عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah lamang, na Siyang nagpapanaog ng Aklat (ang Qur’an) sa Kanyang alipin (Muhammad), at (Siya) ay hindi naglagay dito ng anumang kasahulan (o kamalian)
١٤.At Aming ginawa ang kanilang puso na maging matatag at malakas (na may liwanag ng Pananalig kay Allah at Aming iginawad sa kanila ang pagkamatiisin upang kanilang mabata ang pagiging hiwalay nila sa kanilang mga kamag- anak at tirahan, atbp.), nang sila ay tumindig at nagsabi: “Ang aming Panginoon ay Siyang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, kailanman ay hindi kami tatawag sa anumang diyos maliban lamang sa Kanya; at kung kami ay gumawa ng gayon (paninikluhod sa mga diyus-diyosan), katotohanang kami ay umusal ng isang mabigat na bagay sa kawalan ng pananalig
١٧.At maaaring napagmalas ninyo ang araw, kung ito ay sumikat, na bumababa sa gawing kanan mula sa kanilang Yungib, at kung ito ay lumubog, ay lumalayo ito sa kanila sa gawing kaliwa, habang sila ay nasa gitna ng Yungib. Ito ang (isa) sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.) ni Allah. Sinumang patnubayan ni Allah, siya ay tumpak na napapatnubayan; datapuwa’t kung sinuman ang Kanyang iligaw, para sa kanya, kayo ay hindi makakatagpo ng wali (namamatnubay na kaibigan) upang gabayan siya (sa Tuwid na Landas)
١٩.At gayundin, ay Aming ginising sila (sa kanilang mahaba at mahimbing na pagkakatulog) upang sila ay makapagtanong sa bawat isa. Ang isa sa tagapagsalita sa lipon nila ay nagsabi: “Gaano katagal na kayo ay namalagi (rito)?” Sila ay nagsabi: “(Marahil) kami ay namalagi lamang ng isang araw o bahagi ng isang araw.” Sila ay nagsabi: “Ang inyong Panginoon (lamang) ang ganap na nakakaalam kung gaano katagal kayo namalagi (rito). Kaya’t inyong papuntahin ang isa sa inyo na may dala nitong sensilyong pilak na galing sa inyo at hayaan ninyong hanapin niya kung ano ang mainam at pinahihintulutang pagkain, at siya ay magdala ng ilan sa mga ito sa inyo. At pagtagubilinan siya na maging maingat at huwag hayaan ang sinuman na makakilala sa inyo
٢١.At ginawa Namin na ang kanilang naging katayuan ay maalaman ng mga tao, upang kanilang mabatid na ang pangako ni Allah ay tunay at walang maging pag-aalinlangan sa oras (Araw ng Paghuhukom). (Gunitain) nang sila (na mga tao ng lungsod) ay magtalo-talo sa kanilang sarili tungkol sa kanilang naging kalagayan, sila ay nagsabi: “Magsipagtayo kayo ng gusali sa ibabaw nila, ang kanilang Panginoon ang higit na nakakaalam sa kanila,” at sila na nagwagi sa kanilang panukala ay nagsabi (mas higit marahil yaong mga hindi sumasampalataya): “Katotohanang kami ay magtatayo ng isang lugar ng pagsamba sa ibabaw nila.”
٢٢.(Ang ilan) ay nagsasabi na sila ay tatlo, ang aso ay bilang pang-apat sa lipon nila; (ang iba) ay nagsasabi na sila ay lima, ang aso ay bilang pang-anim, na humuhula sa nalilingid; (ngunit ang mga iba) ay nagsasabi na sila ay pito, ang aso ay bilang pangwalo. Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang ganap na nakakatalos ng kanilang bilang; walang nakakaalam sa kanila maliban sa ilan lamang.” Kaya’t huwag ninyong pagtalunan (ang kanilang bilang, atbp.), maliban (lamang) kung mayroong maliwanag na katibayan (na Aming ipinahayag sa iyo). At huwag kang sumangguni sa isa man sa kanila (mga tao ng Kasulatan, Hudyo at Kristiyano) ng tungkol sa naging buhay (naging kalagayan) ng mga tao ng Yungib
٢٨.At panatilihin mo ang iyong sarili (o Muhammad) sa pagtitiyaga na kasama ng mga tumatawag sa kanilang Panginoon (alalaong baga, ang iyong mga kasamahan na nakakaala-ala sa kanilang Panginoon ng may pagluwalhati, pagpupuri sa pagdarasal, atbp. at iba pang matutuwid na gawa, atbp.) sa umaga at hapon, na naghahanap sa Kanyang Mukha, at huwag hayaan ang iyong mga mata ay makaligta sa kanila, na naghahanap ng pagsasaya at kislap ng buhay sa mundo; at huwag mong sundin siya, na ang puso ay Aming ginawa na huwag makinig sa Aming Pagpapaala-ala, siya na sumusunod sa kanyang mga pagnanasa at sila na ang mga gawa ay nawala
٢٩.At ipagbadya: “Ang Katotohanan ay mula sa inyong Panginoon.” At kung sinuman ang magnais, hayaan siyang manampalataya, at kung sinuman ang magnais, hayaan siyang huwag manampalataya. Katotohanang Aming inihanda sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, buktot, tampalasan, atbp.), ang isang Apoy na ang mga dingding nito ay nakapalibot sa kanila (na mga walang pananalig sa Kaisahan ni Allah). At kung sila ay humingi ng tulong (ginhawa, tubig, atbp.), sila ay bibigyan ng tubig na tulad ng kumukulong langis, na babanli sa kanilang mukha. Kakila-kilabot ang inumin dito at isang masamang Murtafaqa (paninirahan o pahingahang lugar, atbp)
٤٩.At ang Aklat (ang Talaan ng bawat isa) ay ilalagay (sa kanang kamay ng isang sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sa kaliwang kamay ng hindi nananampalataya sa Kaisahan ni Allah), at inyong mapagmamalas ang Mujrimun (mga kriminal, makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp.) na natatakot sa anumang (nakasulat) dito. Sila ay magsasabi: “Kasawian sa amin! Anong uri ng Aklat ito na hindi nakaligta ng anuman maging ng maliit o malaking bagay, datapuwa’t nagtala ito sa maraming bilang!” At kanilang matatagpuan (dito) ang lahat ng kanilang ginawa na inihantad sa kanilang harapan, at ang inyong Panginoon ay hindi nakikitungo sa sinuman ng walang katarungan
٥٠.At (gunitain) nang Aming wikain sa mga anghel; “Magpatirapa kayo kay Adan.” Kaya’t sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis (isa sa mga Jinn na kasama ng mga anghel). Siya ay isa sa mga Jinn, siya ay sumuway sa Pag- uutos ng Kanyang Panginoon. Inyo bagang tatangkilikin siya (Iblis) at ang kanyang kampon (mga anak) bilang mga tagapagtanggol at kawaksi kaysa sa Akin, samantalang sila ay mga kaaway sa inyo. Anong kasamaan ang kapalit sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, atbp)
٥٧.At sino pa kaya ang higit na nasa kamalian kaysa sa kanya na pinapaalalahanan ng Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng kanyang Panginoon, datapuwa’t tumatalikod dito na nakakalimot kung anong (mga gawa) ang inihantong ng kanyang mga kamay. Katotohanang Kami ay naglapat ng lambong sa kanilang puso, kung hindi, sila ay makakaunawa rito (sa Qur’an), at sa kanilang tainga, ng pagkabingi. At kung ikaw (o Muhammad) ay manawagan sa kanila sa patnubay, magkagayunman, sila ay hindi mapapatnubayan
٨٢.At tungkol sa dingding (o bakod), ito ay pag-aari ng dalawang batang lalaki na naulila sa kanilang bayan; at mayroon sa ilalim nito na isang kayamanan na nararapat sa kanila; at ang kanilang ama ay isang matuwid na tao, at ang iyong Panginoon ay nagnais na kanilang sapitin ang wastong gulang at lakas upang kanilang makuha ang kayamanan bilang isang biyaya mula sa iyong Panginoon. At ito ay hindi ko ginawa sa aking sariling kagustuhan. Ito ang kahulugan ng gayong (mga bagay) na hindi ka makatiis na hindi mag-usisa.”