عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)
٢٨.Isang nananampalataya, isang tao mula sa pamayanan ni Paraon, na naglilingid ng kanyang pananampalataya ang nagsabi: “Iyo bang papatayin ang isang tao dahilan sa siya ay nagsasabi ng: “Ang aking Panginoon ay si Allah?”, kung siya ay katotohanang pumarito sa iyo na may maliwanag na mga Tanda (mga katibayan) mula sa iyong Panginoon? At kung siya man ay maging sinungaling, sasakanya (ang kasalanan) ng kanyang kasinungalingan; datapuwa’t kung siya ay nagsasabi ng katotohanan, kung gayon ay sasapit sa iyo ang mga bagay (ng kapinsalaan) na kung saan ikaw ay kanyang pinaaalalahanan. Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa Musrif (isang mapagsamba sa diyus-diyosan, isang mamatay tao na nagpapadanak ng dugo ng walang karapatan, sila na gumagawa ng malalaking kasalanan, mapang-api at lumalabag sa mga utos), na isang nagsisinungaling!”
٥٦.Katotohanan, sila na nagsisipagtalo sa Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) ni Allah, na sa kanila ay walang kapamahalaang iginawad, wala ng iba pa ang nasa kanilang dibdib maliban (sa paghanap) ng kapalaluan (ayaw tumanggap kay Propeta Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah at sundin siya). Hindi nila ito makakamit (ang pagiging propeta na ipinagkaloob ni Allah sa iyo). Kaya’t humanap ka (O Muhammad) ng kanlungan kay Allah (laban sa mga palalo); katotohanang Siya ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid (ng lahat ng bagay)
٦٧.Siya (Allah) ang lumikha sa inyo mula sa alabok (Adan), at pagkatapos ay mula sa Nutfah (magkahalong patak ng semilya ng lalaki at babae, alalaong baga, mga supling ni Adan), at pagkatapos ay naging tila lintang kimpal ng laman, at pagkatapos ay inilabas kayo (sa liwanag) bilang isang sanggol; at Kanyang hinayaan kayo (na lumaki) sa hustong gulang na puno ng lakas; at pagkatapos ay Kanyang hinayaan kayo sa pagtanda, bagama’t ang iba sa inyo ay namatay nang maaga; at hinayaan Niya na marating ninyo ang natataningang panahon; upang kayo ay makaunawa
٧٨.At katotohanang Kami ay nagpadala ng mga Tagapagbalita nang una pa sa iyo (o Muhammad); ang iba ay Aming inilahad sa iyo ang kanilang kasaysayan at ang iba ay hindi Namin inilahad sa iyo, at hindi (Namin) binigyan ng kapamahalaan ang sinumang Tagapagbalita na magdala siya ng Tanda maliban na pahintulutan ni Allah. Datapuwa’t kung ang pag-uutos ni Allah ay naipalabas na, at ang bagay- bagay ay napagpasiyahan na sa katotohanan at katarungan, ang mga tagasunod ng kasinungalingan ay maglalaho (sa kapariwaraan)