٤.Sa Araw na kanyang ipagsasaysay ang balita at kaalaman (sa mga naganap sa kanya na mga kabutihan at kasamaan)
٦.Sa Araw na ang sangkatauhan ay magsisilakad sa magkakahiwalay na pangkat upang itambad sa kanila ang kanilang mga gawa
٧.Kaya’t sinuman ang gumawa ng mabuting gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay makakamalas nito
٨.At ang sinumang gumawa ng masamang gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay makakamalas nito