٣.Napag-aakala ba ng tao (na walang pananampalataya) na hindi Namin muling maisasaayos ang kanyang mga buto
٤.Katotohanan! Muli Naming maibabalik nang ganap at maayos (ang kanyang mga buto) maging ang dulo ng kanyang daliri
٥.Hindi! Ang tao ay nagtatatwa ng Muling Pagkabuhay at Pagsusulit. Kaya’t siya ay nagnanais na magpatuloy sa kanyang kasamaan
٩.At ang araw at buwan ay pagsamahin (sa pamamagitan ng paglapit sa isa’t isa o ang matiklop at mawalan ng kanilang liwanag, atbp)
١٣.Sa Araw na ito, ang tao ay pagsasabihan ng lahat ng kanyang inilagay sa harapan (ang kanyang mabubuti at masasamang gawa), at lahat ng kanyang naiwan (na mabuti at masama)
١٤.Katotohanan! Ang tao ang saksi ( at katibayan) laban sa kanyang sarili (sapagkat ang mga bahagi ng kanyang katawan ang magsasalita hinggil sa kanyang mga ginawa)
١٨.At matapos na ito ay Aming dalitin sa iyo (o Muhammad, sa pamamagitan ni Gabriel), kung gayon, iyong sundin ang pagbigkas (ng Qur’an)
٢٠.Hindi (ng ayon sa inyong iniisip na kayo [sangkatauhan] ay hindi ibabangong muli at babayaran sa inyong mga gawa), datapuwa’t tunay nga na higit ninyong minahal ang panandaliang buhay na ito
٢٤.At sa Araw na ito, ang ibang mukha ay kakikitaan ng lumbay, hapis, pagkunot (ng noo), dilim at kalungkutan
٢٦.Katotohanan! Kungang kaluluwa ay umabotna sa buto ng kuwelyo (alalaong baga, hanggang sa lalamunan sa kanyang paglabas sa sandali ng kamatayan)
٢٨.At siya na rin (ang mamamatay na tao) ang makakatalos na ito na (ang sandali) ng paglisan (kamatayan)
٢٩.At ang binti ay idurugtong sa ibang binti (alalaong baga, ang sakit at hirap ay idurugtong sa ibayong sakit at hirap)
٣١.Sapagkat siya (na hindi sumasampalataya) ay hindi sumampalataya (sa Qur’an at sa Mensahe ni Muhammad), o nagdasal kaya
٣٤.Kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya)! Tunay nga (o tao na walang pananampalataya), kasawian sa iyo
٣٥.Minsan pa, kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya) at muli, kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya)
٣٦.Inaakala ba ng tao na siya ay hahayaan (at kakalimutan na hindi napaparusahan o nagagantimpalaan sa kanyang mga takdang katungkulan na itinagubilin sa kanya ng kanyang Panginoon [Allah)
٣٧.Hindi baga siya ay isa lamang Nutfah (magkahalong katas ng semilya ng lalaki at babae) na ibinuhos (sa mababang anyo)
٣٨.At siya ay naging Alaqa (namuo sa paglaki); at binigyan siya ni Allah ng hugis at anyo sa ganap na sukat
٤٠.Hindi baga Siya na lumalang (sa kanya) ay makakapagpanumbalik ng buhay ng patay? (Katotohanang Siya ay makakagawa ng lahat ng bagay)