عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Sad (titik Sa): Sa pamamagitan ng Qur’an na tigib ng pagpapaala-ala (na ito ang katotohanan)
٢٤.(Si david ay nangusap na hindi muna nakinig sa inihihinaing): “Siya ay walang alinlangan na nakagawa sa iyo ng kamalian nang kanyang hingin ang nag-iisa mong babaeng tupa upang idagdag sa kanyang (kawan) ng babaeng tupa. At katotohanang marami sa mga magkakasama ang nang-aapi ng iba, maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, at sila ay iilan lamang. At si david ay nakaramdam na siya ay Aming sinubukan at humingi siya ng kapatawaran sa kanyang Panginoon, nanikluhod, at yumuko (sa pagpapatirapa), at bumaling (kay Allah) sa pagsisisi