عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.o Propeta! Bakit mo ipinagbabawal (sa iyong sarili) ang ipinagkaloob sa iyo ni Allah na Kanyang pinahihintulutan, na ikaw ay naghahangad na maging maligaya ang iyong mga asawa? At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
٣.At (alalahanin) nang ang Propeta ay nagsiwalat ng bagay na dapat ingatan (at ilihim) sa isa sa kanyang mga asawa (si Hafsa), at ipinagtapat din naman (ng kanyang asawa sa iba pa, kay Aisha), at ginawa ni Allah na kanya itong mapag-alaman, at hinayaan niyang mapag-alaman 892 (ng kanyang asawa) ang bahagi nito at hindi niya isiniwalat ang ibang bahagi. At nang kanyang ipagtapat (sa kanyang asawang si Hafsa) ang mga ito, siya (Hafsa) ay nagsabi: “ Sino ang nagpahayag sa iyo ng mga ito? Siya (ang Propeta) ay nagsabi: “Siya (Allah) na Puspos ng Karunungan, ang Ganap na Nakakaalam, ang nagpahayag sa akin.”
٤.At kung kayong dalawa (na mga asawa ng Propeta, si Aisha at Hafsa) ay dumulog sa pagsisisi kay Allah (ito ay higit na mainam sa inyo), sapagkat ang inyong puso ay katotohanang nagnanais (na tutulan ang naiibigan ng Propeta), datapuwa’t kung kayo ay magtulungan sa isa’t-isa ng laban sa kanya (Muhammad), kung gayon, katotohanang si Allah ang kanyang Maula (Tagapagtanggol, Panginoon, Tagapangalaga, atbp.), at si Gabriel, at ang mga matutuwid sa lipon ng nananampalataya, at bukod pa rito, ang mga anghel ang kanyang kawaksi
٨.o kayong nagsisisampalataya! Magsibaling kayo kay Allah ng may matapat na pagsisisi! At umasam na ang inyong Panginoon ay magpapatawad sa inyo ng inyong kasalanan at Kanyang tatanggapin kayo sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), sa Araw na si Allah ay hindi magpapahintulot na ang Propeta (Muhammad) ay hamakin, gayundin ang mga nananalig sa kanya. Ang kanilang Liwanag ay magsisitakbo sa kanilang harapan na kasama (ang kanilang Talaan, ang mga aklat ng gawa) sa kanilang kanang kamay, sila ay magsasabi: “Aming Panginoon! Inyong ganapin ang (aming) Liwanag sa amin (at huwag Ninyo itong patdin hanggang kami ay hindi nakakalampas sa Sirat [isang madulas na Tulay sa ibabaw ng Impiyerno] na ligtas) at ipagkaloob Ninyo sa amin ang Kapatawaran. Katotohanang Kayo ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
١٢.At si Maria, na anak na babae ni Imran na nangangalaga sa kanyang kalinisan (sa kapurihan); at Aming hiningahan (ang manggas ng kanyang damit) sa pamamagitan ng Aming ruh (alalaong baga, si Gabriel), at siya ay nagpatotoo sa katotohanan ng mga Salita ng kanyang Panginoon (alalaong baga, ang pagsampalataya sa Salita ni Allah: “Mangyari nga!”, ito si Hesus na anak ni Maria, bilang isang Tagapagbalita ni Allah), at gayundin (ang pagsampalataya) sa kanyang mga Kasulatan, siya ay isa sa mga Qanitin (matimtimang tagapaglingkod)