عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ta, Sin, Mim (mga titik Ta, Sa, Ma)
٤.Katotohanang si Paraon ay nagmataas sa kanyang sarili sa kalupaan at pinagwatak-watak niya ang kanyang mga tao (sa mga sekta o pangkat), na nagpapahapis (at nagpapahina) sa ilang pangkat ng kanilang lipon (alalaong baga, ang Angkan ng Israel), ang kanilang mga anak na lalaki ay kanyang pinaslang datapuwa’t pinabayaan niyang mabuhay ang kababaihan, sapagkat tunay ngang siya ay isa sa Mufsidun (alalaong baga, ang mga mapaggawa ng malalaking kasalanan at krimen, kabuktutan, pang-aapi, kasamaan, atbp)
١٥.At pumasok siya sa lungsod sa oras na ang mga tao ay hindi abala sa pagmamasid; at nakita niya rito ang dalawang lalaki na nag-aaway,- ang isa ay mula sa kanyang pamayanan (kanyang karelihiyon mula sa Angkan ng Israel); at ang isa ay mula sa kanyang mga kaaway. Ngayon, ang lalaki na mula sa kanyang pamayanan ay nakiusap sa kanya na tulungan siya laban sa kanyang kalaban, at siya (kaaway) ay sinuntok ni Moises at kanyang napatay. Siya ay nagsabi: “Ito ay mula sa gawain ni Satanas, sapagkat siya ay isang lantad na kaaway na naglilihis sa tao sa tamang landas!”
٢٣.At nang siya ay sumapit sa pook (na pinag-iigiban ng tubig) sa Midian (Madyan), ay nakatagpo siya rito ng pulutong ng mga lalaki na nagpapainom (sa kanilang mga alagang hayop), at bukod pa rito ay nakatagpo siya ng dalawang babae na nagbabantay (sa kanilang mga alagang hayop). Siya ay nagsabi: “Ano ang suliraninninyo? Sila(angdalawangbabae) aynagsabi:“Hindi namin mapainom ang aming mga hayop hangga’t ang mga tagapastol ay hindi nag-aalis sa kanilang mga hayop, at ang aming ama ay lubhang matanda na.”
٣٢.“Idantay mo ang iyong kamay sa iyong dibdib, at ito ay lalabas na walang anumang dumi (puti o walang karahasan), at ilagay mo ang iyong kamay na malapit sa iyong tagiliran (upang maging tagapagsanggalang) laban sa iyong pangangamba (na iyong naranasan mula sa ahas). Ito ang dalawang Burhan (mga Tanda, himala, katibayan na iyong mapapananganan) mula sa iyong Panginoon tungo kay Paraon at sa kanyang mga pinuno; sapagkat katotohanang sila ang mga tao na palasuway (kay Allah) at mga tampalasan.”
٤٨.Datapuwa’t (ngayon), nang ang katotohanan ay dumatal sa kanila (alalaong baga, si Muhammad at ang kanyang Mensahe), mula sa Amin, sila ay nagsasabi: “Bakit ang (mga Tanda) na ipinadala sa kanya (Muhammad), ay hindi kagaya niyaong mga ipinadala kay Moises? Hindi baga nila itinakwil noon (ang mga Tanda) na dati nang ipinadala kay Moises noon pa mang una? Sila ay nagsasabi: “dalawang uri ng panglalansi (o salamangka, ang Torah [mga Batas] at Qur’an), ang bawat isa sa kanila ay nagtutulungan!” At sila ay nagsasabi: “Katotohanan! Kami ay nagtatakwil sa lahat (ng gayong mga bagay)!”
٥٠.Datapuwa’t kung sila ay hindi makinig sa iyo (alalaong baga, ang hindi maniwala sa iyong doktrina ng Islam at Kaisahan ni Allah), kung gayon, kanilang mapag-aalaman na sinusunod lamang nila ang kanilang mga sariling pagnanasa. At sino pa kaya ang higit na napapaligaw, maliban sa kanya na sumusunod sa kanyang sariling pagnanasa, na walang anumang patnubay mula kay Allah? Katotohanan! Si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga lulong sa kamalian, palasuway kay Allah at mapagsamba sa mga diyus-diyosan)
٧٧.Datapuwa’t inyong paghanapin (sa pamamagitan ng gayong kayamanan) na ipinagkaloob sa inyo ni Allah, ang Tahanan ng Kabilang Buhay, at gayundin naman, ay huwag ninyong kaligtaan ang inyong bahagi ng pinahihintulutang kasiyahan sa mundong ito, nguni’t magsigawa kayo ng kabutihan, kung paano rin naman naging mabuti si Allah sa inyo, at huwag kayong maghanap (ng pagkakataon) na makapagkalat ng kasamaan sa kalupaan. Katotohanang si Allah ay hindi nagmamahal sa Mufsidun (mga mapaggawa ng kabuktutan, mapang-api, tampalasan, buhong, atbp)
٧٨.Siya (Korah) ay nagsabi: “Ito ay ipinagkaloob sa akin dahilan sa natatanging karunungan na aking angkin.” Hindi baga niya batid na winasak ni Allah bago pa sa kanya (ang lahat) ng mga henerasyon, mga tao na higit na mahusay sa kanya sa lakas at higit na marami (ang mga kayamanan) na kanilang nalikom? Datapuwa’t ang Mujrimun (mga buktot, kriminal, walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.) ay hindi inuusisa o (karaka-rakang) tinatawag upang magsulit ng kanilang mga kasalanan (sapagkat si Allah ang ganap na nakakaalam dito at sila ay mapaparusahan ng hindi kinakailangan ang pagsusulit)
٨٣.Ang Tahanang yaon ng Kabilang Buhay (alalaong baga, ang Paraiso) ay Aming ipagkakaloob sa mga tao na hindi naghihimagsik laban sa katotohanan ng may kapalaluan at pang-aapi at hindi nagkakalat ng kabuktutan sa kalupaan, at ang Hantungan ay (higit na mainam) sa Muttaqun (mga matutuwidatmatimtimangtaonalabisnanangangambakay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at nagmamahal kay Allah ng labis sa pamamagitan nang pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-uutos)
٨٧.At huwag mong hayaan (o Muhammad) na ilayo ka nila (sa pangangaral) ng Ayat (mga kapahayagan at mga talata) ni Allah, matapos na ito ay maipahayag sa iyo, at iyong anyayahan (ang sangkatauhan) sa iyong Panginon (alalaong baga, sa Kaisahan [Tauhid] ni Allah: 1. Kaisahan sa Pamamanginoon ni Allah; 2. Kaisahan sa pagsamba lamang kay Allah; 3. Kaisahan sa Pangalan at Katangian ni Allah), at huwag kang maging isa sa Al-Mushrikun (mga tao na nagtatambal ng iba pang diyos maliban kay Allah, pagano, sumasamba sa mga imahen, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at nagtatatwa sa pagka-Propeta ng Kanyang Tagapagbalita 617 na si Muhammad)