٥.Katotohanang narito (sa mga sumpang pahayag) ang sapat na katibayan sa mga tao na may ganap na pang-unawa (at dahil dito, sila ay marapat na umiwas sa lahat ng mga kasalanan at kawalang pananalig, atbp)
٦.Hindi mo ba namamalas ([o napagtatanto] O Muhammad) kung paano itinuring ng iyong Panginoon ang angkan ni A’ad
١٠.At kay Paraon na may mga talasok (na nagpapahirap sa mga tao sa pamamagitan ng pagtatali sa mga talasok)
١٥.At ang tao, kung siya ay subukan ng (kanyang) Panginoon at gawaran ng biyaya at karangalan; kanyang sasalitain (ng may pagmamalaki): “Ang aking Panginoon ay nagparangal sa akin!”
١٦.Datapuwa’t ang tao, kung siya ay Kanyang subukan at higpitan ang pinagkukunan ng kanyang biyaya; kanyang sasalitain (sa kawalang pag-asa): “Ang aking Panginoon ay humamak (umaba) sa akin!”
١٧.Hindi! Katotohanang ikaw ay hindi lumilingap sa mga ulila (maging ang pakitunguhan sila ng mabuti, o ipagkaloob sa kanila ang nararapat nilang mana)
٢٣.At ang Impiyerno, sa Araw na ito ay matatambad ng malapit. Sa Araw na ito, ang tao ay makakaala-ala, datapuwa’t paano kaya na ang gayong pag-aala-ala ay makakatulong sa kanya
٢٤.Siya ay magsasabi: “Ah! Sana ay pinaghandaan ko ito (ng mabubuting gawa) tungo sa aking darating na (ibang) buhay!”
٢٥.Sa Araw na ito, ang Kanyang kaparusahan (ng sakit at lumbay) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya)
٢٧.(At sa mabubuting kaluluwa ay ipagbabadya): “o (ikaw na) kaluluwa, sa (ganap) na kapahingahan at kasiyahan
٢٨.Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod (sa iyong sarili) at iyong tamasahin ang Kanyang lugod