عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ang kapahayagan ng Aklat na ito (ang Qur’an) ay mula kayAllah, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, angTigib ng Karunungan
٣.Hindi baga ang matapat na panalangin (at pagsunod) ay nararapat lamang kay Allah? Datapuwa’t sila na nananalig sa iba pang Auliya (mga tagapagtanggol, tagapangalaga at kawaksi) bukod pa kay Allah ay nagsasabi: “Aming sinasamba lamang sila (mga diyus-diyosan) upang kami ay higit na mapalapit kay Allah.” Katotohanang si Allah ang hahatol sa pagitan nila sa mga bagay na hindi nila pinagkasunduan. Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa kanya na isang sinungaling at walang pananampalataya
٦.Kanyang nilikha kayong lahat mula sa iisang tao (Adan); at nilikha Niya (sa katulad na kalikasan, alalaong baga, mula sa malagkit na putik) ang kanyang kasama (Eba). At ipinadala Niya sa inyo ang walong pares ng hayop (lalaki at babaeng tupa, kambing, baka, at kamelyo). Kanyang nilikha kayo sa sinapupunan ng inyong ina sa maraming baitang (antas) nang magkakasunod sa tatlong lambong ng kadiliman. Siya si Allah, ang inyong Panginoon at Tagapanustos; sa Kanya ang lahat ng Kapamahalaan at Paghahari. La ilaha ill Allah (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Paano kayo napalayo (sa inyong tunay na Panginoon)
٧.Kung inyong itatakwil (si Allah), katotohanang si Allah ay hindi nangangailangan sa inyo; datapuwa’t hindi Niya naiibigan ang kawalan ng pasasalamat sa Kanyang mga alipin. Kung kayo ay may loob ng pasasalamat (sa pamamagitan ng pananampalataya), Siya ay nalulugod sa inyo. walang sinumang may dala ng pasanin (kasalanan) ang maaaring magdala ng pasanin (kasalanan) ng iba. Sa huli, sa inyong Panginoon ang inyong pagbabalik, at Kanyang sasabihin sa inyo kung ano ang inyong ginawa (sa buhay na ito). Sapagkat katotohanang ganap Niyang talastas ang lahat ng nasa puso (ng mga tao)
٨.Kung ang ilang kaguluhan ay dumatal sa tao, siya ay naninikluhod sa kanyang Panginoon, at bumabaling sa Kanya sa pagsisisi; datapuwa’t kung maigawad na Niya ang Kanyang paglingap sa kanya mula sa Kanyang Sarili ay nakakalimutan na niya ang kanyang ipinanikluhod noong una, at siya ay nagtatambal ng iba pa (sa pagsamba) kay Allah, upang iligaw ang iba sa Kanyang Tuwid na Landas. Ipagbadya: “Magpakaligaya kayo sa inyong kawalan ng pananampalataya sa maigsing sandali (lamang); katotohanang ikaw ay (isa) sa mga magsisipanahan saApoy!”
١٠.Ipagbadya (o Muhammad): “o kayo, na Aking (Allah) mga alipin na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), pangambahan ang inyong Panginoon (Allah) at panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya. Kabutihan (ang gantimpala) sa mga gumagawa ng kabutihan sa mundong ito, at ang kalupaan ni Allah ay malawak (kaya’t kung kayo ay hindi makasamba kay Allah sa isang pook, kung gayon, ay lumipat sa iba)! Sila lamang na matitiyaga ang tatanggap nang ganap ng kanilang gantimpala na hindi masusukat.”
٢٣.Si Allah ang nagpapapanaog sa pana-panahon ng pinakamagandang mensahe sa anyo ng isang Aklat, na ang mga bahagi nito (Qur’an) ay magkakawangki sa kabutihan at katotohanan, at malimit na binabanggit. Ang balat ng mga may pangangamba sa kanilang Panginoon ay nanginginig (kung ito [ang Qur’an] ay kanilang dinadalit o napapakinggan). At ang kanilang balat at kanilang puso ay lumalambot sa pag-aala-ala kay Allah. Ito ang patnubay ni Allah. Pinapatnubayan Niya ang sinumang Kanyang maibigan at sinumang hayaan ni Allah na mapaligaw, sa kanya ay walang makakapamatnubay
٣٨.At katotohanan, kung sila ay inyong tatanungin kung sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan, walang pagsala na kanilang sasabihin: “Si Allah (ang lumikha sa kanila).” Ipagbadya: “(Kung gayon), sabihin ninyo sa akin ang mga bagay na inyong tinatawagan maliban pa kay Allah; kung si Allah ay magnais sa akin ng panganib, sila ba (mga diyus- diyosan) ay makapagpapaalis ng Kanyang panganib; at kung si Allah ay magnais ng ilang habag sa akin, sila ba (mga diyus-diyosan) ay makakapigil sa Kanyang Habag?” Ipagbadya: “Sapat na sa akin si Allah! Ang mga nagtitiwala sa Kanya (alalaong baga, ang mga sumasampalataya), ay nararapat na magbigay (sa Kanya) ng kanilang pagtitiwala.”
٤٢.Si Allah ang kumukuha ng kaluluwa (ng mga tao) sa sandali ng kanilang kamatayan, gayundin (sa kaluluwa ng mga tao) na hindi namatay sa sandali ng kanilang pagtulog. Hinahawakan Niya ang (kaluluwa) ng mga tao na ang kamatayan ay naitakda na (upang hindi na makabalik muli sa buhay, alalaong baga, sa kanyang nahihimlay na katawan), at ibinabalik Niyang muli (ang ibang kaluluwa sa kanilang katawan, alalaong baga, sa mga hindi pa nakatakdang mamatay), sa natataningan na panahon. Katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na matiim na nagmumuni-muni
٧١.Ang mga hindi sumasampalataya ay itataboy sa Impiyerno sa mga pangkat, hanggang nang kanilang marating ito, ang mga tarangkahan nito ay biglang bubukas (na katulad ng isang bilangguan sa pagdating ng mga bilanggo), at ang kanyang mga tagapagbantay ay magsasabi: “Hindi baga dumatal sa inyo ang mga Tagapagbalita na mula sa lipon ninyo na dumadalit sa inyo ng mga Talata ng inyong Panginoon at nagbababala sa inyo ng inyong pakikipagtipan sa Araw na ito? Sila ay magsasabi: “Tunay nga, datapuwa’t ang salita ng Kaparusahan ay ginawang makatarungan laban sa mga walang panananampalataya!”