عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong ituring ang Aking mga kaaway at inyong mga kaaway, (alalaong baga, mga hindi sumasampalataya at mapagsamba sa diyus- diyosan, atbp.), bilang mga kaibigan (o tagapagsanggalang) at nagpapakita kayo ng inyong pagkagiliw sa kanila, kahima’t sila ay nagsipagtakwil sa katotohanan na ipinadala sa inyo (Kaisahan ni Allah, ang Qur’an, at Propeta Muhammad). (Sa kabalintunaan), sila ay nagtaboy sa Tagapagbalita (Muhammad) at sa inyo (mula sa inyong mga tahanan), sapagkat kayo ay nananampalataya kay Allah na inyong Panginoon! Kung kayo ay naparito na nagsisikap na makamtan ang Aking daan at naghahanap ng Aking Mabuting Kasiyahan, (sila ay huwag ninyong tanggapin bilang inyong mga kaibigan). Kayo ay nakikipag-usap nang lihim sa kanila tungkol sa pag-ibig (at pakikipagkaibigan), samantalang Ako ang nakakabatid ng lahat ninyong ikinukubli at lahat ninyong ipinapahayag. At sinuman sa inyo (na mga Muslim) ang gumawa nito ay katotohanang napaligaw siya (ng malayo) sa tuwid na landas
٤.Katotohanang mayroon para sa inyo na mabuting halimbawa (upang inyong sundin ) ang makakamtan ninyo kay Abraham at sa kanyang mga kasama, nang sila ay mangusap sa kanilang mga tao: “Kami ay hindi kasangkot sa inyo at sa anupamang inyong sinasamba maliban pa kay Allah, kami ay nagtakwil sa inyo, at dito ay nag-ugat, sa pagitan namin at ninyo, ang lubusang pagkamuhi at pagkagalit, maliban na kayo ay manampalataya kay Allah at sa Kanya lamang”, maliban sa naging pangungusap ni Abraham sa kanyang ama: “Katotohanang aking ipagdarasal kayo tungo sa inyong kapatawaran (mula kay Allah), bagama’t wala akong kapangyarihan (na makakuha ng katiyakan ) para sa inyong kapakanan mula kay Allah. (Sila ay nagsipanalangin:) “Aming Panginoon! sa Inyo (lamang) kami nagtitiwala at sa Inyo (lamang) kami dumudulog sa pagsisisi, at sa Inyo (lamang) ang aming huling hantungan
١٠.O kayong nagsisisampalataya! Kung may dumarating sa inyo na mga babaeng nagsisilikas, suriin (at bigyang pagsusulit) sila. Si Allah ang tunay na nakakabatid ng kanilang pananampalataya, at kung inyong matiyak na sila ay nananampalataya, sila ay huwag ninyong pabalikin sa mga hindi sumasampalataya. Sila ay hindi naaayon sa batas (na maging asawa) ng mga walang pananampalataya, gayundin naman, hindi naaayon sa batas na ang walang pananampalataya ay maging (asawa) nila. Ngunit bayaran ninyo ang mga hindi sumasampalataya kung anuman ang kanilang ginugol sa kanila bilang dote. At hindi isang kasalanan sa inyo kung nais ninyong mag-asawa sa kanila, kung inyo nang nabayaran ang kanilang dote
١٢.O Propeta! Kung ang mga sumasampalatayang babae ay magsilapit sa iyo upang sila ay manumpa sa iyo ng katapatan (Bai’a o pangako), na sila ay hindi magtatambal ng anupaman sa pagsamba kay Allah, na sila ay hindi magnanakaw, na sila ay hindi gagawa ng pangangalunya (o bawalnapakikipagtalik), nasilaayhindipapatayngkanilang mga anak, na sila ay hindi magsasalita ng paninirang puri, na may paghahangad na gumawa ng kabulaanan (alalaong baga, na sila ay magkaroon ng mga hindi legal na angkin ng kanilang asawa), at sila ay hindi lalabag sa iyo sa anupamang bagay na makatarungan, kung gayon, ay iyong tanggapin ang kanilang katapatan (Bai’a o pangako), at iyong ipagdasal kay Allah ang kapatawaran (ng kanilang mga kasalanan). Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain