٥.Na Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at Panginoon ng lahat ng bawat hanggahan ng sinisikatan ng araw! (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya)
٦.Katotohanang Aming pinalamutihan ang pinakamababang kalangitan ng kagandahan (sa pamamagitan) ng mga bituin
٨.Sila ay hindi makakarinig sa mataas na pangkat (mga anghel), sapagkat sila ay binabato (itinataboy) sa bawat panig
١٠.Maliban sa kanya na katulad nang nang- agaw ng isang bagay sa pamamagitan ng pagnanakaw at sila ay tinutugis ng naglalagablab na apoy na may nakakatusok na liwanag
١١.Kaya’ttanunginmo(OMuhammad, silanamapagsamba sa mga diyus-diyosan): “Sila ba ay higit na matibay bilang nilikha, o ang iba pa (katulad ng kabundukan, kalangitan, kalupaan, atbp.) na Aming nilikha?” Katotohanang Aming nilikha sila mula sa isang malagkit na putik
١٢.Hindi, ikaw (o Muhammad) ay nagtataka (sa kanilang katigasan ng ulo) habang sila ay nangungutya (sa iyo at sa Qur’an)
١٤.At kung sila ay makakita ng isang Ayah (isang tanda, katibayan), ay ginagawa nila itong katatawanan
١٦.“Ano! Kung kami ay mamatay at maging alabok at mga buto, kami baga (ay katotohanan) na muling ibabangon?”
١٩.At ito ay isang matinding pagsabog lamang (alalaong baga, sa pangalawang pagtunog ng Tambuli), at pagmasdan! Sila ay mandidilat
٢١.(At dito ay ipagbabadya): “Ito ang Araw ng Pagbubukod-bukod (Paghuhukom), na ang pagiging tunay ay palagi ninyong itinatatwa.”
٢٢.(At ipagbabadya sa mga anghel): “Tipunin ninyo nang sama-sama ang nagsigawa ng kamalian gayundin ang kanilang mga kasama (mula sa mga demonyo) at ang kanilang sinasamba noon (na mga diyus-diyosan)
٢٥.“Ano ang nangyayari sa inyo? Bakit hindi kayo magtulungan sa isa’t isa (na kagaya noong ginagawa ninyo sa lupa)?”
٢٨.Sila ay magsasabi: “Kayo yaong dumarating sa amin mula sa kanang bahagi (alalaong baga, sa kanang bahagi ng isa sa amin at nagpapaganda sa amin ng bawat kasamaan at mga tukso, nag-uutos sa amin sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at humahadlang sa amin sa Katotohanan, sa Kaisahan ni Allah at sa Islam at sa bawat mabubuting gawa)
٣٠.At kami ay walang kapamahalaan sa inyo. Hindi! Datapuwa’t kayo ay mga tao na nagmamalabis sa paglabag (palasuway, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig)!”
٣١.Kaya’t ngayon, ang Salita ng aming Panginoon ay binigyang katarungan laban sa amin, na katiyakang (dapat naming) lasapin (ang kaparusahan sa aming kasalanan)
٣٤.Katiyakang sa ganitong (paraan), ang Aming pakikitungo sa Mujrimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, palasuway kay Allah, walang pananalig, atbp)
٣٥.Katotohanang kapag sila ay pinagsasabihan ng: La ilaha ill Allah (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), ay pinatatambok nila ang kanilang sarili sa kapalaluan (alalaong baga, sila ay nagtatatwa sa katotohanan)
٣٦.At sila ay nagsasabi: “Ano? Tatalikdan ba namin ang aming mga diyos dahilan lamang sa isang makata na nasisiraan ng bait?”
٣٧.Hindi! Siya (Muhammad) ay dumatal na may (ganap) na katotohanan (alalaong baga, dala niya ang Islam, Qur’an at paniniwala sa Kaisahan ni Allah), at siya ay nagpapatotoo (sa mensahe) ng mga Tagapagbalita (noon pang una na nagdala ng Pananampalataya ni Allah, ang Islam at Kanyang Kaisahan)
٣٩.At kayo ay gagantihan ng wala ng iba maliban lamang sa inyong mga ginawa (masasamang gawa, kasalanan, pagsuway kay Allah, atbp)
٤٠.Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (matatapat, masunurin, tunay na may pananalig sa Islam at Kaisahan ni Allah)
٤٧.Na ligtas sa Ghoul (hindi magiging mabigat o masakit ang ulo, walang sakit sa tiyan, hindi nakakapinsala sa katawan, walang damdamin ng kasalanan) mula (sa pag-inom), gayundin naman, sila ay hindi makadarama nang pagkalango
٤٨.At sa tabi nila ay mayroong mga busilak na babae; na nagpipigil sa kanilang pagtingin (na hindi nagnanais sa iba maliban sa kanilang asawa), na may malalaki at magagandang mata
٥٢.Na lagi nang nagsasabi: “Ikaw ba ay isa sa mga tunay na nananalig (sa Muling Pagkabuhay matapos ang kamatayan)
٥٣.Na kung tayo ay mamatay at maging alabok at mga buto, katotohanang bang tayo (ay muling ibabangon) upang tumanggap ng gantimpala o kaparusahan (ayon sa ating mga gawa)?”
٥٦.Siya ay nagsabi: “Sa pamamagitan (sa Ngalan) ni Allah! Malapit mo na (sana) akong nadala sa pagkapanganyaya ng aking kaluluwa
٥٧.At kung hindi sa Habag ng aking Panginoon (Allah), walang pagsala na ako ay isa sa mga napasama roon (sa Impiyerno)!”
٥٩.Maliban sa ating unang kamatayan, at tayo ba ay hindi paparusahan (makaraang tayo ay pumasok sa Paraiso)
٦٢.Ito bang (Paraiso) ay higit na mainam sa pagsasaya o ang puno ng Zaqqum (isang kahindik-hindik na puno sa Impiyerno)
٦٣.Katotohanang Aming ginawa ito (bilang) isang buntot sa Zalimun (mapagsamba sa mga diyus- diyosan, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp)
٦٧.At bukod pa rito, sila ay bibigyan ng kumukulong tubig upang inumin na magiging magkasangkap (ang pinakulong tubig at Zaqqum sa kanilang tiyan)
٧٢.Datapuwa’tkatotohanangnoonpaman, silaaypinadalhan na Namin ng mga tagapagbabala (mga Tagapagbalita)
٧٤.Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (matapat, masunurin, tunay na may pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
٧٥.(Noon), katotohanang si Noe ay nanikluhod saAmin, at Kami ang Pinakamainam sa mga dumirinig (sa panalangin)
٧٧.At ginawa Namin ang kanyang kalahian na mamalagi (sa kalupaan) at ang mga nakaligtas (alalaong baga, si Shem, Ham at Japheth)
٧٨.At iniwan Namin sa kanya (ang magandang ala-ala) para sa kanyang mga lahi na susunod sa darating na panahon
٨٠.Katotohanan, sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan sa kapakanan ni Allah na walang pagpapasikat o naghahangad ng papuri, bagkus ay gumagawa nito ayon sa pag-uutos ni Allah)
٨٢.At Aming nilunod ang iba (na walang pananampalataya, buktot, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, atbp)
٨٣.At katotohanan, ang isa sa mga sumunod sa kanya (Noe) sa landas (ng Islam at Kaisahan ni Allah) ay si Abraham
٨٤.Pagmasdan! Nang siya ay lumapit sa kanyang Panginoon na may dalisay na puso (tanging kay Allah lamang ang kanyang pagsamba at malinis siya sa dumi ng pananalig sa mga diyus-diyosan)
٨٩.At siya ay nagsabi: “Katotohanang ako ay maysakit (dahil sa salot na bigay ng mga bituin). [Ginawa niya ang pamamaraang ito upang siya ay makapanatili sa templo ng kanilang mga diyus-diyosan at kanyang mawasak ang mga ito, at upang siya ay hindi mapasama sa kanilang paganong pagdiriwang]
٩١.At siya (Abraham) ay humarap sa kanilang mga diyus-diyosan at nagsabi: “Hindi ba ninyo kakainin ang mga handog sa harapan ninyo
٩٥.Siya (Abraham) ay nagsabi: “Sinasamba ba ninyo ang mga bagay na (kayo rin sa inyong sarili) ang lumilok
٩٨.(Ito ay hindi magtatagumpay). At sila ay nagbalak nang laban sa kanya, datapuwa’t Aming inilaan sila sa pinakaaba
٩٩.Siya (Abraham) ay nagsabi (matapos na makaligtas siya sa apoy): “Katotohanang ako ay patutungo sa aking Panginoon! Siya ang mamamatnubay sa akin!”
١٠٢.At nang ang (anak na) lalaki ay sumapit na sa hustong gulang, siya (Abraham) ay nagsabi: “o aking anak! Ako ay nanaginip na iaalay kita bilang sakripisyo (kay Allah); iyong sabihin kung ano ang iyong nasasaloob!” (Ang anak) ay nagsabi: “o aking ama! Inyong sundin kung ano ang sa inyo ay ipinag-utos. Insha Allah (Kung pahihintulutan ni Allah), matatagpuan ninyo ako (kung ito ang kalooban ni Allah) na isang mapagbata.”
١٠٣.At nang sila ay kapwa nagsuko ng kanilang sarili (sa pagsunod kay Allah), at kanyang inihiga na siya na nakapatirapa sa kanyang noo (upang isakripisyo)
١٠٥.Iyo nang natupad nang ganap ang panaginip!” Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan na ganap na nagsasagawa ng mga ito tungo sa kapakanan ni Allah ng walang kapalaluan at hindi naghihintay ng papuri o katanyagan, bagkus ay gumagawa nito ayon sa pag-uutos ni Allah)
١٠٧.At siya ay tinubos (iniligtas) Namin sa isang malaking sakripisyo (ipinalit sa kanya ang isang hayop, alalaong baga, isang lalaking tupa)
١٠٨.At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon
١١٠.Kaya’t katotohanang sa ganito Namin binibiyayaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran)
١١٢.At Aming ginawaran siya ng magandang balita (nang pagdating) ni Isaac, isang propeta, isa sa mga matutuwid
١١٣.Aming ginawaran siya at si Isaac ng biyaya, at mula sa kanilang lahi, (ang iba) ay gumagawa ng kabutihan at ang ilan ay gumagawa ng kamalian
١١٩.At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon
١٢١.Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran)
١٢٤.Pagmasdan! Nang kanyang ipahayag sa kanyang pamayanan: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah?”
١٢٥.“Kayo ba ay magsisidalangin kay Baal (isang tanyag na diyus-diyosan sa kanilang pamayanan na kanilang sinasamba) atinyongtatalikuranang Pinakamainamsalahat ng mga Manlilikha?”
١٢٦.“Si Allah, ang inyong Panginoon at Tagapagtaguyod, at Panginoon at Tagapagtaguyod ng inyong ninuno noong pang una?”
١٢٧.Datapuwa’t kanilang itinakwil siya (Elias), at katotohanan na walang pagsala na sila ay tatawagin (sa kaparusahan)
١٢٩.At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon
١٣١.Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran tungo sa kapakanan ni Allah)
١٣٦.At Aming winasak ang natira (alalaong baga, ang mga bayan ng Sodom na nasa lugar ng Patay na Dagat [Dead Sea] sa Palestina
١٤٤.Katotohanan na walang pagsala na mananatili siya sa tiyan (ng isda) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay
١٤٩.Kaya’t ngayon (O Muhammad), iyong tanungin sila kung ano ang kanilang palagay. Tunay kaya baga na ang inyong Panginoon (ay mayroon lamang) ng mga anak na babae, at ang kanila ay mga anak na lalaki
١٥١.Pagmasdan! Sila (mga paganong Quraish) ay nagsasabi mula sa kanilang mga kabulaanan (gawa-gawang kasinungalingan) ng
١٥٢.“Si Allah ay nagkaroon ng mga anak (alalaong baga, ang mga anghel ay mga anak na babae ni Allah)?” Katotohanang sila ay mga sinungaling
١٥٨.At sila ay kumatha (naggawa-gawa ng kasinungalingan) na may pagkakamag-anak sa pagitan Niya at ng mga Jinn, datapuwa’t ang mga Jinn na rin (ang lubos na nakakaalam) na sila ay tatawagin upang magsulit sa Kanya
١٥٩.Luwalhatiin si Allah! (Siya ay ganap na malaya) sa lahat ng bagay na kanilang itinatambal sa Kanya
١٦٠.(Sila ay nasa kamalian) maliban sa mga tagapaglingkod ni Allah na Kanyang pinili (sa Kanyang Habag, alalaong baga, mga tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at hindi nag-aakibat ng mga huwad na bagay kay Allah)
١٦٢.Ay hindi makakapagligaw (sa kanila na tunay na sumasampalataya kay Allah na makalimot at lumayo sa Kanya)
١٦٥.Katotohanan, kaming (mga anghel) ay nakatindig sa mga hanay sa pagdarasal (na katulad din ninyong mga Muslim sa inyong pagdarasal)
١٦٦.At katotohanan, kaming (mga anghel), kami ay sumasambit ng kaluwalhatian (ni Allah sa aming pananalangin)!”
١٦٨.“Kung kami lamang ay nakatanggap ng Mensahe noong una (bago dumatal si Propeta Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah)
١٦٩.Katotohanang kami ay walang pagsala na magiging tagapaglingkod ni Allah, matapat at matimtiman (at tunay na nananampalataya sa Kanyang Kaisahan at sa Islam)!”
١٧٠.Datapuwa’t (ngayon na ang Qur’an ay dumating), sila ay nagtakwil dito (sa Qur’an at kay Propeta Muhammad at sa lahat ng kanyang mga dinalang kapahayagan); ngunit hindi magtatagal ay kanilang mapag-aalaman!”
١٧١.At katotohanan, ang Aming Salita ay pumalaot na noon pa mang una sa Aming mga tagapaglingkod, ang mga Tagapagbalita na Aming isinugo
١٧٧.Datapuwa’t kung ito ay pababain na sa kanilang bakuran sa harapan nila, kasamaan ang magiging umaga ng mga pinaalalahanan (subalit hindi nakinig)
١٨٠.Maluwalhati ang iyong Panginoon! Ang Panginoon ng Karangalan at Kapangyarihan! (Siya ay ganap na malaya) sa lahat ng mga itinatambal nila sa Kanya
١٨٢.At ang lahat ng mga Pagpupuri ay kay Allah, ang Panginoon at Tagapanustos ng lahat ng mga nilalang