عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.O Propeta! Kung kayo ay magdidiborsyo ng mga babae, inyong diborsyuhin sila sa kanilang Iddah (natatakdaang panahon), at inyong bilangin ng buong katumpakan ang kanilang Iddah (natatakdaang panahon), at inyong pangambahan (o mga Muslim) si Allah na inyong Panginoon, at sila ay huwag ninyong itaboy sa kani-kanilang tahanan, at huwag din naman na hayaang sila ay umalis, maliban na lamang kung sila ay nagkakasala ng lantad na kalaswaan (bawal na pakikipagtalik). At ito ang mga hangganan na itinakda ni Allah at sinuman ang lumabag sa mga hangganan ni Allah ay katotohanang nagpahamak ng kanyang sariling kaluluwa. Kayo (na nagdiborsyo ng kanyang asawa) ay hindi nakakabatid na maaaring si Allah, makaraan ito, ay magkaloob ng bagong bagay na mangyayari (alalaong baga, ang ibalik siyang muli [asawa] sa inyo kung ito ang una at pangalawang pagdidiborsyo
٢.Kaya’t kung naganap na nila ang kanilang natatakdaang panahon, mangyaring muli na sila ay inyong tanggapin o maghiwalay kayo sa makatarungang paraan at kumuha kayo ng dalawang saksi mula sa inyo (mga Muslim) na makatarungan, at inyong itampok ang katibayan sa harap ni Allah. Ito ang mga tagubilin na ibinigay sa kanya na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw. At sinuman ang mangamba kay Allah at panatilihin ang kanyang tungkulin sa Kanya, Siya ang magbibigay sa kanya ng lunas sa lahat ng mga kahirapan
٤.At sa inyong mga kababaihan na lumagpas na sa panahon ng kanilang buwanang dalaw, ang Iddah (natatakdaang panahon) para sa kanila, kung kayo ay may alinlangan (tungkol sa kanilang panahon), ay tatlong buwan, at sa mga wala pang buwanang dalaw (alalaong baga, bata pa o matanda na), ang kanilang Iddah (natatakdaang panahon) ay gayon din naman, malibang ang sanhi ay kamatayan. At sa mga may dinadalang buhay sa kanilang sinapupunan (kahit na sila ay diborsyada na o patay na ang kanilang asawa), ang kanilang Iddah (natatakdaang panahon), ay hanggang sila ay makapagluwal ng kanilang dinadala. At sa mga may pangangamba kay Allah (at nagpapanatili ng kanyang tungkulin sa Kanya), ay gagawin Niya na magaan sa kanila ang daan
٦.Hayaan ang mga nadiborsyong babae ay manahan kung saan kayo tumitira, ng ayon sa inyong kakayahan, at sila ay huwag ninyong pakitunguhan sa masamang paraan, upang sila ay mapilitan na umalis. At kung sila ay may dinadalang buhay sa kanilang sinapupunan, kung gayon, kayo ay gumugol ng inyong yaman sa kanila hanggang sila ay makapagluwal ng kanilang dinadala, at kung sila ay nagpapasuso ng inyong supling ay inyong bigyan sila ng kabayaran at kayo ay magpaalalahanan (at magpayo) sa isa’t isa kung ano ang makatarungan at makatuwiran, datapuwa’t kung kayo ay malagay sa kahirapan, hayaan ang ibang babae ang magpasuso para sa kanya (sa kapakanan ng ama ng bata)
١١.(At nagparating din sa inyo) ng isang Tagapagbalita (Muhammad), na nagpapaala- ala at dumadalit sa mga Talata ni Allah (ang Qur’an), na nagtataglay ng malilinaw na paliwanag upang kanyang maakay ang mga sumasampalataya at nagsisigawa ng katuwiran mula sa kailaliman ng kadiliman (ng pagsamba sa mga diyus-diyosan at kawalan ng pananalig) sa kaliwanagan (Kaisahan ni Allah at Tunay na Pananampalataya). At sa mga nananampalataya kay Allah at nagsisigawa ng kabutihan ay Kanyang tatanggapin sila sa mga Hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) upang manahan dito magpakailanman. Katotohanang si Allah ang nagkaloob sa kanila ng katangi-tanging kabuhayan