عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Kung ang mga mapagkunwari ay nagsisilapit sa iyo (O Muhammad), sila ay nagsasabi: “Kami ay nagpapatotoo na tunay ngang ikaw ay Tagapagbalita ni Allah.” Katotohanang si Allah ang nakakaalam na ikaw ay tunay Niyang Tagapagbalita, at si Allah ang nagpapatotoo na ang mga mapagkunwari ay katotohanang mga sinungaling
١٠.At gumugol kayo ng halaga (sa kawanggawa) mula sa mga biyaya na Aming ipinagkaloob sa inyo, bago sumapit ang kamatayan sa sinuman sa inyo at siya ay magsabi: “o aking Panginoon! Kung ako ay bibigyan lamang Ninyo ng kaunting panahon na makabalik (sa buhay sa mundong ito), kung gayon, ako ay magkakaloob ng Sadaqa (alalaong baga, ng Zakah,- katungkulang kawanggawa), mula sa aking kayamanan, at nang ako ay maging isa sa mga mapaggawa ng kabutihan (alalaong baga, ang makapagsagawa ng Hajj, - Pilgrimahe sa Makkah)