٢.Ito ang mga Talata ng lantad na Aklat (ang Qur’an na ipinangako ni Allah sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, upang ang mga bagay ay maging maliwanag
٣.Maaaring ikaw (o Muhammad) ay magtangka na pumatay sa iyong sarili ng may kapighatian, sa dahilang sila ay hindi sumampalataya sa iyong pagka-Propeta at sa iyong Mensahe (ng Kaisahan ni Allah at ng Islam)
٤.Kung Aming naisin, ay Aming maipapanaog sa kanila mula sa kalangitan ang isang tanda, at dahil dito, ay iyuyuko nila ang kanilang leeg sa kapakumbabaan
٥.Datapuwa’t wala pang bagong kapahayagan mula sa Pinakamapagpala (Allah) ang dumating sa kanila nang hindi nila tinalikuran
٦.Kaya’t katotohanang itinakwil nila (ang Katotohanan, ang Qur’an), at ang balita nang kanilang tinutuya ay sasapit sa kanila
٧.Hindi baga nila namamasdan ang kalupaan, - kung gaano karami ang lahat ng uri ng mabuting pananim na Aming pinatubo rito
٨.Katotohanang naririto ang Ayah (Katibayan o Tanda), datapuwa’t ang karamihan sa kanila (mga pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp., na hindi nananalig sa Muling Pagkabuhay) ay hindi sumasampalataya
١٠.At (alalahanin) nang ang iyong Panginoon ay tumawag kay Moises (na nagsa-sabi): “Pumaroon ka sa mga tao na Zalimun (buktot, buhong, pagano, atbp)
١٢.Siya (Moises) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Ako ay nangangamba na ako ay kanilang pasisinungalingan
١٣.Ang aking dibdib ay naninikip, at ang aking dila ay naninigas (at hindi makakapangusap), kaya’t suguin ninyo si Aaron (na sumama sa akin)
١٤.“At sila ay may paratang na krimen laban sa akin, at ako ay nangangamba na ako ay kanilang papatayin.”
١٥.Si Allah ay nagwika: “Hindi! Kayo ay kapwa pumaroon doonnamaydalangmgaTanda mulasaAmin. Katotohanang Kami ay nasa sa inyo at nakikinig.”
١٦.“At kung kayo ay kapwa dumating na kay Paraon, inyong ipahayag: “Kami ay mga Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang
١٨.(Si Paraon) ay nagsabi (kay Moises): “Hindi baga ikaw ay pinalaki namin bilang aming anak? At ikaw ay namuhay sa amin sa maraming taon ng iyong buhay
١٩.At ikaw ay gumawa ng isang gawa (na batid mong) ikaw ang may gawa (alalaong baga, ang krimen nang pagpatay sa isang tao). At ikaw ay isa sa mga walang utang na loob.”
٢٠.Si Moises ay nagsabi: “Nagawa ko yaon nang ako ay wala pang muwang (sa mga pag-uutos at mensahe ng aking Panginoon)
٢١.“Kaya’t ako ay tumakas sa iyo nang ako ay matakot sa iyo. Datapuwa’t ang aking Panginoon ay nagkaloob sa akin ng Hukman (alalaong baga, ng karunungang pangrelihiyon, kaalaman, tamang paghatol, pagka-Propeta) at Kanyang hinirang ako bilang isa sa mga Tagapagbalita
٢٢.At ito ang nakaraang pabor (utang na loob) na tinutunton mo sa akin, - na iyong inalipin ang Angkan ng Israel.”
٢٣.Si Paraon ay nagsabi: “At sino ang Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)?”
٢٤.Si Moises ay nagpahayag: “(Siya) ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, kung ikaw ay naghahanap ng katiyakan upang mahikayat.”
٢٧.Si Paraon ay nagsabi: “Katotohanan, ang inyong Tagapagbalita na isinugo sa inyo ay isang nasisiraan ng bait!”
٢٨.Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang Panginoon ng Silangan at Kanluran, at lahat ng nasa pagitan nito, kung inyo lamang nauunawaan!”
٢٩.Si Paraon ay nagsabi: “Kung ikaw ay pipili ng ilah (diyos) na iba pa sa akin, katiyakang ipipiit kita na kasama ng ibang mga bilanggo.”
٣٠.Si Moises ay nagsabi: “Kahit na dalhin ko sa iyo ang isang bagay na maliwanag (at nakakahikayat)?”
٣١.Si Paraon ay nagsabi: “Kung gayon, dalhin mo yaon dito, kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan!”
٣٣.At inilabas niya ang kanyang kamay, at pagmasdan, ito ay naging ganap na kaputian sa mga nakakamasid
٣٤.Si (Paraon) ay nagsabi sa mga pinuno sa paligid niya: “Katotohanan! Ito ay walang pagsala na isang bihasang manggagaway (o salamangkero)
٣٥.Ibig niyang itaboy kayo sa inyong lupain sa pamamagitan ng kanyang pangga-gaway, kaya’t ano ang inyong maipapayo, at ano ang inyong maipag-uutos?”
٣٦.Sila ay nagsabi: “Pigilan mo siya at ang kanyang kapatid (nang pansamantala), at magpadala ka ng mga tagatawag sa mga lungsod
٤٠.Upang ating masundan ang mga manggagaway (na kapanalig ni Paraon sa kanyang relihiyon ng kawalang paniniwala), kung sila ay magtatagumpay.”
٤١.Kaya’t nang ang mga manggaway ay dumating, sila ay nagsabi kay Paraon: “Mayroon bang tiyak na gantimpala na aming tatamuhin kung kami ay manalo?”
٤٤.Kaya’t inihagis nila ang kanilang mga lubid at kanilang mga tungkod, at nagsabi: “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Paraon, kami ang siyang tunay na magtatagumpay!”
٤٥.Nang magkagayon, ay inihagis ni Moises ang kanyang tungkod, at pagmasdan, nilagom nitong lahat ang mga kabulaanan na kanilang ipinamalas
٤٧.Na nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
٤٩.Si (Paraon) ay nagsabi: “Kayo ay naniwala na sa kanya bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot. Katotohanang siya ay inyong pinuno, na nagturo sa inyo ng salamangka! Kaya’t katotohanang mapag-aalaman ninyo. Katotohanang aking puputulin ang inyong mga kamay at paa sa magkabilang panig, at kayong lahat ay aking pahihirapan (ititirik sa krus).”
٥٠.Sila ay nagsabi: “walang kapinsalaan! Katotohanang sa aming Panginoon (Allah), kaming lahat ay magbabalik
٥١.Katotohanan! Kami ay lubusang umaasa na ang aming Panginoon ay magpapatawad ng aming mga kasalanan, sapagkat kami ang una sa mga sumasampalataya (sa pagka-Propeta ni Moises at sa ipinahayag sa kanya ni Allah).”
٥٢.At binigyang inspirasyon Namin si Moises na nagsasabi: “Kaunin mo ang Aking mga alipin sa gabi, katotohanang kayo ay tutugisin.”
٥٩.Kaya’t (itinaboy Namin ang mga tao ni Paraon) at hinayaan Namin ang Angkan ng Israel ang humalili (o magmana) sa kanila
٦١.At nang ang dalawang pangkat ay magtagpo sa isa’t isa, ang pamayanan ni Moises ay nagsabi: “Katiyakang tayo ay kanilang malulupig.”
٦٢.Si (Moises) ay sumagot: “Hindi, katotohanan! Nasa panig ko ang aking Panginoon, ako ay Kanyang papatnubayan.”
٦٣.At binigyang inspirasyon Namin si Moises (at sa kanya ay winika): “Hampasin mo ng iyong tungkod ang dagat.” At ito ay nahati, at ang bawat gilid ng (tubig-dagat) ay naging malaki at matibay na anyo ng bundok
٦٧.Katotohanan! Katiyakang naririto ang isang Tanda (o isang Katibayan), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya
٦٨.At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya lamang ang tunay na Pinakama- kapangyarihan, ang Pinakamaawain
٧٧.Katotohanan! Sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
٨١.At Siya ang maggagawad sa akin ng kamatayan, at Siya rin ang magbabangon sa akin sa (muling) pagkabuhay
٨٢.At sa Kanya, ako ay nanalig na (Siya ay) magpapatawad ng aking mga kamalian sa Araw ng Kabayaran, (ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
٨٣.Aking Panginoon! Inyong gawaran ako ng Hukman (alalaong baga, karunungang pangrelihiyon, kaalaman, pagka-Propeta), at ako ay Inyong ibilang sa mga matutuwid
٨٧.At ako ay huwag Ninyong alisan ng biyaya sa Araw (na ang lahat ng mga nilikha) ay muling ibabangon (sa pagkabuhay)
٨٩.Maliban sa kanya na magdadala kay Allah ng isang malinis na puso (malinis sa pagsamba sa mga diyus-diyosan [shirk] at kapaimbabawan [Nifaq]).”
٩٠.At ang Paraiso ay itatambad nang malapit sa Muttaqun (mga mabubuti, banal at matutuwid na tao na higit na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal, at labis na nagmamahal kay Allah sa pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos)
٩٢.At sa kanila ay ipagbabadya:“Nasaansila(mgadiyus-diyosannaitinatambal nila bilang karibal ni Allah) na lagi ninyong sinasamba
٩٣.Maliban pa kay Allah? Sila ba ay makakapagbigay ng tulong sa inyo (o di kaya) ay matutulungan nila ang kanilang sarili?”
٩٤.(Kung magkagayon), sila ay ihahagis (sa Apoy) na una ang kanilang mukha, sila at ang Ghawun (mga demonyo at lahat ng mga nasa kamalian)
٩٨.Nang aming itinuring kayo (mga huwad na diyos) bilang kapantay (sa pagsamba) sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
٩٩.At wala ng iba pa ang naghatid sa amin sa kamalian kung hindi ang Mujrimun (si Iblis [Satanas] at mga tao na buhong, pagano, buktot, mapang-api, atbp
١٠٢.(oh!) Kung kami ay mayroon lamang na isa pang pagkakataon na makabalik (sa kalupaan), katiyakang kami ay mapapabilang sa mga sumasampalataya
١٠٣.Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya
١٠٦.Nang ang kanilang kapatid na si Noe ay nangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya
١٠٨.Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
١٠٩.walang anumang gantimpala ang hinihingi ko sa inyo para rito (sa aking pagbibigay ng Mensahe ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
١١٠.Kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah, pangambahan Siya at ako ay inyong sundin.”
١١١.Sila ay nagsasabi: “Kami ba ay mananampalataya sa iyo, kung ang mga sumusunod lamang sa iyo ay pawang mga hamak (walang sinasabi sa lipunan)?”
١١٦.Sila ay nagsasabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Noe! Katiyakang ikaw ay mapapabilang sa mga babatuhin (hanggang kamatayan).”
١١٧.Siya (Noe) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Katotohanan, ang aking pamayanan ay nagpasinungaling sa akin
١١٨.Kaya’t Kayo ang humatol sa pagitan ko at nila, at Inyong iligtas ako at ang mga sumasampalataya na kapiling ko.”
١٢٠.At Aming nilunod ang mga naiwan (mga hindi sumasampalataya) matapos ang pagliligtas sa Al-Baqin (kay Noe at sa kanyang mga kasama na sumasampalataya)
١٢١.Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya
١٢٤.Nang ang kanilang kapatid na si Hud ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya
١٢٦.Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
١٢٧.walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
١٢٨.Kayo ba ay nagtatayo ng mga matataas na palasyo sa bawat mataas na burol, bagama’t kayo ay hindi nananahan doon
١٢٩.At nag-aangkin ba kayo sa inyong sarili ng mga palasyo (maiinam na mga gusali), na wari bang maninirahan kayo roon sa panghabang panahon
١٣١.Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
١٣٢.At panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya, pangambahan Siya na nagkaloob sa inyo ng lahat (ng magagandang bagay) na inyong nalalaman
١٣٦.Sila ay nagsabi: “walang pagkakaiba sa amin kung ikaw ay mangaral o hindi ka kabilang sa mga nangangaral
١٣٩.Kaya’t siya ay pinabulaanan nila, at Aming winasak sila. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya
١٤٢.Nang ang kanilang kapatid na si Salih ay nagbadya sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allahatsusundin Siya
١٤٤.Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
١٤٥.walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)
١٤٨.At sa mga bukirin ng mais at palmera (datiles) na may malalambot na sungot (o talulot, Eng. spadix)
١٥٠.Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
١٥١.At huwag ninyong sundin ang pag-uutos ng Almusrifun (alalaong baga, ang kanilang mga pinuno na buktot, pagano, kriminal, atbp)
١٥٤.Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin. Kaya’t dalhin mo sa amin ang isang Tanda kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan.”
١٥٥.Siya (Salih) ay nagsabi: “Naririto ang isang babaeng kamelyo; siya ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), at kayo ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), sa maraming beses, sa araw na itinalaga
١٥٦.At huwag ninyong hipuin siya ng may pinsala, baka ang kaparusahan ng dakilang Araw ay sumaklot sa inyo.”
١٥٨.Kaya’t ang kaparusahan ay sumaklot sa kanila. Katotohanang naririto ang isang tunay na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya
١٦٠.Ang mga tao ni Lut (yaong mga nagsipanahan sa mga bayan ng Sodom at Palestina) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita
١٦١.Nang ang kanilang kapatid na si Lut ay nagsabi sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya
١٦٣.Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
١٦٤.wala akong hinihinging gantimpala mula sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
١٦٦.At iniiwan ninyo ang mga nilikha ni Allah (mga kababaihan) para inyong maging mga asawa? Hindi, kayo ay mga taong lumagpas sa hangganan ng pagsuway (makasalanan)!”
١٦٧.Sila ay nagsabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Lut! Katotohanang ikaw ay isa sa mapapabilang sa mga itataboy!”
١٦٨.Siya (Lut) ay nagsabi: “Ako ay katotohanang isa sa mga tumututol nang may matinding pagkagalit at poot sa inyong (masamang) ginagawa (sodomya, pakikipagniig sa kapwa lalaki)
١٧٣.At pinaulan Namin sa kanila ang ulan (ng pagpaparusa). At gaano kasama ang naging ulan ng mga pinaalalahanan
١٧٤.Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya
١٧٧.Nang si Shu’aib ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya
١٧٩.Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
١٨٠.walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)
١٨٣.At huwag manlinlang ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanilang mga ari-arian, at huwag ding gumawa ng kasamaan, na gumagawa ng katiwalian at panloloko sa kalupaan
١٨٦.Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin, at katiyakan, kami ay nag-aakala na ikaw ay isa sa mga sinungaling
١٨٧.Kaya’t hayaan ang isang bahagi (piraso) ng kalangitan ay bumagsak sa amin kung ikaw ay kabilang sa nagsasabingkatotohanan!”
١٨٨.Siya(Shuaib) aynagsabi: “Ang aking Panginoon ang Ganap na Nakakaalam ng anumang inyong ginagawa.”
١٨٩.Datapuwa’t kanilang pinabulaanan siya, kaya’t ang kaparusahan ng araw ng anino (isang madilim na ulap) ay sumaklot sa kanila, katiyakang ito ang kaparusahan ng dakilang Araw
١٩٠.Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya
١٩١.At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangya- rihan, ang Pinakamaawain
١٩٢.At katotohanan, ito (ang Qur’an) ay isang kapahayagan mula sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)
١٩٦.At katotohanan, ito (ang Qur’an at ang pagkapahayag nito kay Propeta Muhammad) ay (ipinahayag) sa mga Kasulatan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) sa mga naunang tao
١٩٧.Hindi pa ba isang tanda sa kanila na ang mga pantas (na katulad ni Abdullah bin Salam na yumakap sa Islam) mula sa Angkan ng Israel ay nakakaalam (na ito ay katotohanan)
٢٠٠.Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagtatakwil sa Qur’an) na magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, atbp)
٢٠٣.(At kung magkagayon) sila ay magsasabi: “Kami ba ay maaaring bigyan ng kaunting panahon (palugit)?”
٢٠٨.At kailanman ay hindi Namin winasak ang anumang pamayanan, maliban na sila ay binigyan ng mga tagapagbabala
٢١١.Ito ay hindi makakatugon sa kanilang naisin, gayundin naman, sila ay hindi maaaring (makagawa nito)
٢١٣.Kaya’t huwag kayong manawagan kay Allah na may kasama pang ibang ilah (diyos), kung magkagayon, kayo ay mapapabilang sa mga tatanggap ng kaparusahan
٢١٨.Na nakakamasid sa iyo (o Muhammad) kung ikaw ay nakatindig (na mag-isa sa pagdarasal ng Tahajjud sa gabi)
٢١٩.At sa iyong mga kilos, sa gitna ng mga nagpapatirapa (kay Allah, na kasama ka sa pagdarasal ng mga takdang panalangin)
٢٢٣.Na nakikinig (sa mga demonyo at kanilang ibinubuhos kung anuman ang kanilang marinig tungkol sa nakalingid mula sa mga anghel), at karamihan sa kanila ay mga sinungaling
٢٢٥.Hindi baga ninyo namamasdan na sila ay nagsasalita tungkol sa lahat ng mga bagay (na nagpupuri sa iba, maging tama man o mali) sa kanilang mga tula
٢٢٧.Maliban sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah), at gumagawa ng mga kabutihan at laging may pag-aala-ala kay Allah, at sumasagot rin (nang patula) sa mga walang katarungang tula (na dinadalit ng mga paganong makata laban sa mga Muslim). At sila na gumagawa ng kamalian ay makakaalam kung anong pagbagsak ang sa kanila ay babagsak