عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Luwalhatiin Siya na nagpanaog ng Pamantayan (ng wasto at mali, alalaong baga, ang Qur’an), sa Kanyang Alipin (na si Muhammad), upang siya ay maging tagapagbabala sa lahat ng mga nilalang
٢٢.Sa Araw na kanilang mamamalas ang mga anghel, - walang masayang balita ang ihahatid doon sa Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, atbp.) sa araw na yaon. At sila (ang mga anghel) ay magsasabi: “Ang lahat ng magagandang balita ay ipinagbabawal sa inyo.” (walang sinuman ang pahihintulutang makapasok sa Paraiso maliban sa kanya na nagsasabi ng: La ilaha ill Allah [wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah], at matimyas na nagsagawa ng [kanyang] mga legal na pag-uutos at tungkulin