عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ang dakilang Pangyayari (ang Araw o oras, o ang kaparusahanngmgahindinananampalatayaatmapagsamba sa mga diyus-diyosan, o mga Batas Islamiko at mga pag- uutos) na itinakda ni Allah ay magaganap, kaya’t huwag ninyong hangarin na madaliin ito. Tunay na Kapuri-puri at higit Siyang dakila sa lahat ng mga karibal na itinatambal ninyo sa Kanya
٩.At isang pananagutan kay Allah na ipaliwanag sa inyo ang Tuwid na Landas (alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah at Islam [sa sangkatauhan, upang maipamalas sa kanila ang mga pinahihintulutan at hindi pinahihintulutang bagay, ang masama at mabuti, atbp., kaya’t kung sinuman ang tumanggap sa patnubay, ito ay sa kapakinabangan ng kanyang sarili, at kung sinuman ang tumahak nang paligaw, ito ay tungo sa kanyang pagkapariwara]), datapuwa’t may mga landas na lumiliko (tulad ng paganismo, Hudaismo, Kristiyanismo, atbp.). At kung Kanya lamang ninais, magagawa Niyang mapatnubayan kayong lahat (na sangkatauhan)
٢٧.At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, Kanyang aalisan sila ng puri at sa kanila ay ipagbabadya: “Nasaan ang (mga tinatawag) ninyong katambal sa Akin na siyang dahilan ng inyong hindi pagkakasundo at pakikipagtalo (sa mga sumasampalataya, sa pamamagitan ng inyong pagsuway at hindi pagtalima kay Allah)? Sila na pinagkalooban ng kaalaman (tungkol sa kaparusahan ni Allah para sa mga hindi sumasampalataya) ay magsasabi: “Katotohanan! Kahihiyan ang Araw na ito at kapighatian sa mga walang pananalig.”
٢٨.Yaong mga tao na binawian ng buhay ng mga anghel habang sila ay abala sa kamalian sa kanilang sarili (sa pamamagitan ng kawalan ng pananalig at pag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba kay Allah at sa pagsasagawa ng lahat ng uri ng mga kasalanan at katampalasanan), sa gayon, sila ay ganap na magpapailalim (sa kautusan, at mangungusap): “Noon pa man, kami ay hindi na gumagawa ng kasamaan.” (Ang mga anghel) ay magsasabi: “oo! Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa
٣٠.At (kung) ito ay ipagbabadya sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na labis na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at higit na nagmamahal sa Kanya sa pamamagitan nang paggawa ng kabutihan na Kanyang ipinag-uutos): “Ano ba ang bagay na ipinadala ng inyong Panginoon? Sila ay magsasabi: “Kung ano ang bagay na mabuti.” Sa mga nagsigawa ng kabutihan sa mundong ito ay may mabuti, at ang tahanan ng Kabilang Buhay ay higit na mainam. At tunay na karangal-rangal ang magiging tahanan (alalaong baga, ang Paraiso) ng Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao)
٣٦.At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) ng isang Tagapagbalita (na nagpapahayag): “Sambahin lamang si Allah at iwasan (o layuan) ang lahat ng Taghut (lahat ng mga diyus-diyosan at iba pang mali na sinasamba, atbp., alalaong baga, huwag nang sumamba pa sa iba maliban kay Allah).” At ang ilan sa kanila ay ginabayan ni Allah, at ang ilan sa kanila ay iniligaw ng may kadahilanan (o katarungan). Kaya’t magsipaglakbay kayo sa kalupaan at malasin kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtatakwil (sa Katotohanan)
٧١.At si Allah ang nagtalaga sa ilan sa inyo na maging higit sa iba sa kayamanan at ari-arian. At sila na biniyayaan (ng higit) ay hindi sa anumang kaparaanan ay magpapamana ng kanilang kayamanan at mga ari-arian sa kanilang (mga alipin) na angkin ng kanilang kanang kamay, upang sila ay maging kapantay nila sa gayong kalagayan. (Ito ay isang halimbawa na itinambad ni Allah sa mga pagano na nag- aakibat ng katambal at mga huwad na diyos kay Allah, na sila ay hindi papayag na hatiin ang kanilang kayamanan at mga ari-arian sa kanilang mga alipin, kung gayon, bakit sila pumayag na ang huwad na mga diyus-diyosan ay maging kahati ni Allah sa pagsamba sa Kanya?). Sila ba ay nagtatatwa sa kagandahang loob ni Allah
٧٥.Si Allah ay nagtambad sa halimbawa (ng dalawang tao, isang sumasampalataya at isang hindi nananampalataya); ang isang alipin (na walang pananampalataya) na nasa pagmamay-ari ng iba, siya ay walang anumang kapangyarihan, at ang (isa naman), ang tao (na sumasampalataya), na sa kanya ay Aming ipinagkaloob ang isang mabuting panustos na ikabubuhay mula sa Amin, at kanyang ginugugol ito ng lingid at hayagan. Sila ba ay magkapantay? (Sa anumang kaparaanan, ay hindi). Ang lahat ng mga pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah. Hindi! (Datapuwa’t) ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam
٨٠.At si Allah ang gumawa ng inyong mga pinananahanan na mga tahanan na inyong pahingahan na maging tahimik para sa inyo, at gumawa para sa inyo mula sa mga balat ng bakahan (hayupan) ng (mga tolda o kulandong) bilang tirahan, na inyong nararanasan na napakagaan (at madaling bitbitin) kung kayo ay naglalakbay at kung kayo ay nagpapahingalay (sa inyong paglalakbay), at mula sa kanilang balahibo, balat, at buhok (balahibo ng tupa, balat ng kamelyo, at buhok ng kambing), isang pampalamuti at mga bagay ng kaginhawahan (alalaong baga, ang mga alpombra, kumot, atbp.), isang pansamantalang kaginhawahan
٩٠.Katotohanan, si Allah ay nagtatagubilin ng Al-Adl (alalaong baga, katarungan at pagsamba lamang kay Allah at wala ng iba, sa Kanyang Kaisahan, at pagsunod sa Islam) at Al-Ihsan (alalaong baga, ang maging matiyaga sa pagsasagawa ng inyong tungkulin kay Allah nang ganap, para sa Kanyang Kapakanan at ayon sa Sunna [mga legal na paraan] ng Propeta sa mahinusay na paraan), at pagbibigay (ng tulong) sa mga kaanak at kamag-anak (alalaong baga, ang lahat ng mga ipinag-utos ni Allah na maibibigay sa kanila, katulad ng kayamanan, pagdalaw, pagmamalasakit, o anumang uri ng tulong, atbp.), at nagbabawal ng Al-Fasha (alalaong baga, lahat ng masasamang gawa, katulad ng bawal na seksuwal na pakikipagtalik, pagsuway sa magulang, pagsamba sa mga diyus-diyosan, pagsisinungaling, pagsaksi ng walang katotohanan, pagpatay ng buhay ng walang kapamahalaan, atbp.), at Al-Munkar (alalaong baga, lahat ng mga bawal sa batas ng Islam; lahat ng uri nang pagsamba sa mga diyus-diyosan, kawalan ng pananalig, at lahat ng uri ng kasamaan, atbp.) at Al-Baghi (alalaong baga, ang lahat ng uri ng pangmamaliit at pang-aapi) ay Kanyang pinaaalalahanan kayo, upang kayo ay makinig at sumunod
٩٢.At huwag maging katulad niya na nagtatastas ng sinulid na kanyang hinabi matapos na ito ay maging matibay sa pamamagitan nang pagsasabi ng inyong sumpa bilang isang paraan ng pandaraya sa lipon ninyo, kung hindi, marahil ang isang bansa (pamayanan) ay magiging higit na marami kaysa sa ibang bansa (pamayanan). Si Allah ay sumusubok sa inyo sa pamamagitan nito (alalaong baga, siya na sumusunod kay Allah at tumutupad ng Kasunduan ni Allah at siya na sumusuway kay Allah at sumisira sa Kasunduan ni Allah). At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katiyakan na Kanyang gagawing maliwanag sa inyo ang mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan (alalaong baga, ang isang nananampalataya ay nagsasabi at nananalig sa Kaisahan ni Allah at sa pagka-Propeta ni Propeta Muhammad na itinatatwa ng mga hindi sumasampalataya, at ito ang kanilang pagkakaiba sa buhay sa mundong ito)
١١٢.At si Allah ay nagtanghal ng halimbawa ng isang pamayanan (Makkah) na naninirahan nang panatag at may kasiyahan; ang mga panustos na kabuhayan ay dumarating dito nang sagana mula sa lahat ng lugar, datapuwa’t ito (ang pamayanan) ay nagtatwa sa mga Pagpapala (Kagandahang Loob) ni Allah (sa kawalan ng damdamin ng pasasalamat). Kaya’t hinayaan ni Allah na lasapin nito ang matinding gutom (salot) at pangamba, dahilan sa gayong (kasamaan, alalaong baga, ang pagtatakwil kay Propeta Muhammad) na ginawa (ng kanyang pamayanan)
١١٥.Kanyang ipinagbawal lamang sa inyo ang Al-Maytatah (ang karne ng patay na hayop), ang dugo, ang laman ng baboy, at anumang hayop na kinatay bilang isang alay (sakripisyo) sa mga iba maliban pa kay Allah (o kinatay para sa mga imahen o diyus-diyosan, atbp., o rito ang pangalan ni Allah ay hindi binanggit habang ito ay kinakatay). Datapuwa’t kung sinuman ang napilitan dahil sa matinding pangangailangan na walang pagnanais na sumuway at hindi lumalabag (sa hangganan ng pagsuway), - kung gayon, si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain