١.Kung ang Pangyayari na hindi maiiwasan (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay) ay dumatal na
٨.(Ang una), ay mga kasamahan ng Kanang Kamay (alalaong baga, sila na bibigyan ng kanilang Talaan sa kanilang kanang kamay), - Sino baga sila na nasa Kanang Kamay (bilang paggalang sa kanila sapagkat sila ay papasok sa Paraiso)
٩.(At ang sumunod ) ay mga Kasamahan ng Kaliwang Kamay (alalaong baga, sila na bibigyan ng kanilang Talaan sa kanilang kaliwang kamay), - Sino baga sila na nasa Kaliwang Kamay (bilang kahihiyan sa kanila sapagkat sila ay papasok sa Impiyerno)
١٠.(At pangatlo) ang Pinakapangunahin (sa pagiging matimtiman sa Pananalig sa Islam at paniniwala sa Kaisahan ni Allah at gumagawa ng lahat ng mga pagsunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita), ay magiging tampok (sa Paraiso)
١٣.Ang karamihan ng mga tao (sa Pinakapangunahin) ay magmumula sa mga sinaunang henerasyon (na yumakap sa Islam)
١٤.At ang iba pang karamihan (sa Pinakapangunahin), ay sila na galing sa mga huling panahon (ng henerasyon)
١٨.Na may mga tangang kopita at (nangingislap) na bangang sisidlan at mga baso na puno ng dalisay na alak (mula sa batis)
٢٢.At sila ay (magkakaroon) ng mga Houris (kasamahang babae na may magaganda, mapuputi at may maniningning na mga mata [bilang asawa ng mga matimtiman)
٢٥.At doon ay wala silang maririnig na malalaswang salita o anumang salita ng kapintasan o kasalanan (tulad ng paninirang puri, atbp)
٣٥.Pagmasdan! Katotohanang nilikha Namin ang kanilang Kasamahan (mga Dalaga), sa natatanging paglikha
٣٩.Ang karamihan sa mga tao (ng Kanang Kamay) ay magmumula sa sinaunang henerasyon (ng mga yumakap sa Islam)
٤٠.At ang iba pang karamihan ng mga tao (ng Kanang Kamay) ay sila na galing sa (henerasyon) ng huling panahon
٤١.At sila na kasamahan ng Kaliwang Kamay, - Sino nga ba sila na magiging kasamahan ng Kaliwang Kamay
٤٦.At nagpatuloy sa pamimihasa sa kahiya- hiyang kabuktutan (tulad ng pagsasama ng katambal sa pagsamba kay Allah, pagpatay, paggawa ng mga krimen, atbp)
٤٧.At lagi nilang ipinagbabadya: “Ano? Kung kami ba ay mamatay at maging alabok at kalansay, kami ba ay tunay na ibabangong muli sa pagkabuhay?”
٤٩.Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay nga! Silang (mga tao) ng panahong sinauna at silang (mga tao) ng huling panahon.”
٥٠.walang pagsala na titipunin ang lahat ng sama-sama sa natataningang pakikipagtipan sa Bantog na Araw
٥١.Katotohanang kayo na mapaggawa ng kamalian, kayo na humahalakhak (sa katotohanan) at nagtatatwa (sa Muling Pagkabuhay)
٥٥.Katotohanang kayo ay magsisiinom (nito) na katulad ng kamelyong may sakit na sumisingasing sa pagkauhaw
٥٩.Kayo ba ang lumikha sa mga ito (semilya, na nagiging isang ganap na tao), o Kami ba ang Manlilikha
٦٢.At katotohanang batid ninyo ang unang anyo ng paglikha (alalaong baga, ang paglikha kay Adan). Bakit nga ba hindi ninyo ipinagbubunyi ang pagpupuri sa Kanya o (kayo ay) tumatalima
٦٥.Kung Aming nanaisin ay magagawa Namin na maging tulyapis ito at kayo ay magsisisi (o maiiwan sa pagkamangha)
٦٦.Na magsasabi: “Katotohanang kami ay Maghramun (mga nabibigatan sa pagkakautang o nalugi at naparusahan sa kawalan ng pakinabang)
٦٩.Kayo ba ang nagpamalisbis nito mula sa mga ulap o Kami ba na Nagpapahintulot ang nagpamalisbis nito
٧٠.Kung Aming ninais ay magagawa Namin ito na maging mapait (at maalat na hindi maiinom). Bakit nga ba kayo ay hindi nagbibigay pasalamat (kay Allah)
٧٢.Kayo ba ang nagpatubo sa mga punongkahoy na pinagkukunan ng apoy (at panggatong) o Kami ang nagpatubo nito
٧٣.Ginawa Namin ito bilang Paala-ala (saApoy ng Impiyerno sa Kabilang Buhay); at isang bagay ng kaginhawahan sa mga naninirahan sa ilang (at sa lahat ng iba pa rito sa mundo)
٧٥.Tunay nga! Aming tinawag upang magpatotoo ang Mawaqi (ang paglubog o malalaking palasyo ng mga bituin)
٧٨.Sa isang Aklat na ganap na napapangalagaan (na kay Allah sa Kalangitan, alalaong baga ang Al Lauh Al Mahfuz)
٧٩.Na walang sinuman ang makakahipo niyaon (Aklat ni Allah) maliban sa (kanila) na dalisay at malilinis sa kasalanan (alalaong baga, ang mga anghel)
٨١.Ang Pahayag bang ito (ang Qur’an) ay hindi ninyo (mga hindi sumasampalataya) gaanong pinapahalagahan
٨٢.At sa halip (na inyong pasalamatan si Allah) sa mga biyaya na inyong ikinabubuhay mula sa Kanya, sa kabalintunaan ay inyong itinatwa Siya (sa kawalan ng pananalig)
٨٣.Nguni’t bakit hindi ninyo (pinangahasan) nang ang ( kaluluwa ng isang mamamatay na tao) ay umabot na sa kanyang lalamunan
٨٥.Datapuwa’t Kami (alalaong baga, ang Aming mga anghel na kumukuha ng kaluluwa) ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo, subalit (sila) ay hindi ninyo nakikita
٨٦.Kaya’t bakit hindi ninyo ginawa, - kung kayo nga ay hindi sakop ng (darating) na pagsusulit at kabayaran (kaparusahan, atbp)
٨٧.Inyong ibalik (muli ang kanyang) kaluluwa sa kanyang katawan, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan
٨٨.At kung siya (na mamamatay na) ay isa sa Muqaribun (siya na ang magiging kasama ay mga malalapit kay Allah)
٩١.(Ay sasakanya ang pagbati): Sumainyo ang kapayapaan at kapanatagan mula sa mga kasamahan ng Kanang Kamay
٩٢.Datapuwa’t kung siya (na mamamatay) ay kasama roon sa mga nagtuturing na huwad (sa katotohanan ang Muling Pagkabuhay), at tumahak sa kamalian