٤.Ang Angkan ni Thamud at ni A’ad ay hindi sumampalataya sa Qariah (ang Araw ng Kaguluhan at Kaingayan sa Oras ng Paghuhukom)
٧.Hinayaan Niyang salantahin sila sa loob ng sunod-sunod na pitong mahahabang araw, upang mapagmalas ninyo ang mga tao roon na nakahandusay, na waring sila ba’y katawan ng mga nalugmok na punong 904 palmera
٩.Si Paraon, at ang mga nangauna sa kanya, at ang Pinalugmok na Bayan (ang mga bayan ng pamayanan ni Lut)? Sila ay nagsigawa ng kamalian
١٠.Ang bawa’t isa sa kanila ay naghimagsik nang laban sa Tagapagbalita ng kanilang Panginoon, kaya’t Aming ginawaran sila ng mahigpit na sakmal (ng kaparusahan)
١١.Katotohanan! Nang tumaas ang tubig ng labis sa kanyang hangganan (malaking baha o dilubyo sa panahon ni Noe), ay Aming kinandili kayo (O sangkatauhan) sa Lumulutang na Arko (barko na ginawa ni Noe)
١٢.Upang gawin Namin ito bilang Tagapagpaala-ala sa inyo, upang ang tainga na nakakarinig ay mapananganan ito bilang isang aral na magugunita
١٤.At ang kalupaan at kabundukan ay matinag sa kanilang lugar, at mayanig at madurog sa minsan lamang
١٦.At ang kalangitan ay mahahati, sapagkat sa Araw na yaon, ito ay magiging marupok (at mahina), at mapupunit
١٧.At ang mga anghel ay nasa magkabilang panig nito, at walong anghel ang pumapasan sa Araw na yaon, sa Luklukan ng inyong Panginoon sa ulunan nila
١٩.At tunay ngang siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang kanang kamay ay magsasabi: “Tingnan ninyo at basahin ang aking Aklat
٢٤.(At sa kanila ay ipagtuturing): “Magsikain kayo at uminom ng ganap at nasisiyahan bilang gantimpala sa (kabutihan) na inyong ginawa sa mga panahong nagdaan!”
٢٥.At siya na pagkakalooban ng kanyang Talaan sa kanyang kaliwang kamay ay magsasabi: “Sana’y hindi na ako pinagkalooban ng aking Aklat
٣٧.At walang ibang magsisikain nito maliban sa Khati’un (mga makasalanan, walang pananampalataya, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp)
٤٠.Na katotohanang ito ang salita ng kapuri-puring Tagapagbalita (alalaong baga, si Gabriel o Muhammad na kanyang dinala mula kay Allah)
٤٢.At hindi rin ito salita ng isang manggagaway (o isang manghuhula), kakatiting lamang ang inyong nagugunita
٤٨.Datapuwa’t katotohanan, ang Quran ay isang Paala-ala para sa Muttaqun (mga may pangangamba kay Allah, matimtiman at mapaggawa ng kabutihan, at umiiwas sa lahat ng kasalanan, atbp)
٥٠.At katotohanan, ang Kapahayagan (Qur’an) ay makakapagpaligalig sa mga hindi sumasampalataya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)