عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.o Propeta (Muhammad)! Pangambahan mo si Allah at huwag mong pakinggan ang mga hindi sumasampalataya at mga mapagbalatkayo (alalaong baga, huwag mong sundin ang kanilang mga payo). Katotohanang si Allah ay Puspos ng Karunungan, ang Tigib ng Kaalaman
٤.Si Allah ay hindi naglagay sa sinumang tao ng dalawang puso sa kanyang dibdib, gayundin naman ay hindi Niya ginawa ang inyong asawang (babae) na inyong dinidiborsyo sa pamamagitan ng Az-Zihar [Ang Az-Zihar ay nangangahulugan ng: “Ikaw ay katulad ng likod ng aking ina, samakatuwid, ikaw ay hindi marapat na aking sipingan.”] na(maging) inyongtunaynaina, athindirin Niya ginawa ang inyong mga ampong lalaki (na maging) inyong tunay na mga anak na lalaki. Ito ay isa lamang sinasambit ng inyong bibig. Datapuwa’t si Allah (sa inyo) ay nagsasabi ng Katotohanan, at Siya ang nagtuturo ng (tamang) Landas
٦.Ang Propetaayhigitnamalapitsamgasumasampalataya kaysasakanilangsarili, atangkanyangmgaasawaaykanilang (mga sumasampalataya) mga ina (kung tungkol sa paggalang at pag-aasawa). Ang pagkakamag-anak sa dugo sa bawat isa sa kanila ay mayroong higit na malapit na personal na bigkis sa Kautusan ni Allah (hinggil sa mga pamana) kaysa (sa pagkakapatiran) ng mga sumasampalataya at Muhajirun (mga tao na nagsilikas sa Madinah mula sa Makkah), gayunpaman, gawin ninyo kung ano ang makatarungan sa inyong pinakamalapit na kaibigan (nang ang Propeta ay sumanib sa kanila sa bigkis ng pagkakapatiran). Ito ang nasusulat sa Al-Lauh Al-Mahfuz (ang Aklat ng Banal na Pag-uutos ni Allah)
١٩.Na maramot sa pakikitungo sa inyo (kung pag-uusapan ang tulong sa kapakanan ni Allah). At kung sumapit na ang pangamba, ay iyong makikita sila na nakatitig sa iyo na ang kanilang mata ay namimilog na katulad ng isang nag-aagaw buhay. Datapuwa’t kung ang pangamba ay nakalipas na, kayo ay hinahampas nila ng kanilang matatalim na dila, na maramot (sa paggugol) sa anumang mabuti (at matakaw lamang sa anumang labi ng digmaan at kayamanan). Ang ganitong mga tao ay walang pananalig kaya’t ginawa ni Allah ang kanilang mga gawa na walang katuturan; at ito ay magaan kay Allah
٢٣.Sa gitna ng mga nananampalataya ay mga tao na naging tapat sa kanilang kasunduan kay Allah (alalaong baga, sila ay pumalaot sa maka-diyos na digmaan [Jihad] at hindi sila tumalikod sa mga hindi nananampalataya); ang iba sa kanila ay nakatupad sa kanilang mga tungkulin (alalaong baga, namatay sa labanan at naging martir), at ang iba sa kanila ay naghihintay pa rin; datapuwa’t kailanman ay hindi nagbawa ang (kanilang pagpupunyagi) kahit na kaunti (alalaong baga, sila ay hindi naging taksil sa kasunduan na kanilang ginawa kay Allah)
٣٣.At manatiling tahimik sa inyong mga tahanan, at huwag kayong gumawa ng nakakaakit na paglalantad ng inyong sarili na kagaya noong panahon ng kamangmangan at magsipag-alay kayo ng palagiang pagdarasal (Iqamat-us- Salah), magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sundin ninyo si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita. Hinahangad lamang ni Allah na mawala ang lahat ng Ar- Rijs (mga masasamang gawa, kasalanan, atbp.) sa inyo, o kayong mga kasapi ng Pamilya (ng Propeta), at gawin kayong dalisay at walang bahid dungis
٣٥.Katotohanan, ang mga Muslim (sila na sumusuko kay Allah sa Islam), lalaki at babae, ang mga sumasampalatayang lalaki at babae (na nananalig sa Kaisahan ni Allah), ang mga matimtiman at masunuring lalaki at babae (kay Allah), ang mgalalakiatbabaenanagsasabingkatotohanan(sakanilang pananalita at gawa), ang mga lalaki at babae na matiyaga (sa pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin na iniatas ni Allah at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal), ang mga lalaki at babae na nagpapakumbaba (sa harapan ng kanilang Panginoon, - Allah), ang mga lalaki at babae na nagbibigay ng kawanggawa (ang katungkulang kawanggawa, ang Zakah, [gayundin] ang boluntaryong kawanggawa tulad ng limos, tulong, atbp.), ang mga lalaki at babae na nag-aayuno (ang katungkulang pag-aayuno sa buwan ng ramadhan at mga boluntaryong pag-aayuno o Nawafil), ang mga lalaki at babae na nagpapanatili sa kanilang kalinisan (sa mga bawal na pakikipagtalik), ang mga lalaki at babae na labis na nag-aala-ala kay Allah sa pamamagitan ng kanilang mga dila at puso (habang nakaupo, nakatayo at nakahimlay at dumadalit ng mga pagpupuri at pagluwalhati sa Kanya), sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
٣٧.At alalahanin! Nang iyong sabihin sa kanya (Zaid ibn Harithah, ang pinalayang alipin ng Propeta) na nakatanggap ng biyaya (liwanag) mula kay Allah (sa pamamagitan nang pagbibigay ng patnubay sa kanya sa Islam) at ng iyong paglingap (o Muhammad, sa kanya): “Panatilihin mo sa iyo (sa pagkakaroon ng kasal) ang iyong asawa (Zainab), at pangambahan mo si Allah.” Datapuwa’t ikinubli mo (Muhammad) sa iyong puso (alalaong baga, ang bagay na ipinaalam na ni Allah sa iyo na siya [Zainab] ay Kanyang ibibigay sa iyo sa pag-aasawa), ang bagay na nais na maging lantad ni Allah; pinangambahan mo (Muhammad) ang mga tao (alalaong baga, na si Muhammad ay ikinasal sa diborsyadang asawa ng kanyang alipin), datapuwa’t higit na katumpakan na ikaw (Muhammad) ay mangamba kay Allah. At nang pawalang bisa ni Zaid (ang kanyang kasal sa pamamagitan ng diborsyo) sa kanya [Zainab], ay Aming pinagsama kayo ([Muhammad at Zainab] sa kasal) upang sa gayon, (sa darating na panahon), ay wala ng maging sagabal sa mga sumasampalataya (tungkol sa bagay) ng kanilang pag-aasawa sa (naging) mga asawa ng kanilang mga ampong lalaki, kung ang huli (mga ampong lalaki) ay magpawalang bisa (ng kanilang kasal o magdiborsyo) sa kanila. At ang pag-uutos ni Allah ay marapat na maganap
٥٠.o Propeta (Muhammad)! Ginawa Naming legal (nararapat ayon sa batas) sa iyo ang iyong mga asawa matapos na sila ay iyong gawaran ng Mahr (dote o alay na salapi na ibinibigay ng lalaki sa kanyang mapapangasawa sa sandali ng kasal), at gayundin sa mga angkin ng iyong kanang kamay (mula sa mga bihag ng digmaan, atbp.) na itinalaga ni Allah sa iyo; at mga anak na babae ng iyong Amm (mga amain sa ama), at mga anak na babae ng iyong Ammah (mga tiyahin sa ama), at mga anak na babae ng iyong Khal (mga amain sa ina), at mga anak na babae ng iyong Khalah (mga tiyahin sa ina) na nagsilikas (mula sa Makkah) na kasama ka; at sinuman sa mga sumasampalatayang babae na nag-aalay ng kanyang sarili sa Propeta, at kung ang Propeta ay nais na pakasalan siya; ito ay isang karapatan para sa iyo lamang, at hindi sa lahat (at karamihan) ng mga sumasampalataya. Katotohanang Aming nababatid ang Aming itinalaga sa kanila na kanilang mga asawa at ang mga angkin ng kanilang kanang kamay, upang sa gayon ay hindi magkaroon ng sagabal sa iyo. At si Allah ay Lalagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
٥١.At ikaw (o Muhammad) ay maaaring magpaliban (sa nakatakdang sunuran) kung sino sa kanila (sa iyong mga asawa) ang iyong nais, at maaari mong tanggapin kung sino sa kanila ang iyong maibigan. At kung sinuman ang iyong maibigan sa kanila (na ang takdang sunuran) ay iyong ibinukod muna, hindi isang kasalanan sa iyo (kung iyong tanggapin siyang muli), ito ay higit na mabuti, upang sila ay makadama ng kaginhawahan at huwag manimdim, at silang lahat ay masiyahan sa anumang ibigay mo sa kanila. Nababatid ni Allah (ang lahat) ng nasa iyong puso; at si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Mapagpaumanhin
٥٣.O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong pumasok sa mga bahay ng Propeta, maliban na lamang kung ang pahintulot ay ibinigay sa inyo sa pagkain (upang kumain), gayundin (ay huwag na lubhang maaga), na kayo ay naghihintay sa paghahanda (ng pagkain). Datapuwa’t kung kayo ay inaanyayahan, kayo ay tumuloy, at kung matapos na kayong kumain, kayo ay lumisan, at huwag nang umupo tungo sa pag-uusap. Katotohanan, ang gayong (pag-uugali) ay nakakasuya sa Propeta, at siya ay nahihiya (na magsabi) na umalis na kayo, datapuwa’t si Allah ay hindi nakikimi (na sabihin) sa inyo ang katotohanan. At kung nais ninyong magtanong (sa kanyang mga asawa) nang anumang inyong naisin, mangusap kayo sa kanila sa likod ng lambong (may takip sa inyong pagitan); ito ay higit na nagpapadalisay sa inyong puso, gayundin sa kanilang puso. At hindi isang katumpakan sa inyo na inyong suyain ang Tagapagbalita ni Allah, o inyong pangasawahin ang kanyang mga asawa kung mawala na siya (matapos ang kanyang kamatayan). Katotohanan! Ang ganitong bagay sa Paningin ni Allah ay isang kakila-kilabot na kasamaan
٥٥.Hindi isang kasalanan sa kanila (sa mga asawa ng Propeta, kung sila ay magpakita na hindi nalalambungan) sa harap ng kanilang ama, o ng kanilang mga anak na lalaki, o ng kanilang mga kapatid na lalaki, o sa mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na lalaki, o sa mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na babae, o ng kanilang (sumasampalatayang) kababaihan, o mga (babaeng) alipin na angkin ng kanilang kanang kamay, at panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah. Katotohanang si Allah ang Lagi nang Lubos na Saksi sa lahat ng bagay
٥٩.o Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa at mga anak na babae at sa mga sumasampalatayang babae na hindi nila dapat hubarin ang kanilang panglabas na kasuutan sa kanilang katawan (alalaong baga, ganap nilang balutin ang kanilang sarili ng kulambong at balabal maliban lamang sa mga mata upang kanilang makita ang daan, kung sila ay lumalabas ng bahay). Ito ay higit na mainam at magaan na sila ay maalaman (bilang mga malaya at kagalang-galang na kababaihan), upang sila ay hindi yamutin. At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain