٣.Na nagtakda ng Ganap na Sukat (kahihinatnan ng lahat at bawat isa maging sa kabutihan o kasamaan) at nagbigay ng Patnubay (nagturo sa sangkatauhan ng Tumpak at Maling Landas)
٦.Sa sunod-sunod na antas ay ipahahayag Namin sa iyo (o Muhammad) ang Mensahe (ang Qur’an) upang hindi mo malimutan
٨.At gagawin Naming magaan ito sa iyo (O Muhammad) upang masunod mo ang Landas (sa paggawa ng mga kabutihan)
٩.Kaya’t paalalahanan mo (ang mga tao) kung ang pagpapaala-ala ay magbibigay kapakinabangan (sa mga makikinig)
١٤.Katiyakan, ang magtatamo 954 ng tagumpay ay siya na nagpapadalisay ng kanyang sarili (sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagsamba sa mga diyus- diyosan at pagtanggap sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
١٥.At lumuluwalhati sa Pangalan ng kanyang Tagapagtangkilik na Panginoon (sumasamba lamang kay Allah at wala ng iba), at bukas ang puso sa pananalangin (alalaong baga, ang limang takdang panalangin sa maghapon bukod pa ang mga dasal na ipinagtatagubilin)