عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Alif, Lam, Mim (mga titik A, La, Ma)
١٧.“o aking anak! Magsagawa ka ng palagiang pagdarasal (nang mahinusay), ipagtagubilin mo ang Al-Ma’ruf (pananalig sa Kaisahan ni Allah at Islam, sa lahat ng mabuti at makatarungan), at iyong ipagbawal ang Al-Munkar (alalaong baga, ang kawalan ng pananalig sa Kaisahan ni Allah, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng uri ng kasamaan, kasalanan at kamalian); at ikaw ay maging matimtiman sa pagtitiyaga sa anupamang dumatal sa iyo.” Katotohanang ito ang ilan sa mahahalagang pag- uutos ni Allah na walang pasubali
٢٠.Hindi baga ninyo napagmamasdan (O sangkatauhan) na ipinailalim ni Allah ang lahat ng bagay para sa inyong (gamit) dito sa kalangitan at kalupaan, at iginawad Niya at ginanap ang Kanyang mga biyaya na tigib na dumadaloy sa inyo sa angkop na sukat, (na kapwa) lantad (alalaong baga, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, at ang mga pinahihintulutang ligaya sa mundong ito, kasama na rito ang kalusugan, kayamanan, kagandahan, atbp.) at nalilingid (ang pananampalataya ng sinuman kay Allah [at sa Islam], kaalaman, karunungan, patnubay, paggawa ng kabutihan, at gayundin ang kasiyahan sa Kabilang Buhay sa Paraiso, atbp.)? Datapuwa’t mayroong mga tao sa kanilang karamihan ang nakikipagtalo tungkol kay Allah ng walang kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na magbibigay ng kaliwanagan
٢٢.At sinuman ang magsuko ng kanyang ganap na sarili kay Allah (alalaong baga, ang sumunod sa Islam at tamang pananampalataya, ang sumamba lamang kay Allah nang may mataos na Pananalig sa Kanyang 1] Kaisahan at Pamamanginoon, 2] Tanging sa Kanya lamang ang Pagsamba, 3] Kaisahan ng Kanyang mga Pangalan at Katangian), samantalang siya ay Muhsin (gumagawa ng kabutihan, at nagsasagawa nito tungo sa Kapakanan ni Allah ng walang pagpaparangalan at gumagawa nito ayon sa Sunna [pamamaraan] ng Tagapagbalita ni Allah na si Muhammad), katotohanang siya ay nakasakmal ng pinakamatatag at mapagkakatiwalaang dakot (ang La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang diyos na karapat- dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). At kay Allah ang lahat ng bagay ay magbabalik tungo sa pagpapasya
٢٩.Hindi mo ba napagmamalas (O Muhammad) na pinaglagom ni Allah ang gabi sa maghapon (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa gabi ay idinagdag sa mga oras ng maghapon) at pinaglagom din Niya ang maghapon sa gabi (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa maghapon ay idinagdag sa mga oras ng gabi), at ipinailalim Niya ang araw at buwan (sa Kanyang mga Batas), na ang bawat isa ay tumatahak sa kanyang landas sa natatakdaang panahon; at si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa
٣٣.o sangkatauhan! Tuparin ninyo ang inyong tungkulin sa inyong Panginoon (sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, paggawa ng kabutihan at pag-iwas sa lahat ng masasama) at pangambahan ninyo (ang pagdatal) ng Araw na ang ama ay hindi makikinabang sa sinuman sa kanyang anak, gayundin ang anak ay hindi makikinabang sa kanyang ama. Katotohanan, ang pangako ni Allah ay tunay, at huwag hayaan ang makamundong buhay na ito ay dumaya sa inyo at huwag din hayaan ang Punong Manlilinlang (Satanas) ay dumaya sa inyo tungkol kay Allah