١.Kasawian sa Al-Mutaffifin (sila na gumagawa ng pandaraya, alalaong baga, ang mga nagbibigay ng kulang sa sukat at timbang at nagbabawas sa mga karapatan ng iba)
٢.Sila na kung tatanggap sa mga tao ng may sukat at timbang ay naghahanap ng ganap na sukat at timbang
٦.Sa Araw na yaon, ang buong sangkatauhan ay titindig sa harapan ng 946 Panginoon ng lahat ng mga nilalang
٧.Katotohanan! Ang Talaan (na kinapapalooban ng mga gawa) ng Fujjar (mga tampalasan, makasalanan, walang pananampalataya, mapaggawa ng kamalian) ay nakatago sa Sijjin
١٠.Kasawian sa Araw na yaon sa mga nagtatatwa (kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Tagagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa Al-Qadar [maka- Diyos na Pagtatakda)
١٢.At walang sinuman ang makakapagtakwil doon maliban sa mga makasalanan na lumalabag ng labis sa hangganan (ng kawalang pananampalataya, pang-aapi at pagsuway kay Allah), mga Makasalanan
١٣.Na kung ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay ipinahahayag sa kanya, siya ay nagsasabi: “ Mga kathang isip lamang ng panahong lumipas!”
١٤.Tunay nga! Ang kanilang puso ay may batik (nababahiran at nalalambungan ng mantsa dahil sa mga kasalanan at masasamang gawa) ng kanilang ginawa
١٥.Katotohanan, sa Araw na yaon, ang Habag ng kanilang Panginoon ay ipagkakait sa kanila (ang mga makasalanan ay malalambungan upang hindi nila mamalas ang kanilang Panginoon)
١٧.At sa kanila ay ipagbabadya: “Ito ang kaganapan (at katotohanan) ng inyong tinalikdan (at tinalikuran)
١٨.Katotohanan, ang Talaan ng mga matutuwid (at may pangangamba kay Allah at umiiwas sa kasamaan) ay nakatago sa Illiyyun
٢١.Na rito ay sumasaksi at nagpapatotoo ang mga pinakamalapit (kay Allah, alalaong baga, ang mga anghel)
٢٢.Katotohanan, ang mga matutuwid na may pangangamba kay Allah at umiiwas sa kasamaan ay mapapasa- Kaligayahan (sa Paraiso)
٢٦.At ang huling (tungga) nito (alak) ay katulad ng halimuyak ng musko. At dahil dito, hayaan ang mga nagsisikap na may paghahangad sa kanilang kaligayahan (alalaong baga, ang magmadali sa pagsisigasig sa pagsunod kay Allah)
٢٩.Katotohanan! (Sa panahon ng makamundong buhay) ang mga mapaggawa ng katampalasanan ay lagi nang nanglilibak sa mga nananampalataya
٣٠.At kailanman na sila ay dumaraan sa kanila, (sila ay) nagkikindatan sa isa’t isa (bilang panunuya)
٣٢.At kailanman na kanilang nakikita sila; sila (na hindi sumasampalataya) ay nagsasabi: “Tunay nga! Sila ang mga tao na napaligaw!”
٣٣.Datapuwa’t sila (mga hindi sumasampalataya at tampalasan) ay hindi isinugo bilang tagapagbantay sa kanila (mga sumasampalataya)
٣٤.Ngunit sa Araw na ito (ang Araw ng Kabayaran), ang mga sumasampalataya ay hahalakhak sa mga hindi sumasampalataya