عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Katotohanang ikaw (O Muhammad) ay pinagkalooban Namin ng lantad na tagumpay
٦.At upang Kanyang maparusahan ang Munafiqun (mga mapagpaimbabaw, mapagkunwari), mga lalaki at babae, at gayundin ang Mushrikun (mga mapagsamba sa maraming diyus-diyosan at nag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba kay Allah), mga lalaki at babae, na nag-iisip ng masamang saloobin kay Allah, sa kanila ay may isang kaaba-abang kaparusahan. Ang Poot ni Allah ay nasa kanila at Kanyang isinumpa sila at (Kanyang) inihanda ang Impiyerno para sa kanila, at tunay namang pagkasama- sama ng gayong hantungan
١٠.Katotohanang sila na nagbibigay ng kanilang Bai’a (pagpanig, pagtangkilik at katapatan) sa iyo (o Muhammad), sila ay nagbibigay ng Bai’a (pagpanig, pagtangkilik at katapatan) sa katotohanan kay Allah. Ang Kamay ni Allah ay nasa ibabaw ng kanilang mga kamay, kaya’t kung sinuman ang lumabag sa kanyang katapatan (sa pagpanig at pagtangkilik) ay gumawa nito tungo sa kasahulan ng kanyang kaluluwa, at kung sinuman ang tumupad ng kanyang ipinangako (o kasunduan) kay Allah, si Allah ay dagling maggagawad sa kanya ng malaking Gantimpala
١١.Sila na mga Bedouin (Arabong nananahan sa disyerto) na nagpaiwan ay magsasabi sa iyo. “Kami ay naging abala sa pamamahala ng aming mga manukan at hayupan at sa aming pamilya, - maaari bang hingin mo ang kapatawaran tungo sa amin?” Sila ay nagsisipagbadya sa kanilang dila (ngunit) wala naman sa kanilang puso. Ipagsaysay: “Sino kaya baga ang may ganap na kapangyarihan, ang makakahadlang sa inyong kapakanan sa harap ni Allah, kung Kanyang naisin na bigyan kayo ng kasahulan o pagkalooban kayo ng kapakinabangan? Hindi, datapuwa’t si Allah ang Lalagi nang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa
١٦.Ipagbadya (o Muhammad) sa mga Bedouin (mga Arabong nananahan sa disyerto na nagpaiwan): “Kayo ay ipatatawag upang makipaglaban sa mga tao na ibinigay sa makabuluhang labanan, kaya’t kayo ay makikipaglaban sa kanila, o sila ay susuko. Ngayon, kung kayo ay magpapakita ng pagtalima, si Allah ay magkakaloob sa inyo ng makatarungang gantimpala, datapuwa’t kung kayo ay magsisitalikod na kagaya nang ginawa ninyong pagtalikod noong una, ay Kanyang parurusahan kayo ng kasakit- sakit na Kaparusahan”
٢٥.Sila yaong hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at humahadlang sa inyo sa Masjid- ul-Haram (ang Banal na Bahay Dalanginan sa Makkah), at gayundin naman sa inyong pangsakripisyong alay na hayop na kanilang ikinulong upang ito ay hindi makaabot sa pook na pag-aalayan ng inyong sakripisyo. Kung hindi lamang sana sa mga nananampalatayang lalaki at mga nananampalatayang babae na hindi ninyo nakikilala na maaari ninyong mapatay, at dahil dito, ito ay magiging sanhi upang kayo ay makagawa ng pagkakasala (na hindi ninyo nababatid, [si Allah sana ay magpapahintulot sa inyo na sila ay inyong lusubin, datapuwa’t pinigilan Niya ang inyong mga kamay]), upang Kanyang tanggapin sa Kanyang Habag ang sinumang Kanyang maibigan. Kung sila lamang ay magkalayo (hindi magkalapit ang mga sumasampalataya at mga hindi sumasampalataya), katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya sa kanilang lipon ay Aming pinarusahan ng kasakit-sakit na kaparusahan
٢٦.Nang ang mga hindi sumasampalataya ay naglagay sa kanilang puso ng kapalaluan at kayabangan, - ang kapalaluan at kayabangan nang panahon ng kawalang muwang, - si Allah ay nagpapanaog ng Kanyang Sakinah (katahimikan at kapanatagan) sa Kanyang Tagapagbalita at gayundin sa mga Sumasampalataya at hinayaan Niya na manangan sila sa salita ng kabanalan (alalaong baga, wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), at ito ay ganap na marapat sa kanila at (sila) ay karapat-dapat dito. At si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ng bagay
٢٧.Katotohanang tutuparin ni Allah ang tunay na pangitain na Kanyang ipinamalas sa Kanyang Tagapagbalita (alalaong baga, si Propeta Muhammad ay nakakita sa panaginip na siya ay pumasok sa Makkah na kasama ang kanyang mga kapanalig, na ang kanilang buhok [sa ulo] ay ahit at nagugupitan ng maikli), sa tampok na katotohanan. Katiyakang kayo ay magsisipasok sa Masjid-ul-Haram (Banal na Bahay dalanginan), kung pahihintulutan ni Allah, na may panatag na kaisipan, na ahit ang kanilang buhok sa ulo, at ang ibang buhok ay pinutulan ng maikli, at walang pangangamba, sapagka’t nababatid Niya ang hindi ninyo nalalaman at nagkakaloob Siya maliban pa rito ng abot-kamay na Tagumpay
٢٩.Si Muhammad ang Tagapagbalita ni Allah, at ang mga tao na sumama sa kanya ay matatag laban sa mga hindi sumasampalataya, at sila ay mapagmahal sa isa’t isa. Iyong mapagmamalas sila na yumuyukod at nagpapatirapa sa kanilang pagdalangin na naninilukhod ng Kasaganaan mula kay Allah at ng (Kanyang) Mabuting Pagkalugod. Sa kanilang mukha ay may mga marka (alalaong baga, ng kanilang pananampalataya) mula sa mga bakas ng kanilang pangangayupapa (sa pagdalangin). Ito ang nakakahalintulad nila sa Torah (mga Batas), at ang nakakahalintulad nila sa Ebanghelyo ay ito: Katulad nila ay buto (na itinanim) at bumukadkad sa pagtubo, at naging matatag, at sa kalaunan ay lumago at tumindig nang matuwid sa kanilang katawan, na nagbibigay sa mga nagtanim ng pagkamangha at kasiyahan. dahilan dito, ang mga hindi sumasampalataya ay napuspos ng pagkagalit sa kanila. Si Allah ay nangako sa kanila na mga sumasampalataya (alalaong baga, sila na mga sumusunod sa Islam at nanalig sa Kaisahan ni Allah, ang Pananampalataya ni Propeta Muhammad hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay), at nagsisigawa ng kabutihan, ng pagpapatawad at ng isang malaking gantimpala