عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Sila na nagtatakwil (sa Kaisahan ni Allah at sa Mensahe ni Propeta Muhammad) at humahadlang sa mga tao tungo sa landas ni Allah, sa Islam), ang kanilang mga gawa ay hindi magwawagi kay Allah
٤.Kaya’t kung inyong makaharap sa labanan (Jihad, maka- Diyos na pakikibaka tungo sa Kapakanan ni Allah) ang mga hindi sumasampalataya, hampasin ninyo ang kanilang leeg hanggang (sa kalaunan), kung ang karamihan sa kanila ay inyo nang napatay o nasugatan, inyo silang talian ng panggapos ng mahigpit (alalaong baga, sila ay gawin ninyong bihag). Sa gayon, makaraan nito, naririto na ang sandali ng pagpaparaya (palayain sila ng walang tubos), o ipatubos (ayon sa kapakinabangan ng Islam), hanggang ang hilahil ng digmaan ay humupa. Sa ganito, kayo ay pinag-utusan (ni Allah na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Jihad laban sa mga hindi sumasampalataya hanggang sa sila ay yumakap sa Islam [alalaong baga, ang mailigtas sila sa kaparusahan ng Apoy ng Impiyerno], o di kaya ay mapabilang sila sa ilalim ng inyong pangangalaga) , datapuwa’t kung ninais lamang ni Allah ay magagawa Niya na matalo sila (kahit na wala kayo), datapuwa’t ninais Niya na kayo ay lumaban upang Kanyang masubok kayo at ang iba pa. Datapuwa’t sila na nasawi dahil sa Landas ni Allah, ay hindi Niya hahayaan na ang kanilang mga gawa ay mawalang saysay
١٥.Narito ang paglalarawan ng Halamanan (Paraiso) na sa Mutaqqun (mga matutuwid at matimtimang tao na labis na nagmamahal kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga masasamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng mga mabubuting gawa na Kanyang ipinag- uutos) ay ipinangako: Naririto ang mga ilog na ang tubig nito sa lasa at samyo ay hindi nagmamaliw (sa kasariwaan); mga batis ng gatas na ang lasa ay hindi kailanman nagbabago; mga batis ng alak na ang linamnam ay isang kasiyahan sa mga umiinom, at mga batis ng pulot-pukyutan na puro at dalisay. Naririto ang lahat ng uri ng bungangkahoy; at Pagpapatawad mula sa kanilang Panginoon. (Sila kaya na maninirahan sa kaligayahan) ay maihahalintulad sa mga magsisipanahan sa Apoy, na bibigyan dito upang uminom ng kumukulong tubig na humihiwa (ng pira-piraso) sa laman ng kanilang mga bituka
٢٠.Sila na sumasampalataya ay nagsasabi: “Bakit kaya hindi ipinanaog (sa amin) ang isang Surah (Kabanata ng Qur’an)? Datapuwa’t kung ang isang Surah na may tampok na kahulugan (na nagpapaliwanag at nag-uutos ng mga bagay-bagay) ay ipinanaog, at ang pakikipaglaban (Jihad, ang maka-Diyos na pakikidigma) ay nababanggit dito (alalaong baga, ipinag-uutos), iyong mapagmamalas ang mga tao na sa kanilang puso ay may karamdaman (ng pagkukunwari) na tumitingin sa iyo na (katulad ng) isang sulyap ng isang nangangapos ang hininga dahilan sa napipintong kamatayan. Ngunit higit na mainam sa kanila (na mapagkunwari, ang makinig kay Allah at tumalima sa Kanya)
٣٨.Pagmasdan! Kayo ang mga inaanyayahan na gumugol (ng inyong yaman) tungo sa Landas ni Allah, datapuwa’t sa lipon ninyo ay may mga sakim, at kung sinuman ang maging sakim, siya ay gumawa ng kapahamakan ng kanyang kaluluwa. Datapuwa’t si Allah ay Masagana (na hindi nangangailangan ng anuman) at kayong sangkatauhan ay mahirap (at nangangailangan ng lahat). At kung kayo ay tumalikod (sa Islam at sa pagtalima sa Landas ni Allah), ay Kanyang ipagpapalit kayo sa ibang mga tao, at sila ay hindi ninyo magiging katulad