عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Kaf, Ha, Ya, Ain, Sad (mga titik Ka, Ha, Ya, A, Sa)
٧٣.At kung ang Aming Malilinaw na mga Talata ay ipinapahayag sa kanila, sila na hindi sumasampalataya (ang mga mayayaman at malalakas sa lipon ng mga paganong Quraish na namumuhay sa kariwasaan at luho) ay nagsasabi sa mga sumasampalataya (ang mga mahihina, mga mahihirap na kasamahan ni Propeta Muhammad na naghihikahos sa buhay): “Alin sa dalawang pangkat (alalaong baga, ang mga sumasampalataya at hindi nananampalataya) ang pinakamainam (sa punto) ng tungkulin, at gayundin kung tungkol sa himpilan (lugar ng kapulungan sa pagsasanggunian)
٩٧.Kaya’t ginawa Namin ito (ang Qur’an), na magaan sa iyong sariling dila (o Muhammad), upang ikaw ay makapagbigay ng masayang balita sa Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at matutuwid na tao na nangangamba ng labis kay Allah at umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng labis at gumagawa ng lahat ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos), at upang mabigyan ng babala sa pamamagitan nito (ng Qur’an) ang Ludda (ang mga pinakapalaaway at magugulong tao)