٤.At katotohanang ikaw (o Muhammad) aynag-aangkinngkapuri-puringasalatmataas na pamantayan ng pag-uugali
٧.Katotohanan, ang iyong Panginoon ang lubos na nakakaalam kung sino (sa karamihan ng mga tao) ang napaligaw sa Tamang Landas at lubos Niyang talastas kung sino sa inyo ang sumusunod sa Tamang Patnubay
٨.Kaya’t huwag mong sundin (O Muhammad) ang mga nagtatatwa (sa Kaisahan ni Allah at nagpapabulaan sa Kanyang mga Talata, sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, atbp)
٩.Ang kanilang hangarin ay pumayag ka na makipagkasundo sa kanila (sa pananampalataya mula sa iyong kagandahang loob), kaya’t sila (rin) ay makikipagkasundo sa iyo
١٠.At huwag mong dinggin ang mga tao na nanunumpa ng lubhang marami (sa kasinungalingan), at maipapalagay na walang halaga
١٢.Na pumipigil sa mga kabutihan at lumalabag (sa utos) sa pagiging palalo, at nababalot ng mga kasalanan
١٥.Na kung ang Aming mga Talata (ng Qur’an) ay ipinaparinig sa kanya, siya ay nagsasabi : “Mga kathang kuwento lamang ng mga tao ng panahong sinauna (lumipas)!”
١٧.Katotohanang Aming sinubukan sila na katulad rin ng ginawa Naming pagsubok sa mga Tao ng Halamanan, nang sila ay magkaisa na kanilang pipitasin ang mga bunga (ng Halamanan) sa kinaumagahan
١٩.At dumating (sa halamanan) ang isang pagdalaw ng inyong Panginoon (na may taglay na bagay, ang Apoy) nang kinagabihan at sumunog sa lahat ng palibot habang sila ay natutulog
٢٠.Kaya’t sa kinaumagahan, ang halamanan ay natulad sa nasalantang lugar at maitim, (na ang kanyang bunga ay natipon na)
٢٥.At sinimulan nila ang umaga na may matibay na hangarin, na nag-aakala na sila ay may kapangyarihan (na hadlangan ang mahirap sa pagkuha ng anuman sa mga bunga nito)
٢٦.Ngunit nang kanilang mamasdan (ang halamanan), sila ay nagsipagsabi: “Katotohanang tayo ay napaligaw sa ating patutunguhan!”
٢٨.Ang pinakamagaling (makatarungan) sa kanila ay nagsabi: “Hindi ba aking tinuran sa inyo: Bakit hindi ninyo luwalhatiin si Allah?”
٢٩.At sila ay nagbadya: “Luwalhatiin ang ating Panginoon! Katotohanang kami ay naging Zalimun (mga mapaggawa ng kamalian, buktot, tampalasan)!”
٣١.Na nagsasabi: “Kasawian sa atin! Tunay ngang tayo ay mga Taghub (mapaglabag sa kautusan at palasuway, atbp)
٣٢.Tayo ay umasam na mangyaring pahintulutan ng ating Panginoon na tayo ay pagkalooban Niya ng higit na mainam (na halamanan) kaysa rito. Katotohanang kami ay nagbalik- loob sa aming Panginoon (na naghahangad ng mabuti na Siya ay magpapatawad sa aming kasalanan at magbibigay ng gantimpala sa Kabilang Buhay).”
٣٣.At ito ang kaparusahan (sa buhay na ito), datapuwa’t katotohanang higit na matindi ang kaparusahan sa Kabilang Buhay, kung kanila lamang nababatid
٣٤.Katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na may pagkatakot kay Allah at umiiwas sa lahat ng masama at kasalanan na Kanyang ipinagbawal, at nagmamahal sa Kanya ng labis), ay sasakanila ang Hardin ng Kaligayahan (Paraiso) sa harapan ng kanilang Panginoon
٣٥.Ituturing ba Namin na magkatulad ang mga sumasampalataya (mga Muslim) sa mga makasalanan (mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp)
٣٩.o mayroon ba kayong Kasunduan sa Amin na (inyong) sinumpaan, na makakaabot sa Araw ng Paghuhukom (at magkakaloob) na inyong matatamasa ang anumang inyong hilingin
٤١.o mayroon ba silang mga katambal (sa Diyos)? Hayaang dalhin nila ang kanilang mga katambal (sa diyos), kung sila ay nagsasabi ng katotohanan
٤٢.(Alalahanin) ang Araw na ang lulod (alalaong baga, ang pagiging huwad) ay matatambad, at sila ay pag-uutusan na magpatirapa (kay Allah), datapuwa’t (sila na mapagkunwari) ay hindi makakagawa nito
٤٣.Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa, at ang pagkaaba ay bumabalot sa kanila, sapagkat napagtanto nila (na sa buhay sa mundong ito), sila ay pinag-utusan na magpatirapa (sa pag-aalay ng panalangin), habang sila ay buo pa (malusog at mainam) at hindi nasasaktan (subalit sila ay hindi sumunod)
٤٤.Kaya’t Ako ay hayaan ninyo na humarap sa kanila na nagpasinungaling sa Kapahayagang ito (ang Qur’an). Sila ay Aming parurusahan ng dahan-dahan sa lahat ng paraan na hindi nila napag-uunawa
٤٥.Ang mahabang pagkakataon (at palugit) ay Aking ipagkakaloob sa kanila. Katotohanan, ang Aking balak ay makapangyarihan
٤٦.o ikaw ba (o Muhammad) ay humingi ng ganting biyaya sa kanila, kaya’t sila ay nasadlak sa mabigat na pagkakautang
٤٧.o nasa kanila bang mga kamay ang susi ng Al-Ghaib (mga nalilingid na bagay), upang ito ay kanilang maisulat
٤٨.Kaya’t maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon, at huwag matulad sa Kasamahan ng Isda, nang siya ay manikluhod (sa Amin) samantalang siya ay nasa matinding kapighatian. (Tunghayan ang Qur’an)
٤٩.Kung nangyaring ang Biyaya ng kanyang Panginoon ay hindi sumapit sa kanya, katotohanang siya (ay naiwan sa tiyan ng Isda, datapuwa’t Aming pinatawad siya), kaya’t siya ay itinapon sa hantad na dalampasigan habang siya ang dapat sisihin
٥١.At katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya ay halos palagpasin ka ( o mabilis na makaraan) sa pamamagitan ng kanilang namumuhing mga mata kung kanilang napapakinggan ang Paala-ala (ang Babala, ang Qur’an) at sila ay nagsasabi: “Katotohanang siya (Muhammad) ay isang baliw!”