عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ang lahat ng pagluwalhati at pasasalamat ay kay Allah, ang (tanging) Nagpasimula ng Paglikha (Tanging Manlilikha) sa kalangitan at kalupaan, na lumikha sa mga anghel na tagapagbalita ng may pakpak,- dalawa o tatlo o apat (na magkakatambal). Siya ang nagdaragdag sa paglikha sa anumang Kanyang maibigan. Katotohanang Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
١٠.Sinuman ang maghanap ng karangalan at kapangyarihan, kung gayon, si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng karangalan at kapangyarihan(atsiyaaymagkakamitlamangngkarangalan sa pamamagitan nang pagtalima at pagsamba kay Allah). Sa Kanya ay pumapanhik (ang lahat) ng mga dalisay na salita, at Siya ang nagpapadakila sa mga mabubuting gawa (alalaong baga, ang mga dalisay na salita ay hindi tinatanggap ni Allah maliban na ito ay nalalakipan ng mabuting gawa). At sila na nagpapakana ng kasamaan, sasakanila ang kahindik- hindik na kaparusahan; at ang pagpapakana nila ay walang patutunguhan
١١.At si Allah ang lumikha sa iyo (Adan) mula sa alabok; at sumunod ay mula sa Nutfa (magkahalong semilya ng lalaki at babae, sa kanyang mga supling), at Kanyang ginawa kayo na magkapares (lalaki at babae). At walang babae ang magbubuntis o manganganak nang hindi Niya batid. At walang sinumang may gulang na tao na biniyayaan ng mahabang buhay, o binawasan ng bahagi ng kanyang buhay (o ng buhay ng iba pang tao) ang hindi nasa isang takdang Talaan (Al-Lauh-Al-Mahfuz). Katotohanang ito ay magaan lamang kay Allah
١٣.Pinaglalagom Niya ang gabi sa araw (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa gabi ay idinadagdag sa mga oras ng maghapon) at pinaglalagom Niya ang araw sa gabi (alalaong baga, ang pag- igsi ng mga oras sa maghapon ay idinadagdag sa mga oras ng gabi); at ipinailalim Niya (sa Kanyang kapangyarihan at batas) ang araw at buwan, ang bawat isa (sa kanila) ay umiikot (tumatakbo) sa takdang daan sa natataningang panahon. Siya si Allah, ang inyong Panginoon, Siya ang nag-aangkin ng lahat ng Kaharian at Kapamahalaan. Ang inyong sinasamba maliban pa sa Kanya ay hindi man lamang nag-aangkin kahit na isang Qitmir (isang manipis na hibla ng buto ng palmera [datiles)
١٨.At walang sinumang may sala ang maaaring magdala ng sala ng iba. At kung sinuman ang nabibigatan at tumawag siya ng iba (upang dalhin) ang kanyang pasan, kahit na ang isang maliit na bahagi nito ay hindi maaaring dalhin (ng iba), maging ito man ay malapit sa kanya (kamag- anak). Ikaw (o Muhammad) ay makakapagbigay babala lamang sa mga may pangangamba kay Allah na hindi nakikita, at nagsasagawa ng palagiang pagdarasal (Iqamat- us-Salah). At sinuman ang nagpapadalisay sa kanyang sarili (sa lahat ng mga kasalanan) ay gumagawa nito sa kapakanan ng kanyang kaluluwa; at ang Huling Hantungan ng lahat ay kay Allah
٣٧.dito sila ay magsisitaghoy nang malakas (sa paghingi ng tulong): “O aming Panginoon! Kami ay ibalik Ninyong muli (sa buhay sa mundo); kami ay magsisigawa ng kabutihan at hindi ng mga gawaing nakahinatnan namin noon!” (Si Allah ay magwiwika): “Hindi baga kayo ay binigyan Namin ng mahabang buhay, upang kung sinuman ang nais makatanggap ng paala-ala, ay makakatanggap nito? At ang tagapagbabala ay dumatal sa inyo. Kaya’t lasapin ninyo (ang kasamaan ng inyong mga gawa). At sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp.), sila ay walang magiging kawaksi.”
٤٠.Ipagbadya (o Muhammad): “Sabihin ninyo, o ipaalam sa akin kung ano ang inyong pag-aakala (sa tinatagurian) ninyo na mga katambal (sa pagsamba) bukod pa kay Allah? Ipakita ninyo sa akin kung ano ang kanilang nilikha sa (malawak) na mundo? o mayroon ba silang bahagi (parte) sa mga kalangitan? o pinagkalooban ba Namin sila ng Aklat, na rito ay makakapagtamo sila ng maliwanag (na katibayan)? Hindi, ang Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ay nagpapangakuan sa bawat isa ng wala ng iba maliban sa mga kahibangan