عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Ang lahat ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan ay nagpapahayag ng pagpupuri at kaluwalhatian kay Allah, sapagkat Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Maalam
١٠.At ano ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi gumugugol para sa Kapakanan ni Allah? At kay Allah lamang ang pagmamay- ari ng lahat ng mga kayamanan at pamana ng kalangitan at kalupaan. Hindi magkatulad sa inyo ang mga gumugol nang kusa at nakipaglaban noon sa pagsakop (sa Makkah), at sa kanila (na kasama mo na lumaban [hanggang] sa katapusan). Sila ay higit na mataas sa antas kaysa sa gumugol nang kusa at nakipaglaban sa bandang huli. Datapuwa’t sa lahat, si Allah ay nangako ng pinakamabuting gantimpala. At si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ng inyong ginagawa
١٣.Sa Araw na ang mga mapagkunwari, lalaki at babae, ay magsasabi sa mga nananampalataya: “Inyong hintayin kami! Kami ay hayaan ninyo na humiram (ng liwanag) mula sa inyong Liwanag!” At sa kanila ay ipagbabadya: “Magsitalikod kayo sa inyong harapan! At ngayon, kayo ay magsihanap ng liwanag (na hindi nila matatagpuan)! Kaya’t isang dingding ang ititindig sa pagitan nila na rito ay may tarangkahan. Sa loob nito ay naroroon ang walang maliw na Habag, at sa labas nito hanggang sa tagiliran, ay naroroon ang (pagkagalit) at Kaparusahan!”
١٦.Hindi pa ba dumatal ang panahon sa puso ng mga sumasampalataya (na may kapakumbabaan at gumugugol sa pag-aala-ala kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam) na matablan ng katotohanan na ipinahayag (ang Qur’an) sa kanila; (baka mangyari) na sila ay matulad sa mga tao na pinagpahayagan ng Kasulatan noon pang una (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, alalaong baga ang mga Hudyo at Kristiyano), gayunman, marami ng panahon ang nalagas at ang kanilang puso ay lumaki at tumigas? At marami sa kanila ang Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
١٩.At sa mga nananampalataya kay Allah (sa Kanyang Kaisahan) at sa Kanyang mga Tagapagbalita, sila ang Siddiqun (alalaong baga, mga matatapat na tagasunod ng mga Propeta na pangunahin at pinakatampok sa pananalig sa kanila), at mga Martir sa Paningin ng kanilang Panginoon, sasakanila ang kanilang Gantimpala at kanilang Liwanag. Datapuwa’t sila na nagtatakwil kay Allah (sa Kanyang Kaisahan at sa Islam) at nagtatatwa ng Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), sila ang mga kasamahan ng Apoy ng Impiyerno
٢٠.dapat ninyong maalamang lahat na ang buhay sa mundong ito ay isa lamang laro at pampalipas oras, isang pagpaparangalan sa gayak at tampok na pangangalandakan sa lipon ninyo at pagpaparami (sa pagpapaligsahan) ng inyong mga sarili sa mga kayamanan at mga anak. Narito ang isang paghahalintulad: Kung paano ang ulan at pagtubo (ng halaman) ay nagbibigay sigla sa (puso) ng mga magsasaka; hindi magtatagal ito ay malalanta at mapagmamasdan mo na ito ay naninilaw, at magiging tuyo at malalansag. Datapuwa’t sa Kabilang Buhay ay mayroong (kapwa) isang Malupit na Kaparusahan (sa mga walang pananalig kay Allah at tagasunod ng kamalian) at Kapatawaran mula kay Allah at (Kanyang) pagkalugod (sa mga nananalig kay Allah at tagasunod sa kabutihan). At ano ba ang buhay sa mundong ito, maliban lamang sa mga paninda at mga bagay ng pandaraya
٢٥.Katotohanang isinugo Namin (noon pa) ang Aming mga Tagapagbalita na may Maliwanag na mga Katibayan, at ipinadala Namin sa kanila ang Kasulatan at Timbangan (ng Matuwid at Mali), upang ang mga tao ay magsitindig sa katarungan. At inilabas namin ang Bakal, na naririto ang malaking lakas (sa mga bagay ng pakikipaglaban), gayundin naman ng maraming kapakinabangan sa sangkatauhan, upang masubukan ni Allah kung sino ang tutulong ng lingid sa Kanya (sa Kanyang Relihiyon), at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Katotohanang si Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang Mataas sa Kapamahalaan
٢٧.(At sa kanilang pagsasayang ng oras) ay isinugo Namin sa kanila ang iba pang mga Tagapagbalita. Aming isinugo sa kanila si Hesus, ang anak ni Maria, at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo, at itinalaga Namin sa puso ng mga sumusunod sa kanya ang Aming Pagkalinga at Habag. Datapuwa’t ang hindi pag-aasawa na itinalaga nila sa kanilang sarili; ito ay hindi Namin iginawad sa kanila, subalit (ito ay kanilang pinaghanap) upang mabigyang kasiyahan si Allah; ngunit sila ay hindi nagpatupad nito sa nararapat na pagtupad. Kaya’t ipinagkaloob Namin sa lipon nila na sumasampalataya ang kanilang (laang) gantimpala, subalit ang karamihan sa kanila ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)