ay tunay na sasampalataya!”
١٣.Paano silang magkakaroon ng paala-ala (sa sandaling ang Kaparusahan ay sumapit sa kanila), gayong ang isang Tagapagpaala-ala ay dumatal na sa kanila na nagpapaliwanag sa mga bagay nang malinaw
١٤.Datapuwa’t sila ay tumalikod sa kanya (Muhammad) at nagsabi: “Isang tinuruan lamang (ng ibang tao), isang tao na may sira ang pag-iisip!”
١٥.Katotohanang pansamantala Naming papawiin ang Kaparusahan sa ngayon. Katotohanang kayo ay magbabalik loob
١٧.At katotohanang Aming sinubukan nang una pa sa kanila ang mga tao ni Paraon nang dumatal sa kanila ang isang matimtimang Tagapagbalita (Moises)
١٨.Na nagsasabi: “Ibalik mo sa akin ang mga tagapaglingkod ni Allah (alalaong baga, ang Angkan ng Israel). Katotohanang ako sa inyo ay isang Tagapagbalita na karapat-dapat sa lahat (ng inyong) pagtitiwala
١٩.At huwag kayong maging mapagmalaki (sa inyong sarili) ng laban kay Allah. Katotohanang ako ay dumatal sa inyo na may maliwanag na kapamahalaan
٢٠.At tunay ngang ako ay lumuluhog ng kaligtasan mula sa aking Panginoon at inyong Panginoon, baka ako ay inyong batuhin (o saktan o tawagin akong isang manggagaway)
٢١.Datapuwa’t kung ako ay hindi ninyo paniwalaan, kung gayon, magsilayo kayo sa akin at ako ay iwan ninyong mag-isa.”
٢٢.(Nguni’t sila ay palalo), kaya’t siya (Moises) ay humibik sa kanyang Panginoon (na nagsasabi): “Katotohanang sila ang mga tao na Mujrimun (mga tampalasan, walang pananalig, makasalanan, kriminal, atbp.).”
٢٣.(Si Allah ay nagwika): “At sa gabi, humayo ka na kasama ang Aking mga lingkod, katotohanang kayo ay tutugisin.”
٢٤.At iwan ninyo ang dagat na parang tudling (na tahimik at nahahati), sapagkat sila ay lipon (na nakatakdang) malunod
٢٨.Kaya’t ito nga (ang kanilang naging hantungan)! At ginawa Namin ang mga tao (Angkan ng Israel) na siyang magmana (ng kaharian ng Ehipto)
٢٩.At ang kalangitan at kalupaan ay hindi lumuha sa kanila, gayundin naman sila ay hindi binigyan ng palugit
٣١.Mula kay Paraon, katotohanang siya ay mapagpalalo at kabilang sa Musrifun (mga tampalasan, sila na lumalagpas sa hangganan ng paggugol at sa iba pang bagay at gumagawa ng malalaking kasalanan)
٣٢.At Aming pinili ang Angkan ng Israel nang higit sa lahat ng mga nilalalang (sa panahon ni Moises) ng may Kaalaman
٣٧.Sila ba ay higit na mainam o ang mga tao ng “Tubba” at sila na nauna sa kanila? Sila ay Aming winasak sapagkat katotohanang sila ay Mujrimun (mga walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, atbp)
٣٨.At hindi Namin nilikha ang kalangitan at ang kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito bilang isang laro lamang
٣٩.Hindi Namin nilikha sila maliban na may katotohanan (alalaong baga, upang suriin at subukan ang mga masunurin at palasuway at upang gantimpalaan ang palasunod at parusahan ang palasuway), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam
٤٠.Katotohanan, ang Araw ng Paghuhukom (kung si Allah ay hahatol na sa pagitan ng mga nilalang) ay siyang sandali na itinalaga sa kanilang lahat
٤١.Sa Araw kung ang mawlan (isang malapit na kamag- anak) ay hindi makakaasa ng tulong sa mawlan (isang malapit na kamag-anak), at walang tulong ang kanilang matatanggap
٤٢.Maliban sa kanya na gawaran ng Habag ni Allah. Katotohanang Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain
٥١.Katotohanan, ang Muttaqun (mga matimtiman at matuwid na tao na nangangamba kay Allah ng labis at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos), ay mapapasalugar ng Kapanatagan (Paraiso)
٥٤.(Kaya’t ito ang mangyayari), at sila ay Aming ipapangasawa sa Houris (lubhang maputing mga babae na nilikha ni Allah ngunit hindi mula sa supling ni Adan, na may tampok na itim ng mata at puti ng mata)
٥٦.Sila ay hindi kailanman makakalasap ng kamatayan dito maliban sa unang kamatayan (sa buhay sa mundong ito), at Kanyang ililigtas sila sa Kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy