عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)
١٠.Ipagbadya: “Nakikita ba ninyo (at inyong sabihin sa akin)! Kung ang aral na ito (ang Qur’an) ay mula kay Allah, at itinatakwil ninyo ito, at ang isang saksi mula sa Angkan ng Israel (Abdullah bin Salam) ay nagpapatunay na ang Qur’an (na ito) ay mula kay Allah (na nakakahawig ng Torah, ang naunang Kasulatan), at sumampalataya rito (yumakap sa Islam), habang kayo ay lubhang mapagpaimbabaw (upang manalig).” Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, hindi makatarungan, atbp)
١٥.At Aming itinagubilin sa tao ang magpakita ng kabutihan at pagkamasunurin sa kanyang mga magulang. Sa pagbabata ng sakit, ang kanyang ina ay nagdalang tao sa kanya, at sa hirap ay (kanyang) isinilang siya. Ang pagpapalaki (pagpapasuso) sa kanya (bata) sa loob ng tatlumpung buwan, at sa kalaunan, kung siya ay sumapit na sa gulang ng hustong lakas at dumating na sa apatnapung taon, siya ay nagsasabi: “o aking Panginoon! Ako ay gawaran Ninyo ng lakas at kakayahan upang ako ay magkaroon ng pasasalamat sa Inyong mga biyaya na Inyong iginawad sa akin at sa aking mga magulang, at upang ako ay makagawa ng kabutihan, na magiging kalugud-lugod sa Inyo, at gayundin naman, na ang aking anak ay maging mabuti. Katotohanang ako ay naninikluhod sa Inyo sa pagsisisi, at katotohanan na isa ako sa mga Muslim (na tumatalima sa Inyong kalooban).”
١٧.Datapuwa’t siya na nagsasabi sa kanyang magulang: “Kapwa kayo sumpain! Kayo baga ay nananangan sa pangako sa akin na ako ay muling ibabangon (mula sa kamatayan), kahima’t ang maraming sali’t saling lahi ay namatay na noon pang una (na hindi naman nagbangon sa muling pagkabuhay)?” At sila ay nanalangin ng tulong ni Allah (at sumalansang sa kanilang anak): “Kasawian sa iyo! Magkaroon ka ng pananalig! Katiyakan, ang pangako ni Allah ay katotohanan.” Subalit siya ay nagsabi: “Ito ay wala ng iba maliban sa mga kuwento ng panahong sinauna!”
٢٦.At katiyakan, Aming ginawaran sila ng kasaganaan at kapangyarihan na hindi Namin naigawad sa inyo (o Quraish!). At ipinagkaloob Namin sa kanila ang kanilang pandinig (mga tainga), pangmasid (mga mata), puso at katalinuhan, datapuwa’t walang naging kapakinabangan sa kanila ang kanilang pandinig, pangmasid, puso at katalinuhan nang sila ay magpatuloy sa hindi pagtanggap sa Ayat ni Allah (mga Propeta ni Allah, katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at sila ay ganap na napalibutan ng mga bagay na kanilang dating nililibak
٣٥.Kaya’t ikaw ay maging matimtiman (O Muhammad) na kagaya rin ng mga ginawa (noon) ng mga Tagapagbalita na may matatag na hangarin at huwag mong madaliin ang mga hindi sumasampalataya. Sa Araw na kanilang mamamasdan (ang kaparusahan) na ipinangako sa kanila, (rito ay wari bang) sila ay hindi man lamang nagtagal ng isang oras sa buong maghapon. (Ang iyong tungkulin) ay upang ihatid lamang ang Paala-ala. (O sangkatauhan, ang Qur’an na ito ay isang maliwanag na Tagubilin o Pahayag upang iligtas ninyo ang inyong sarili sa pagkawasak). Datapuwa’t walang mawawasak maliban sa mga tao na Al-Fasiqun (mga lumalabag sa pagmamalabis at mapaghimagsik kay Allah). ProPetA muhAmmAD