عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ha, Mim. (mga titik Ha, Ma)
٧.At ikaw (o Muhammad) ay binigyan Namin ng Qur’an (sa wikang Arabik) upang iyong mapaalalahanan ang Ina ng mga Lungsod (Makkah) at ang nakapaligid dito, at upang bigyang babala (sila) ng Araw ng Paghahanay na walang alinlangan; (na kung saan) ang ibang pangkat ay tutungo sa Halamanan (Paraiso, alalaong baga, sila na sumampalataya kay Allah at sumunod sa anumang ipinahayag sa kanila ng Tagapagbalita ni Allah), at ang ibang pangkat ay (tutungo) sa Naglalagablab na Apoy (Impiyerno, alalaong baga, ang hindi sumampalataya kay Allah at sumuway sa ipinahayag ng Tagapagbalita ni Allah)
١٣.Siya (Allah) ang nagtakda sa inyo ng gayong ding Pananalig (Islam) na Kanyang itinakda (ipinag-utos) kay Noe, at gayundin ang Aming ipinahayag sa iyo (o Muhammad) at gayundin ang Aming ipinahayag kay Abraham, Moises at Hesus, na nagsasabi na kayo ay manatiling matimtiman sa Pananalig, at huwag kayong gumawa ng pagkakabaha-bahagi rito (sa Pananampalataya, alalaong baga, pagkakaroon ng iba’t ibang sekta). Ang iyong ipinangangaral (o Muhammad), ito ay hindi katanggap- tanggap sa Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah). Si Allah ang pumipili para sa Kanyang Sarili ng sinumang Kanyang mapusuan at Siya ang namamatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumabaling sa Kanya sa pagsisisi at pagtalima
١٤.At sila ay nagbaha-bahagi lamang nang ang kaalaman ay makarating sa kanila, sila na lumalabag sa makasariling pagsuway sa bawat isa. At kung hindi lamang sa Salita na ipinangusap sa kanila noong una mula sa iyong Panginoon sa natatakdaang panahon, ang pangyayari ay napagpasiyahan na sa pagitan nila. Datapuwa’t katotohanan, ang mga ginawaran na magmana ng Aklat (Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) pagkatapos nila (mga Hudyo at Kristiyano) ay nasa malaking alinlangan patungkol dito (alalaong baga, sa Relihiyon ni Allah, sa Islam o sa Qur’an)
١٥.Ngayon, sa ganitong dahilan (sa relihiyon ng Islam at sa Qur’an), ikaw (O Muhammad) ay matimtimang manawagan sa kanila sa paraang ikaw ay pinag-utusan at huwag mong tularan ang kanilang maimbot na pagnanasa, at ikaw ay magbadya: “Ako ay nananalig sa anumangAklat na ipinarating ni Allah (ang Qur’an na ito, at ang mga Aklat ng Torah noonpanguna, atng Ebanghelyooangmga Kalatasni Abraham), at ako ay pinag-utusan na maging makatarungan sa inyo. Si Allah ang ating Panginoon at inyong Panginon. Sa amin (ang pananagutan) ng aming mga gawa at sa inyo ang inyong mga gawa. walang pagtatalo sa pagitan natin. Si Allah ang magtitipon sa atin at sa Kanya ang ating Huling Pagbabalik
٢٣.Ito ang (Biyaya ng Paraiso) na ibinibigay na magandang balita ni Allah sa Kanyang mga alipin na sumasampalataya (sa Kanyang Kaisahan) at gumagawa ng kabutihan. Ipagbadya (o Muhammad): “wala akong hinihinging pabuya sa inyo maliban sa pagmamahal (ng tulad) ng mga malalapit na kaanak (alalaong baga, hindi siya nangangailangan ng kayamanan, salapi, atbp. sa kanyang pangangaral ng Islam, datapuwa’t siya ay nakikiusap sa kanila na huwag siyang saktan bilang kanilang kaisa sa pamayanan, at siya ay kanilang sundin sa kanyang ipinangangaral). At sinuman ang kumita ng anumang magandang bagay, igagawad Namin sa kanya ang dagdag na kabutihan na katumbas nito, sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, at Laging Nagpapahalaga (sa gawa ng mga sumusunod sa Kanya)
٤٨.Nguni’t kung sila ay magsitalikod (O Muhammad, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah), ikaw ay hindi Namin isinugo upang maging Hafiz (tagapangalaga, tagapamahala at tagapagbayad ng kanilang mga gawa) sa kanila. Ang iyo lamang tungkulin ay upang iparating (ang Kapahayagan). At katotohanan, nang Aming gawaran ang tao na malasap ang Habag mula sa Amin, siya ay nagagalak dito; datapuwa’t kung ang ilang kahirapan ay sumapit sa kanila dahilan sa masamang ginawa ng kanilang kamay, katiyakan na ang tao ay walang utang na loob ng pasasalamat