عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.(Ito) ang Surah (ng Qur’an) na Aming ipinanaog at Aming ipinagtagubilin (itinakda ang kanyang mga legal na Batas) at dito, Kami ay nagpahayag ng maliliwanag na Ayat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.), upang kayo ay makaala-ala
٢.Ang babae at lalaki na nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin ang bawat isa sa kanila ng isang daang hampas. Huwag hayaang ang pagkaawa ang pumigil sa inyo sa ganitong kaso, sa kaparusahan na inihatol ni Allah, kung kayo ay sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw. At hayaang ang isang pangkat ng mga sumasampalataya ay makasaksi sa kanilang parusa. (Ang parusang ito ay para sa isang tao na walang asawa na nagkasala ng gayong krimen, datapuwa’t kung ang nagkasala ay mayroong asawa, ang kaparusahan ay batuhin sila hanggang sa mamatay, ayon sa Batas ni Allah)
٣.Ang mangangalunyang lalaki ay hindi nag-aasawa maliban sa isang mangangalunyang babae o Mushrikah at ang mangangalunyang babae ay hindi nag- aasawa ng iba maliban sa mangangalunyang lalaki o Mushrik (ito ay nangangahulugan na kung ang lalaki ay pumayag na mag-asawa o magkaroon ng relasyong seksuwal sa isang Mushrikah [babaeng pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan] o isang puta, kung gayon, katotohanang siya ay mangangalunyang lalaki o Mushrik [lalaking pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan]). At ang babae na pumayag na mag-asawa (o magkaroon ng relasyong seksuwal) sa isang Mushrik [pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan] o isang mangangalunya, kung gayon, siya ay maaaring isang puta o Mushrikah [babaeng pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan]. Ang gayong bagay ay ipinagbabawal sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)
١١.Katotohanan! Sila na nagkakalat ng paninirang puri (laban kay Aisha, ang asawa ni Propeta Muhammad) ay isang pangkat sa lipon ninyo. Huwag ninyong isaalang-alang na ito ay masamang bagay sa inyo. Hindi, ito ay mabuti sa inyo. (Alalaong baga, marapat na ang kasinungalingan ay mapatunayan kaysa ang malagay sa eskandalo at kahihiyan). Ang bawat tao sa lipon nila ay babayaran sa anumang kanyang ginawang kasalanan, at sa kanya sa lipon nila na may malaking bahagi (sa kasalanang ito), sasakanya ang higit na malaking parusa
٢١.O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong sundan ang mga yapak ni Satanas. At sinumang sumunod sa mga yapak ni Satanas, kung gayon, katotohanang siya ay nag- uulot ng Al Fasha (alalaong baga, ang magkasala ng bawal na relasyong seksuwal, kawalang dangal, kalaswaan), at Al Munkar (kawalan ng paniniwala, pagsamba sa mga diyus-diyosan). At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at sa Kanyang Habag sa inyo, walang sinuman sa inyo ang magiging malinis sa mga kasalanan. Datapuwa’t pinadadalisay (ginagabayan sa Islam) ni Allah ang sinumang Kanyang maibigan, at si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakaalam
٢٦.Ang masasamang pangungusap ay para sa masasamang tao (o ang masasamang babae ay para sa masasamang lalaki) at ang masasamang tao ay para sa masasamang pangungusap (o ang masasamang lalaki ay para sa masasamang babae). Ang mabubuting pangungusap ay para sa mabubuting tao (o ang mabubuting babae ay para sa mabubuting lalaki), at ang mabubuting tao ay para sa mabubuting pangungusap (o ang mabubuting lalaki ay para sa mabubuting babae)!, ang gayong (mabubuting tao) ay walang malay sa (bawat isa at lahat) ng masasamang pangungusap na kanilang inuusal, sasakanila ang Pagpapatawad at Rizqun Karim (mayamang biyaya, alalaong baga, ang Paraiso)
٣١.At ipahayag sa mga sumasampalatayang babae na ibaba nila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay) at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong seksuwal, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang mga palamuti maliban (lamang) kung ano ang sadyang nakalitaw (katulad ng palad, o mata o dalawang mata upang makita ang daan, o ang panglabas na kasuutan katulad ng belo o takip ng ulo, guwantes, atbp.) at iladlad ang kanilang belo sa buong Juyubihinna (alalaong baga, sa kanilang katawan, mukha, leeg, dibdib, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang palamuti maliban lamang sa kanilang asawa, sa kanilang ama, sa ama ng kanilang asawa, sa kanilang anak na lalaki, sa anak na lalaki ng kanilang asawa, sa kanilang kapatid na lalaki at sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid, o sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae, o sa mga kababaihang [Muslim], (alalaong baga, sa kanilang mga kapatid na babae sa Islam), o sa mga (babaeng) alipin na angkin ng kanilang kanang kamay, o mga katulong na matatandang lalaki na hindi na mapusok, o maliliit na batang (lalaki) na wala pang muwang sa kahihiyan sa bagay na seksuwal. At huwag hayaan na ipadyak nila ang kanilang paa upang malantad ang anumang natatago nilang palamuti. At manikluhod kay Allah na kayo ay patawarin (Niyang) lahat, o mga sumasampalataya!, upang kayo ay magsipagtagumpay
٣٢.At inyong pangasawahin sa lipon ninyo ang mga wala pang pananagutan (isang lalaki na wala pang asawa at isang babae na wala pang asawa), gayundin ay inyong pangasawahin ang Salihun (matapat, matimtiman at may kakayahan) sa inyong mga aliping (lalaki) at mga katulong (na aliping babae). Kung sila ay maralita, si Allah ang magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At si Allah ay Sapat nang Tagapanustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Lubos na Maalam (hinggil sa katatayuan ng mga tao)
٣٣.At hayaan sila, na wala pa sa kalagayan ng pangkabuhayang kakayahan upang mag-asawa, na panatilihin ang kanilang sarili na maging malinis, hanggang si Allah ay magkaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At sa inyong mga alipin na naghahanap ng kasulatan (ng pagpapalaya), ipagkaloob ninyo sa kanila ang gayong kasulatan, kung inyong batid na sila ay mabuti at mapapagkatiwalaan. At inyong pagkalooban sila ng bahagi ng inyong sariling (yaman) mula sa kayamanan na ipinagkaloob (ni Allah) sa inyo. At huwag ninyong ibulid ang inyong mga katulong na babaesaprostitusyon(pagbibilingpanandaliangaliw), kung sila ay naghahangad ng kalinisan, upang kayo ay magkamit (lamang) ng kapakinabangan (sa naglalahong) paninda ng makamundong buhay na ito. Datapuwa’t kung sinuman ang nag-udyok sa kanila (sa prostitusyon o pagbibili ng panandaliang aliw), at matapos ang gayong pamimilit, si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamahabagin (sa gayong mga babae, alalaong baga, Siya ay magpapatawad sa kanila sapagkat sila ay sapilitang pinagawa ng ganitong kasamaan nang laban sa kanilang kagustuhan)
٣٥.Si Allah ang Liwanag ng kalangitan at kalupaan. Ang kahambing ng Kanyang Liwanag ay katulad (ng wari ba ay) mayroong isang lumbo at sa loob nito ay mayroong ilawan, ang ilawan ay nasa loob ng isang salamin, ang salamin ay tila ba isang maningning na bituin, na sinindihan mula sa pinagpalang puno, isang oliba, hindi mula sa silangan (alalaong baga, hindi ito kumukuha ng liwanag ng araw lamang sa umaga), gayundin, hindi mula sa kanluran (alalaong baga, hindi ito kumukuha ng liwanag ng araw lamang sa hapon, bagkus ito ay nakalantad sa araw sa buong maghapon), na ang (kanyang) langis ay mangyayaring magpatuloy na mag-apoy (magningning) [mula sa kanyang sarili], bagama’t walang apoy ang nagsisindi rito. Liwanag mula sa Liwanag! Si Allah ang namamatnubay sa Kanyang Liwanag sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay nagpapamalas ng mga paghahambing sa sangkatauhan, at si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay
٤٣.Hindi baga ninyo namamasdan na si Allah ang nagpapausad sa mga ulap ng malumanay, at pinagsasama ang mga ito, at ginagawa ito na patong-patong, at inyong namamasdan ang ulan ay namamalisbis sa pagitan nito. At Kanyang ipinapanaog mula sa alapaap ang mga ulan (ng namumuong tubig) na (tulad) ng mga kabundukan, at ibinubuhos Niya ito sa sinumang Kanyang maibigan, at nagpapahupa nito sa sinumang Kanyang naisin. Ang maliwanag na salipadpad ng kanyang (mga ulap), ang kidlat ay halos makabulag ng paningin
٥٤.Ipagbadya: “Sundin ninyo si Allah at sundin ang Tagapagbalita, datapuwa’t kung kayo ay magsitalikod, siya (ang Tagapagbalita, si Muhammad) ay may pananagutan lamang sa tungkuling iniatang sa kanya (alalaong baga, upang iparating lamang ang Mensahe ni Allah), at ang sa inyo, ay kung ano ang iniatang sa inyo. Kung kayo ay susunod sa kanya, kayo ay malalagay sa tamang patnubay. Ang tanging tungkulin ng Tagapagbalita ay upang ipaabot sa inyo (ang mensahe) sa maliwanag na paraan (alalaong baga, ang mangaral nang maliwanag at mahusay).”
٥٥.Si Allah ay nangako sa inyo na mga sumasampalataya, at nagsisigawa ng kabutihan, na katiyakang sila ay pagkakalooban Niya ng papalit (sa pangkasalukuyang namumuno) sa kalupaan, kung paano rin namang ipinagkaloob Niya ito sa mga nangauna sa kanila, at ipagkakaloob Niya sa kanila ang kapamahalaan upang isagawa ang kanilang relihiyon, na Kanyang hinirang para sa kanila (alalaong baga, ang Islam). At katiyakang ipagkakaloob Niya sa kanila bilang kapalit ang ligtas na pangangalaga sa kanilang pangangamba, (kung) sila (na mga sumasampalataya) ay sasamba sa Akin at hindi magtatambal ng anupaman (sa pagsamba) sa Akin. Datapuwa’t kung sinuman ang mawalan ng pananampalataya pagkaraan nito, sila ang Fasiqun (mapagpalalo, mapaghimagsik at suwail kay Allah)
٥٨.O kayong mga sumasampalataya! Hayaan ang inyong legal na mga alipin at mga babaeng alipin, at sila sa lipon ninyo na hindi pa sumasapit sa gulang ng pagdadalaga, ay humingi sa inyo ng pahintulot (bago sila lumapit sa inyo) sa tatlong pangyayari; bago ang pang-umagang pagdarasal, at habang kayo ay nagpapalit ng inyong kasuotan (nagbihis ng iba) sa panghapong pamamahinga, at matapos ang pagdarasal ng Isha (panggabing panalangin). Ang tatlong kalagayan (oras) na ito ay pribado para sa inyo (oras ng pampribadong damit), maliban sa tatlong panahong ito, hindi isang kasalanan sa inyo o sa kanila na lumibot at gumalaw, na tumutugon (at tumutulong) sa (pangangailangan) ng bawat isa. Kaya’t ginawa ni Allah na malinaw sa inyo ang Ayat (ang mga Talata ng Qur’an, na nagpapakita ng mga katibayan tungkol sa legal na pananaw sa pahintulot ng mga pagdalaw, atbp.). At si Allah ay Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan
٦١.walang ibinabawal sa bulag, at wala ring ibinabawal sa pilay, at wala ring ibinabawal sa may karamdaman, gayundin sa inyong sarili, kung kayo ay kumakain sa inyong tahanan, o sa tahanan ng inyong ama, o sa tahanan ng inyong ina, o sa tahanan ng inyong kapatid na lalaki, o sa tahanan ng inyong kapatid na babae, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ina, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ina, o kung saan (mang bahay) na kayo ay nagtatangan ng susi, o sa tahanan ng isang kaibigan. Hindi isang kasalanan sa inyo kung kayo ay kumain nang salu-salo o magkabukod. Datapuwa’t kung kayo ay magsipasok sa mga tahanan, magbatian kayo sa isa’t isa ng isang pagbati na mula kay Allah (alalaong baga, magsabi ng Assalamu Alaikum [Sumaiyo ang kapayapaan]) na pinagpala at mabuti. Kaya’t sa ganito ginawa ni Allah na maging malinaw ang Ayat (mga Talata ng Qur’an o mga tanda na pangrelihiyon, atbp.) upang kayo ay makaunawa
٦٢.Ang tunay na sumasampalataya ay sila lamang na nananalig (sa Kaisahan) ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at kung sila ay nasa piling niya sa mga pangkaraniwang gawain, sila ay hindi lumilisan hanggang hindi sila humihingi ng pahintulot. Katotohanan! Sila na humihingi ng iyong pahintulot, sila ang tunay na sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. Kaya’t kung sila ay humingi ng iyong pahintulot dahilan sa kanilang pangsariling pamumuhay, iyong gawaran sila ng pahintulot sa sinumang iyong maibigan sa kanila, at humingi ka kay Allah tungo sa kanilang kapatawaran. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
٦٣.HuwagninyonggawinnaangpagtawagsaTagapagbalita (Muhammad) ay maging katulad din ng inyong tawagan sa isa’t isa. Nababatid ni Allah sa lipon ninyo kung sino sa inyo ang tumatalilis nang patago (sa pamamagitan ng pagdadahilan, na hindi humihingi ng pahintulot mula sa Tagapagbalita). At hayaan ang sumasalungat sa pag-uutos ng Tagapagbalita (alalaong baga, kay Muhammad, sa kanyang Sunna, sa mga legal na pamamaraan, mga gawa ng pagsamba, mga pahayag, atbp.), ay magsipag-ingat, marahil, ang ilang Fitnah (kawalan ng pananalig, pagsubok, kasakitan, lindol, pagpatay, atbp.) ay mangyari sa kanila, o ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay ipadama sa kanila