عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ang anupamang nasa kalangitan at kalupaan ay nagpapahayag ng mga pagpupuri at kaluwalhatian ni Allah. Sa Kanya ang Paghahari at Siya ang nag-aangkin ng lahat ng mga papuri at pasasalamat, at Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay
٩.(At alalahanin) ang Araw na Kanyang ihahanay kayong (lahat) sa Araw ng Pagtitipon, - ito ang Araw ng Pagkalugi at Pakinabang sa isa’t isa (alalaong baga, ito ay pagkalugi sa mga hindi sumasampalataya sapagkat sila ay papasok sa Apoy ng Impiyerno,atpakinabangsamgasumasampalatayasapagkat sila ay papasok sa Paraiso). At sinuman ang sumampalataya kay Allah at nagsisigawa ng katuwiran at kabutihan ay ipapatawad Niya sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at Kanyang tatanggapin sila sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), upang manahan dito magpakailanman, ito ang Tugatog ng Tagumpay