عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ta, Ha (mga titik Ta, Ha)
٤٠.Nang ang iyong kapatid na babae ay dumating at nagsabi: “Ipapakita ko ba sa iyo ang tao na mag-aalaga sa kanya?” Kaya’t ikaw ay ibinalik Namin sa iyong ina, upang ang kanyang paningin ay maging malamig at huwag mamighati. At ikaw ay nakapatay ng isang tao, datapuwa’t iniligtas ka Namin sa kaguluhan at ikaw ay Aming sinubukan sa maraming paraan. At ikaw ay namalagi sa maraming taon sa pamayanan ng Madyan. At ngayon, ikaw ay naparito ayon sa natataningan na panahon na Aming itinakda (sa iyo), o Moises
٧١.(Si Paraon) ay nagsabi: “Naniniwala ba kayo sa kanya (Moises), bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot? Katotohanan! Siya (Moises) ang inyong pinuno na nagturo sa inyo ng salamangka. Kaya’t walang pagsala na aking puputulin ang inyong mga kamay at paa sa magkabilang panig at katotohanang aking ibabayubay kayo sa puno ng mga palmera (datiles), at katiyakang inyong mapag- aalaman kung sino sa amin (ako, si Paraon o ang Panginoon ni Moises [Allah]), ang makakapaggawad ng matindi at higit na nagtatagal na kaparusahan.”
٩٧.Si Moises ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay humayo!At katotohanan, ang iyong (kaparusahan) sa buhay na ito, ay ikaw ay magsasabi: “Ako ay huwag ninyong salingin (alalaong baga, ikaw ay mamumuhay na mag-isa at malayo sa sangkatauhan); at katotohanang higit pa rito (ang darating na kaparusahan), ikaw ay mayroong pangako na hindi mabibigo. Ngayon, iyong malasin ang iyong diyos, na sa kanya ikaw ay naging matimtimang tagasamba; katiyakan na Aming sisilaban ito sa naglalagablab na apoy at ikakalat ang mga bahagi nito sa dagat.”
١٣٢.At iyong itagubilin ang pagdarasal sa iyong pamilya (at pamayanan), at maging matimtiman (sa pag-aalay ng mga panalangin). walang anuman na laang panustos (alalaong baga, ang bigyan mo Kami ng kahit ano) ang Aming hinihingi mula sa iyo. Kami ang magkakaloob nito sa iyo. At ang mabuting hantungan (alalaong baga, ang Paraiso) ay para sa Muttaqun (matimtiman at matutuwid na tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbabawal at nagmamamahal kay Allah nang higit at nagsasagawa ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-uutos)