عبداللطيف ادواردو آرسئو · Filipino

١.Alif, Lam, Mim (mga titik A, La, Ma)
١٠.At mayroong mga tao sa karamihan nila ang nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya kay Allah”; datapuwa’t kung sila ay makaranas na ng kahirapan (dahilan sa Kapakanan) ni Allah, ay itinuturing nila na ang pagsubok sa sangkatauhan ay parusa ni Allah! At kung ang tagumpay (tulong) ay dumatal (sa inyo) mula sa inyong Panginoon, katiyakang (angmgamapagkunwari) aynagsasabi:“Katotohanangkami ay lagi ninyong kakampi!” Hindi baga nababatid ni Allah nang lubos ang nasa puso ng kanyang mga nilalang
٣٣.At nang ang Aming mga Tagapagbalita (mga anghel) ay dumatal kay Lut, siya ay lubos na nanimdim sa kanilang mga ginawa, at nakaramdam siya ng panggigipuspos (kawalan ng magagawa upang pangalagaan sila), datapuwa’t kanilang sinabi: “(Lut), huwag kang mangamba, gayundin, huwag kang mamighati! Katotohanang naririto kami upang iligtas ka at ang iyong pamilya at tagasunod, maliban sa iyong asawa, siya ay kabilang sa mga nagpaiwan (alalaong baga, ang asawa ni Lut ay mawawasak na kasama ng mga wawasakin sa kanyang pamayanan)
٤٠.At ang bawat isa sa kanila ay Aming sinakmal sa kanilang kabuktutan; at sa kanila, ang iba ay Aming hinataw ng nagngangalit na bagyo (na umuulan ng bato, katulad nang nangyari sa mga tao ni Lut); ang iba ay nakupot ng (matinding) Pagsabog (katulad nang nangyari sa mga tao ni Thamud at Shu’aib); at ang iba ay Aming hinayaan na lamunin ng lupa (katulad ni Korah); at ang iba ay Aming nilunod (katulad nang nangyari sa mga tao ni Noe, Paraon at kanyang mga kabig). Hindi si Allah ang nagpahamak sa kanila, datapuwa’t sila ang nagpahamak sa kanilang sarili
٤٥.dalitin mo (o Muhammad) kung anuman ang ipinahayag sa iyo sa Aklat (ang Qur’an) ng inspirasyon, at magsagawa ka ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salah). Katotohanan, ang pagdarasal ay nakapag-aadya at humahadlang sa Al-Fahsha (mga kahiya- hiya at masamang gawa, lahat ng uri ng kasalanan, bawal na seksuwal na pakikipagtalik, atbp.) at Al-Munkar (kawalan ng pananalig, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng kabuktutan at kabuhungan, atbp.), at ang pag- aala-ala (at pagluwalhati) kay Allah ay walang alinlangan na pinakamainam (na bagay sa buhay sa mundong ito). At si Allah ang nakakaalam (sa mga pag-uugali) na inyong ginagawa
٤٦.At huwag kayong makipagtalo sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), maliban lamang sa mabuting paraan (may magandang pananalita at mabuting asal na nag-aanyaya sa kanila sa Islam, sa Kanyang Kaisahan, at sa Kanyang mga Talata), tangi na lamang sa kanila na mga tao na gumagawa ng kamalian, inyong sabihin sa kanila: “Kami ay sumasampalataya sa Kapahayagan na ipinarating sa amin at sa kapahayagan na ipinadala sa inyo; ang aming Ilah (diyos) at inyong Ilah (diyos) ay Iisa (alalaong baga, si Allah); at kami ay sa Kanya lamang tumatalima (bilang mga Muslim).”
٤٧.Kaya’t Aming ipinanaog ang Aklat (ang Qur’an) sa iyo (o Muhammad), at sila na pinagpahayagan Namin ng Kasulatan (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo noong panahong nauna) ay nananalig dito (sa Qur’an), gayundin ang iba sa kanila (na paganong Arabo), datapuwa’t ang mga walang pananalig lamang ang nagtatakwil sa Aming Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp. at nagtatatwa sa Kaisahan ni Allah sa Kanyang Pamamanginoon, sa Tanging Pagsamba lamang sa Kanya at sa Kanyang Tanging Pangalan at Katangian)
٤٩.Hindi, datapuwa’t ang mga ito, ang maliwanag na Ayat (alalaong baga, ang paglalarawan at mga katangian ng Propetang si Muhammad na nasusulat sa mga talata ng Torah at ng Ebanghelyo), ay nakatimo sa dibdib (puso) ng mga nabigyan ng Karunungan (mula sa Angkan ng Kasulatan, alalaong baga, mga Hudyo at Kristiyano). At wala ng iba pa maliban sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ang nagtatakwil sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp)