٤.At ang (mga anghel) na namamahagi (ng mga ikabubuhay, ulan at ibang mga biyaya) sa pag- uutos (ni Allah)
٥.Katotohanan, ang ipinangako sa inyo (alalaong baga, ang Muling Pagkabuhay at ang pagtanggap ng gantimpala o kaparusahan sa mabuti o masamang gawa) ay katiyakang tunay
٩.Siya kaya na tumalikod dito (alalaong baga, kay Muhammad at sa Qur’an) ay siya kaya na natalikod (sa pamamagitan ng Pag-uutos at Takdang Kahihinatnan ni Allah)
١١.Sila na nasa ilalim ng lambong ng kawalang pakikinig at pagsunod (na nagwawalang bahala sa kahalagahan ng Kabilang Buhay)
١٥.Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid, matimtimang tao na umiiwas sa lahat ng mga ipinagbabawal at sumusunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah), sila ay magigitna sa Halamanan at Batisan (sa Paraiso)
١٦.Na nagtatamasa ng kasiyahan sa mga bagay na iginawad ng kanilang Panginoon. Katotohanang noong una pa rito, sila ay naging Muhsinun (mga mapaggawa ng mga kabutihan at katuwiran)
١٧.Sila ay nahirati nang matulog ng maigsi lamang sa oras nang gabi (na naninikluhod sa kanilang Panginoon [Allah] at nananalangin ng may pangangamba at pag-asa
١٨.At sa mga oras ng bukang liwayway, sila ay (natagpuan) na nagsisipanalangin ng kapatawaran (kay Allah)
١٩.At sa kanilang kayamanan ay mayroon dapat na ibahagi sa mga pulubi at sa Mahrum (mga naghihikahos na hindi nanglilimos sa iba)
٢٣.Kaya’t sa pamamagitan ng Panginoon ng kalangitan at kalupaan, ito ang tunay na Katotohanan (alalaong baga, ang ipinangako sa inyo), at gayundin ang katunayan na kayo ay makakapangusap sa isa’t isa ng may katalinuhan
٢٤.Nakarating na ba sa iyo ang kasaysayan ng marangal na Panauhin ni Abraham (ang tatlong anghel; si Gabriel at dalawang iba pa)
٢٥.Pagmasdan, nang sila (mga anghel ) ay magsitambad sa kanyang harapan at nagsabi: “Kapayapaan!” Siya (Abraham) ay pumakli: “Kapayapaan!, at nagsabi: “Kayo ay mga tao na hindi ko kakilala.”
٢٦.At siya ay maligsing bumaling sa kanyang kasambahay, at siya ay naglabas ng isang litsong baka (ang karamihan ng ari-arian ni Abraham ay mga baka)
٢٨.(At nang sila ay hindi kumain ), siya ay nakadama ng pagkatakot sa kanila. Sila ay nagbadya: “ Huwag kang matakot.”, (nang mapuna ng mga anghel ang pangamba sa mukha ni Abraham, sila ay nagpakilala na sila ay mga Tagapagbalita ni Allah), at sila ay nagbigay sa kanya ng masayang balita (nang pagdatal) ng isang anak na lalaki (Isaac) na may karunungan (tungkol kay Allah at sa Kanyang Kaisahan, sa Kanyang Relihiyon at Islam)
٢٩.Datapuwa’t ang kanyang asawa ay lumapit sa kanila na nag-iingay; na tumatampal sa kanyang mukha, at nagsabi: “(Ako) ay isang baog at matandang babae!” (alalaong baga, paano siya [Sarah] magkakaanak gayong siya ay humigit-kumulang na sa 99 taon
٣٠.Sila (mga anghel) ay nagturing: “Kahit na, ang wika ng iyong Panginoon. Katotohanang Siya ay Tigib ng Karunungan, ang Puspos ng Kaalaman.”
٣١.(Si Abraham) ay nagsabi: “Kung gayon, o kayong mga Sugo, ano ang inyong layunin sa inyong pagparito
٣٢.Sila ay nagturing: “Kami ay isinugo sa mga tao na Mujrimun (mga nakalubog sa kasalanan, buktot, tampalasan, walang pananalig kay Allah, kriminal, atbp)
٣٤.Na itinakda ng iyong Panginoon sa Musrifun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, nagmamalabis sa pagsuway sa lahat ng hangganan, makasalanan, atbp.).”
٣٦.Ngunit wala Kaming natagpuan doon na anumang sambahayang Muslim maliban sa isa (alalaong baga, si Lut at ang kanyang dalawang anak na babae)
٣٧.At nag-iwan Kami roon ng isang Tanda (alalaong baga, ang pook ng Patay na Dagat [Dead Sea] na bantog sa Palestina), sa mga may pangangamba sa Kasakit-sakit na Kaparusahan
٣٨.At kay Moises din (ay may isang Tanda). Pagmasdan, nang isinugo Namin siya kay Paraon na may lantad na kapamahalaan
٣٩.Datapuwa’t (si Paraon) ay tumalikod (sa pananampalataya ng may karahasan) na kasama ang kanyang mga kabig, at nagsabi: “Isang manggagaway, isang inaalihan (ng demonyo)!”
٤٠.Kaya’t Aming sinukol siya at ang kanyang mga kabig, at sila ay inihagis Namin sa dagat, habang nasa kanya ang bunton ng paninisi
٤١.At kay A’ad (ay mayroon ding isang Tanda): Pagmasdan, nang Aming ipinadala laban sa kanila ang mapaminsalang Hangin
٤٢.Ito (ang Hangin) ay hindi nag-iwan ng anuman sa landas na kanyang tinahak maliban sa pagkasira at pagkabulok
٤٣.At kay Thamud (ay mayroon ding isang Tanda): Pagmasdan, sila ay pinagsabihan: “Pansamantala kayong magpakasaya sa inyong sarili!”
٤٤.Datapuwa’t sila ay tandisang tumutol sa pag-uutos ng kanilang Panginoon, kaya’t ang Sa’iqa (ang mapaminsalang hiyaw, kaparusahan, nag-aapoy na kidlat, atbp.) ay lumukob sa kanila habang sila ay nagmamasid
٤٥.At hindi nila nakuhang makatindig sa kanilang sarili, gayundin ay hindi nila matulungan ang kanilang sarili
٤٦.(At gayundin naman) ang mga tao ni Noe na una pa sa kanila. Katotohanang sila ay mga tao na Fasiqun (mapaghimagsik, palasuway kay Allah, buktot, buhong)
٤٧.Aming itinayo ang Kalangitan (sa kaitaasan) ng may kapangyarihan. Katotohanang magagawa Namin na palawigin ang kalawakang yaon
٤٨.At Aming inilatag ang (maaliwalas) na kalupaan. Pagmasdan kung paano Namin inilatag ito ng may kagalingan
٥٠.Kaya’t pasaklolo kayo (sa Habag) ni Allah. Katotohanang ako (Muhammad) ay isang Tagapagbabala sa inyo mula sa Kanya
٥١.At huwag ninyong ituring ang iba pang bagay (sa inyong pagsamba) na katambal ni Allah (Siya lamang ang luwalhatiin, higit Siyang Mataas sa lahat nang iniaakibat sa Kanya). Katotohanang ako (Muhammad) ay isang Tagapagbabala sa inyo mula sa Kanya
٥٢.Gayundin naman, walang sinumang Tagapagbalita ang dumatal sa kanilang pamayanan na hindi nila pinagwikaan maliban sa magkakatulad na bintang: “Isang manggagaway o isang inaalihan (ng demonyo)!”
٥٣.Sila baga (na mga tao ng panahong sinauna) ay nagpamana ng palipat-lipat na salita sa kanila (na mga paganong Quraish)? Tunay nga, sila ang mga tao na lumabag sa pagsuway sa lahat ng hangganan (ng kawalang pananalig)
٥٤.Kaya’t lumayo ka (O Muhammad) sa kanila (na paganong Quraish), ikaw ay hindi bibigyang sisi (sapagkat naipaabot mo ang Mensahe ni Allah)
٥٥.Datapuwa’t paalalahanan mo sila (o Muhammad) sa pamamagitan ng pangangaral (ng Qur’an), sapagkat katotohanan, ang pagpapaala-ala ay kapakinabangan sa mga sumasampalataya
٥٧.HindiAkonaghahangadngpagtataguyodmulasakanila (alalaong baga, ng ikabubuhay sa kanilang sarili o sa Aking mga nilalang), gayundin naman Ako ay hindi naghihingi sa kanila na Ako ay kanilang pakainin (alalaong baga, ang pakainin ang kanilang sarili o ang Aking mga nilalang)
٥٨.Sapagkat katotohanang si Allah ang Tagapanustos ng Lahat, (Siya ang nagbibigay ng lahat ng ikinabubuhay), ang Panginoonng Kapamahalaan, ang Pinakamakapangyarihan
٥٩.At katotohanang sa mga mapaggawa ng kamalian, ay mayroong isang bahagi ng kaparusahan na katulad ng masamang bahagi ng kaparusahan (na dumatal) sa kanilang mga kasamahan (ng sinaunang lahi), kaya’t huwag nilang hilingin sa Akin na madaliin Ko ( ang gayong bahagi)
٦٠.Kung gayon, kasawian sa mga hindi sumasampalataya (kay Allah at sa Kanyang Kaisahan; sa Islam) sa takdang Araw na laan para sa kanila, na sa kanila ay ipinangako