عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)
٦.Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay isa lamang tao na katulad ninyo. Ito ay ipinahayag sa akin sa inspirasyon na ang inyong Ilah (diyos) ay Isang Ilah (diyos, si Allah), kaya’t tahakin ninyo ang Tuwid na Landas tungo sa Kanya (sa Tunay na Pananalig, sa Islam) at maging masunurin sa Kanya at humingi (kayo) ng Kanyang pagpapatawad.” At kasawian sa Al-Mushrikun (mga pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, sila na nagtatambal sa pagsamba sa Kanya at nag- aakibat ng karibal sa Kanya)
٣٠.Katotohanan! Sila na nagsasabi: “Ang aming Panginoon ay si Allah (lamang),” at higit pa rito ay nag- Istaqamu (tumindig nang matuwid, alalaong baga, tunay na sumusunod sa Relihiyon ng Islam at naniniwala sa Kaisahan ni Allah at sumasamba lamang sa Kanya, at matimtiman sa kabutihan), ang mga anghel ay papanaog sa kanila (sa sandali nang kanilang kamatayan, na nagsasabi): “Huwag kayong mangamba, gayundin ang malumbay! Datapuwa’t inyong tanggapin ang magandang balita ng Halamanan (Paraiso) na sa inyo ay ipinangako!”
٤٤.At kung Aming ipinadala ang Qur’an na ito sa ibang wika na iba sa Arabik, ay kanilang sasabihin: “Bakit ang kanyang mga talata ay hindi ipinaliwanag nang puspos (sa aming wika)? Ano! (Isang aklat) na hindi sa (wikang) Arabik at (ang Tagapagbalita) ay isang Arabo?” Ipagbadya: “Ito ay para sa mga sumasampalataya, isang patnubay at lunas. At sa mga hindi sumasampalataya, ay mayroong kabigatan (pagkabingi) sa kanilang mga tainga, at ito (Qur’an) ay isang pagkabulag sa kanilang (mga mata). Sila (ay wari bang) tinawag sa isang malayong lugar (kaya’t sila ay hindi nakikinig o nakakaunawa)!”
٤٧.Ipinagkakatiwala (lamang) sa Kanya (ng mga marurunongnatao) angkaalamansaoras(ng Paghuhukom). walang anumang bunga ng kahoy ang lumabas sa kanyang hibla (balot), gayundin ay walang babae ang nabuntis (sa kanyang sinapupunan), gayundin ay walang nagsilang (ng bata) o nagsibol (ng mura, buko o bubot), na hindi batid ng Kanyang karunungan. At sa Araw na Siya ay tatawag sa kanila(namgapaganoatmapagsambasamgadiyus-diyosan) na (nagsasabi): “Nasaan (ang sinasabi) ninyo na Aking mga katambal?” Sila ay magsasabi: “Ipinaaalam namin sa Inyo na walang sinuman sa amin ang makakapagbigay saksi (na sila ay Inyong mga katambal)!”
٥٠.At kung ipalasap Namin sa kanya ang ilang habag mula sa Amin, pagkaraan na ang ilang kahirapan (paghihikahos o karamdaman, atbp.) ay dumatal sa kanya, katiyakan na kanyang sasabihin: “Ito ay dahilan sa aking (kagalingan); hindi ko iniisip na ang oras (Araw ng Paghuhukom) ay mangyayari, datapuwa’t kung ako man ay ibabalik sa aking Panginoon, katotohanang sasaakin ang pinakamainam (kayamanan, atbp.) sa Kanyang paningin!” Datapuwa’t Aming ipamamalas sa mga hindi sumasampalataya ang katotohanan ng lahat nilang ginawa, at Aming igagawad sa kanila ang lasa ng matinding kaparusahan