٥.Ang araw at buwan ay tumatakbo (sumusunod) sa kanilang takdang landas (ng buong katumpakan sa oras at sukat)
٧.At ang kalangitan ay Kanyang itinaas nang matayog, at Kanyang itinakda ang Timbangan (ng katarungan)
٩.Kaya’t panatilihin ninyo ang bigat ng may katarungan at huwag ninyong bayaan ang timbangan na magkulang
١٢.At gayundin ang mais, ang (kanyang) dahon at tangkay ay bilang pagkain ng mga hayop, at mababangong halaman (herba)
١٧.(Siya ang) Panginoon ng dalawang Silangan (ang lugar ng pagsikat ng araw sa panahon ng Tag-init at Taglamig), at Panginoon ng dalawang Kanluran (ang lugar ng paglubog ng araw sa panahon ng Tag-init at Taglamig)
١٩.Hinayaan Niya na maging malaya ang dalawang bahagi ng dagat (ang maalat at matabang na tubig); na huwag magkatagpo
٢٤.At nasa Kanyang (pag-aaruga) ang mga barko na naglalayag nang mabilis sa karagatan, na matayog na tulad ng mga bundok
٢٧.Datapuwa’t mananatili (magpakailanman) ang Mukha ng iyong Panginoon na Tigib ng Kaluwalhatian, Kasaganaan at Karangalan
٢٩.Ang bawat nilalang dito sa kalangitan at kalupaan ay sa Kanya humahanap ng kanilang pangangailangan. At sa araw-araw, Siya ang nagpapatupad (ng pansantinakpang) kapangyarihan (katulad ng pagbibigay ng karangalan sa ilan, kahihiyan sa iba, buhay sa ilan, kamatayan sa iba, atbp)
٣١.Hindi maglalaon ay Aming igagawad (ang inyong kahihinatnan), o kayong dalawang uri ng nilalang (mga Jinn at Tao)
٣٣.O kayong kalipunan ng mga Jinn at Tao! Kung kayo ay may kapangyarihan upang sulasugin ang mga hangganan (at lahat ng sulok) ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay inyong sulasugin! Datapuwa’t hindi kayo makakatawid doon malibang Aming (Allah) pahintulutan
٣٥.At sa inyong dalawa (mga Jinn at Tao) ay ipapadala (sa inyong masasama) ang walang usok na lagablab ng apoy (upang tumupok) at ng (lusaw) na tanso, at kayo ay hindi makakapananggalang sa inyong sarili
٣٩.Sa Araw na yaon, ang Tao maging ang Jinn ay hindi tatanungin sa kanyang kasalanan (sapagkat ito ay natukoy na sa kulay ng kanilang mukha, kung ito ay itim o puti)
٤١.Ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp.) ay makikilala sa kanilang mga tanda (maiitim na mukha), at sila ay sasakmalin sa kanilang nakalawit at natataliang buhok (sa noo) at sa kanilang mga paa
٤٣.Ito ang Impiyerno na itinanggi ng Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp)
٤٦.Datapuwa’tsiya(natunaynasumasampalatayakayAllah at sa Kanyang Kaisahan at sa Islam, na gumagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita at umiiwas sa lahat ng masama at mga ipinagbabawal sa Islam), na may pagkatakot (at pangangamba) sa pagtindig sa harapan (ng Luklukan ng Paghuhukom) ng kanyang Panginoon, doon ay magkakaroon ng dalawang Halamanan (Paraiso)
٥٤.Sila ay magsisihilig sa mga diban na nababalutan ng binurdahang sutla, at ang mga bungangkahoy ng dalawang Halamanan ay mababa at naaabot ng kamay
٥٦.At sasakanila ang (mga dalaga) na walang bahid dungis, na nagpipigil sa kanilang pagsulyap sa kanilang mga asawa, na wala pang sinumang tao o Jinn ang sa kanila ay nakasaling
٦٢.At bukod pa sa dalawang (Halamanang ito) ay mayroon pang dalawang Halamanan (alalaong baga, ang Paraiso)
٦٨.Na naroroon ang mga bungangkahoy, at mga bungang palmera (datiles) at bungang granada (pomegrenates)
٧٢.Mga Houris (magaganda at mapuputing babae na nagpipigil sa kanilang pagsulyap) na nakatahan sa mga bulwagan
٧٨.Maluwalhati ang Pangalan ng inyong Panginoon (Allah), na Lubos ang Kataasan at Tigib ng Karangalan