٦.At (buong katapatan) na nananampalataya sa Al-Husna (ang Pinakamainam, alalaong baga, isang gantimpala mula kay Allah, na si Allah ang magbabayad sa anumang kanyang ginugol tungo sa Kapakanan ni Allah o maggagawad sa kanya ng Paraiso)
٨.Datapuwa’t siya na makasarili at mapag-imbot at nagpapalagay na may sarili siyang kasapatan (alalaong baga, na nasa kanya ang lahat ng bagay)
٩.At hindi nananangan sa Al-Husna (ang Pinakamainam na gantimpalang manggagaling kay Allah, tingnan ang Talata bilang)
١١.At anong kapakinabangan ang maidudulot sa kanya ng kanyang kayamanan sa sandaling siya ay ibulid sa Balon (ng Apoy ng Impiyerno)
١٣.At Katotohanang Kami ang nagtataglay (ng kapamahalaan) ng Katapusan (Kabilang Buhay) at ng Simula (ang Buhay sa mundong ito)
١٧.Datapuwa’t sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao na lubos na sumasampalataya kay Allah), ay malayo rito (Impiyerno)
٢٠.Maliban lamang sa kanyang hangarin na mapaghanap ang Bukas na Mukha ng kanyang Panginoon, ang Kataas-taasan