٥.(Sa gayon), ang bawat tao (kaluluwa) ay makakaalam kung ano ang kanyang ipinadala at (kung ano) ang kanyang iniwan (na masama at mabuti)
٨.Sa anumang anyo na Kanyang naisin, ikaw ay Kanyang inilagay na magkasama (sa katawan, isipan, ispiritwal, atbp)
٩.Hindi! Datapuwa’t itinatwa ninyo ang Araw ng Kabayaran (gantimpala sa mabubuting gawa at kaparusahan sa masasamang gawa)
١١.Kiraman Katibin, (mabuti at kapuri-puri [sa Paningin ni Allah]), na nagtatala (ng inyong mga gawa)
١٣.Katotohanan, ang Abrar (mga matutuwid at matimtimang tao), sasakanila ang Kaligayahan (sa Paraiso)
١٤.At katotohanan, ang Fujjar (mga tampalasan, walang pananampalataya, makasalanan at mapaggawa ng kabuktutan), sasakanila ang Naglalagablab na Apoy (ng Impiyerno)
١٦.At sila (na mga Fujjar) ay hindi mawawala rito (alalaong baga, hindi sila makakatakas sa Impiyerno)
١٩.(Ito ang) Araw na walang sinumang tao (kaluluwa) ang may anumamg kapangyarihan (upang makagawa) ng kahit na ano sa ibang tao (kaluluwa). At sa Araw na ito, tanging kay Allah lamang ang Lubos na Pag-uutos at Pasya