عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Kahit anupamang nasa kalangitan at kalupaan, bayaan sila na ipagbunyi ang mga pagpupuri at pagluwalhati kay Allah, sapagkat Siya lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaalam
٦.At (alalahanin) nang si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagbadya: “o Angkan ng Israel! Ako ay isang Tagapagbalita ni Allah na ipinadala sa inyo, na nagpapatotoo sa Torah (mga Batas) na ipinadala (sa inyo) nang una pa sa akin, at nagbibigay sa inyo ng masayang balita ng isang Tagapagbalita na susunod sa akin, ang pangalang itatawag sa kanya ay Ahmad (alalaong baga, ang ibang pangalan ni Propeta Muhammad at ang literal na kahulugan nito [Ahmad] ay “siya na nagpupuri kay Allah ng higit pa sa iba”). Datapuwa’t nang siya (Ahmad) ay pumaroon sa kanila na may mga Maliwanag na Katibayan, sila ay nagsipagsabi: “Ito ay isang maliwanag na salamangka!”
١٤.O kayong nananampalataya! Kayo ba ay makakatulong niAllah? Nakatuladnangsinabini Hesus, anganakni Maria, sa kanyang mga disipulo: “Sino ang aking makakatulong (sa mga gawain) sa (Kapakanan) ni Allah? At ang mga disipulo ay sumagot: “Kami ang makakatulong ni Allah!” At ang isang bahagi ng Angkan ng Israel ay sumampalataya, at ang isang bahagi ay nagsitalikod. Subalit binigyan Namin ng kapangyarihan ang mga sumasampalataya laban sa kanilang mga kaaway, at sila ang mga nagsipagtagumpay. Biyernes