عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ang lahat ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan ay nagbubunyi ng mga pagpupuri at pagluwalhati kay Allah. At Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaalam
٢.Siya (Allah) ang nagtaboy sa mga hindi sumasampalatayasaliponngAngkanng Kasulatan(alalaong baga, ang mga Hudyo ng Bani An-Nadir) mula sa kanilang mga tahanan sa unang pagtitipon (ng mga lakas). Kayo ay hindi nag-aakala na sila ay lalabas. At sila ay nag-akala na ang kanilang mga Tanggulan (Moog) ay makakapagtanggol sa kanila kay Allah! Datapuwa’t ang (Kaparusahan) ni Allah ay dumating sa kanila mula sa lahat ng sulok na hindi nila inaasahan, at Siya ay nagpukol ng lagim sa kanilang puso, upang kanilang wasakin ang kanilang mga tirahan sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at ng mga kamay ng mga sumasampalataya. Kaya’t inyong sundin ang Tagubilin, o kayong may mga mata (upang magmalas)
٧.Kung anuman ang ipinagkaloob ni Allah na Labi ng Digmaan (Fai) sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), na mula sa mga tao ng mga bayan, - ito ay pag-aari ni Allah, ng Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), ng mga kamag-anak (ng Tagapagbalitang si Muhammad), ng mga ulila, ng mga nangangailangan na nagpapalimos, atmganaglalakbayupangitoayhindimaging isang kayamanan na nagpapasalin-salin (at ginagamit) ng mga mayayaman sa inyong lipon. Kaya’t inyong kunin ang anumang ibigay sa inyo ng Tagapagbalita (Muhammad), at anumang ipagbawal niya sa inyo, ito ay inyong iwasan at pangambahan si Allah. Katotohanang si Allah ay mahigpit sa Kaparusahan
٩.Datapuwa’t sila, na bago pa sa kanila, ay mayroong tirahan (sa Al-Madinah) at nagsiyakap sa Pananampalataya, at nagpapakita ng pagkagiliw sa sinumang pumaparoon sa kanila upang manuluyan, at sila ay walang paninibugho sa kanilang puso sa anumang ibinigay sa kanila (na mula sa Labi ng Digmaan ng Bani An-Nadir), bagkus ay kanilang inaasikaso sila ng higit pa sa kanilang sarili bagama’t sila ay nagdaranas din ng paghihikahos. At kung sinuman ang ligtas sa kanyang sariling kasakiman, sila nga ang tunay na magkakamit ng kasaganaan at tagumpay
٢٣.Siya si Allah, wala ng iba pang Diyos maliban sa Kanya. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Hari, ang Banal - ang Tanging Isa na ligtas sa lahat ng mga kasahulan at kapintasan, ang Tagapagbigay ng Kapanatagan, ang Tagapagbantay sa lahat ng Kanyang mga nilalang, ang Pinakamakapangyarihan, ang Tagapagpasunod, ang Kataas-taasan. Luwalhatiin si Allah! (Higit Siyang) mataas sa lahat ng kanilang iniaakibat na mga katambal sa Kanya