عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Maluwalhati (at Kataas-taasan) Siya (Allah) [ng higit sa lahat (ng kasamaan) na kanilang itinatambal sa Kanya], na nagdala sa Kanyang alipin (Muhammad) tungo sa isang gabing paglalakbay mula sa Masjid Al-Haram (sa Makkah) patungo sa Malayong Moske (ang Templo ni Solomon sa Herusalem), na ang pamayanan dito ay Aming pinagpala (binendisyunan) upang Aming maipamalas sa iyo (o Muhammad) ang Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.). Katotohanang siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid
٧.(At Aming winika): “Kung kayo ay gumawa ng mabuti, kayo ay gumawa ng kabutihan sa inyong sarili, at kung kayo ay gumawa ng masama (inyong ginawa ito) laban sa inyong sarili.” At nang ang pangalawang babala ay dumatal, (Aming pinahintulutan ang inyong mga kaaway) na magawang namimighati (mawalan ng kapangyarihan o lakas) ang inyong mukha, at makapasok sa Templo (Moske ng Herusalem) kung paano sila nagsipasok noon, at wasakin nang may ganap na kapinsalaan ang anumang mahulog sa kanilang mga kamay
٣٣.At huwag ninyong patayin ang sinuman na ipinagbabawal ni Allah, malibang ito ay sa makatarungang paraan. At kung sinuman ang napatay (nang sinasadya na may pagkagalit at pang-aapi at hindi sa kamalian), Aming binigyan ang kanyang tagapagmana ng kapamahalaan (na humingi ng Qisas [batas ng pagkakapantay-pantay sa paggagawad ng kaparusahan], o ang magpatawad, o tumanggap ng Diya [salaping bayad sa dugo o kamatayan]). Datapuwa’t huwag siyang hayaan na lumampas sa hangganan, sa bagay (o kapamahalaan) nang pagkitil ng buhay (alalaong baga, huwag siyang pumatay, maliban sa mamatay-tao lamang). Katotohanang siya ay lilingapin (ng ayon sa batas Islamiko)
٦٠.At (gunitain) nang Aming wikain sa iyo: “Katotohanan, ang iyong Panginoon ang nakakasakop sa sangkatauhan (alalaong baga, sila ay nasa Kanyang pamamahala).” At Aming ipinagkaloob ang pangitain (pananaw, ang Al- Isra) na Aming ipinamalas sa iyo (o Muhammad, bilang isang aktuwal na saksi na nakamalas at hindi bilang isang panaginip), datapuwa’t isang pagsubok sa sangkatauhan, at katulad din naman, ang isinumpang puno (ang Zaqqum, na nabanggit) sa Qur’an; Kami ay nagbabala at Aming ginawa na sila ay mangamba, datapuwa’t ito ay lalo lamang nagpasidhi sa kanila sa wala maliban sa malaking kawalan ng pananalig, pang-aapi, at pagsuway kay Allah
٦٤.At Istafziz (ang literal na kahulugan: linlangin o lokohin sila ng dahan-dahan), sila na iyong mararahuyo o malalansi sa pamamagitan ng iyong tinig (alalaong baga, mga kanta, tugtugin, at iba pang paraan tungo sa pagsuway kay Allah), salakayin mo sila na kasama ang iyong lipon at mga sundalo, magkapanabay na ibahagi mo sa kanila ang kayamanan at mga anak (sa pamamagitan ng panunukso sa kanila na kumita ng salapi sa pamamagitan ng ipinagbabawal na paraan, - pagpapatubo ng pera, atbp., o ang paggawa ng bawal na pakikipagtalik, atbp.), at gumawa ka ng mga pangako sa kanila.” Datapuwa’t si Satanas ay nangangako lamang sa kanila ng wala ng iba maliban sa pandaraya
٩٣.o ikaw ay may isang bahay na napapalamutihan ng mga mahihiyas na bagay (katulad ng pilak at purong ginto, atbp.), o ikaw ay umakyat sa alapaap, at kahit na magkagayon, kami ay hindi mananalig sa iyong pag-akyat hanggang hindi mo ipinapanaog sa amin ang isang aklat na aming mababasa.” Ipagbadya mo (O Muhammad): “Maluwalhati (at Kataas- taasan) ang aking Panginoon (Allah) nang higit sa lahat ng mga kasamaan na kanilang (mga mapagsamba sa diyus- diyosan) itinatambal sa Kanya! Ako ay wala ng iba, maliban na isang tao lamang na isinugo bilang isang Tagapagbalita?”