٦.dhu Mirrah (ligtas sa lahat ng kapintasan sa katawan at isipan), Fastawa , na ginawaran ng karunungan, sapagkat siya (Gabriel) ay tumambad (na kapita-pitagan)
١٠.Kaya’t (si Allah) ay nagparating ng kapahayagan sa Kanyang Alipin (na si Muhammad sa pamamagitan ni Gabriel)
١٢.Kayo baga ay makikipagtalo sa kanya (Muhammad) hinggilsakanyangnakita(sasandaling Mi’raj, ang pagpanhik ng Propeta sa ibabaw ng pitong kalangitan)
١٣.Sapagkat katotohanang kanyang (Muhammad) nakita siya (Gabriel) sa pangalawang antas ng pag-akyat (alalaong baga, sa ibang oras)
١٤.Sa tabi ng Sidrat-ul-Muntaha (ang punong Lote ng kawalang hanggan, na walang sinuman, pagkalagpas ng kawalang hanggan ang makakaraan)
١٧.Ang paningin (ni Propeta Muhammad) ay hindi lumihis (sa kanan o sa kaliwa), at hindi rin lumagpas sa hangganan (na itinagubilin sa kanya)
١٨.Sapagkat katotohanan na kanyang (Muhammad) namasdan ang mga dakilang Tanda ng kanyang Panginoon (Allah)
٢٣.Ito ay wala ng iba kung hindi mga pangalan lamang na inyong ipinangalan, - kayo at ng inyong mga ninuno, - na rito ay hindi nagpapanaog si Allah ng anumang kapamahalaan. Sila ay walang sinusunod maliban lamang sa haka-haka at sa ninanais ng kanilang sarili (kaluluwa), kahit na katiyakang dumatal sa kanila ang Patnubay mula sa kanilang Panginoon
٢٥.Datapuwa’t si Allah ang nagmamay-ari ng huli (ang Kabilang Buhay) at una (Unang Buhay sa mundong ito)
٢٦.At maraming anghel sa kalangitan na ang (kanilang) pamamagitan (kay Allah at sa mga tao) ay walang matatamo malibang pahintulutan ni Allah sa sinumang Kanyang maibigan at kinalulugdan
٢٧.Katotohanang sila na hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ay nagpapangalan sa 834 mga anghel ng mga pangalang babae
٢٨.Samantalang sila ay walang kaalaman dito. Sila ay sumusunod lamang sa wala maliban sa haka-haka, at tunay ngang ang haka-haka ay hindi makakapanaig sa Katotohanan
٢٩.Kaya’t iyong talikdan (o Muhammad) siya na tumatalikod sa Aming Paala-ala (ang Qur’an), at walang ibang hinahangad maliban sa buhay sa mundong ito
٣٠.Ito lamang ang hangganan ng kanilang karunungan. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang tunay na nakakaalam sa kanya na naliligaw sa Kanyang Landas, at ganap Niyang talastas siya na tumatanggap ng patnubay
٣١.Tunay ngang si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at nasa kalupaan, upang Kanyang mabayaran sila na gumagawa ng kasamaan ng ayon sa kanilang ginawa (alalaong baga, ang parusahan sila sa Impiyerno), at magantimpalaan Niya ang mga gumagawa ng kabutihan sa pinakamainam (alalaong baga, sa Paraiso)
٣٢.Sila na umiiwas sa mabibigat na kasalanan at Al-Fawahish (bawal na pakikipagtalik, gawaing malalaswa, atbp.), maliban sa maliliit na pagkakamali, katotohanang ang inyong Panginoon ay Tigib ng Pagpapatawad. Kayo ay ganap Niyang talastas nang kayo ay Kanyang nilikha sa kalupaan, at nang kayo ay nakatago pa sa sinapupunan ng inyong ina. Kaya’t huwag ninyong pananganan ang inyong sarili na dalisay. Ganap Niyang batid siya na may pangangamba kay Allah at nagpapanatili ng kanyang tungkulin sa Kanya
٣٨.Na nagtatagubilin na walang sinuman na nagdadala ng pasanin (ng kanyang kasalanan) ang maaaring magdala ng pasanin ng iba (kasalanan ng iba)
٣٩.Na ang tao ay walang mapapakinabang maliban lamang sa kanyang pinagsusumikapan (na mabuti o masama)
٤٣.At Siya (Allah) ang nagkakaloob (sa sinumang Kanyang maibigan) ng halakhak at nagkakaloob (sa sinumang Kanyang maibigan) ng luha
٥٢.At ang lahi ni Noe noong panahong sinauna, sapagkat katotohanang sila ay hindi makatarungan at mapaghimagsik at ang karamihan sa kanila ay lantarang sumusuway (kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Noe)
٥٦.Siya (Muhammad) ay isang tagapagbabala (Tagapagbalita), sa mga kawing ng mga tagapagbabala (mga Tagapagbalita) noon pang panahong lumipas
٥٨.wala ng iba pa maliban kay Allah ang makakahadlang dito (o makakapagpauna rito o makakaantala rito)
٦١.Na nag-aaksaya ng inyong (mahalagang) panahon sa mga makalupang pampalipas oras at pagsasaya (pagkanta, pagsayaw, atbp)